"Jho""Jhoanna"
"Psst"
"Uyy"
Sunod-sunod na tawag ko kay Jhoanna ng hindi pa rin ako pansinin pagpasok ko sa loob ng bahay.
"Naglalaro ako" Simpleng usap niya. Kita ko naman na bago pa lamang niya pinindot ang mobile legend kaya pasikreto ko naman itong tinarayan.
"Eme mo! Ngayon ka pa lang maglalaro e" Nasabi ko na lang at yumakap na sa kaniya.
"Sorry na kahit na hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry" Usap ko sa kaniya, hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin kaya bahagya naman akong natawa.
"Hindi ako galit sayo, hindi ko kayang magalit sayo, okay?"
"Hindi ko lang talaga trip ang isang yon, naiinis ako kapag nakikita ko pagmumukha non" Seryoso talagang sabi niya kaya napatango na lang naman ako.
"Hmm, kakausapin ko na ba siya na hindi na lang siya yung gagawin kong partner?" Tanong ko sa kaniya kaya napahinga na lang naman siya ng malalim at umiwas ng tingin.
"Bakit? May papalit ba sa kaniya kung sakali?" Tanong pa niya kaya agad naman akong napailing.
"Wala"
"Hayaan mo na, huwag mo na lang ako pansinin" Usap pa niya bago ulit iharap ang sarili sa cellphone.
"Ehhh!"
"Okay nga lang" Pag kumbinsi pa niya at hinalikan na niya ang sentido ko.
Napangisi naman siya ng makitang pumasok na sa loob ng bahay si Colet kaya taka ko rin naman tinignan si Colet.
"Kumain na ba kayo? Iinitin ko ba yung ulam?" Tanong na ni Aiah na animo'y siya talaga ang nakatira sa bahay na ito.
"Kumain na kami sa resto" Sagot ko kaya taka naman siyang tumingin sa akin.
"Ikaw ah" Bulong pa niya sa akin kaya napailing na lang naman ako.
"Kaka mikha mo yan" Nasabi ko na lang kaya bahagya naman din itong natawa.
Sa awa ng diyos, matiwasay at tahimik lang namin natapos ang mga plano namin sa pag gawa ng music video para sa final project namin pare-pareho, kaya naman pagtapos ay napagdesisyunan na nila Stacku na magluto na ng hapunan para rito na kami maghapunan pare-parehas.
"Tinola!" Sigaw ni Stacey ng buksan na ang ref namin.
Not again!
"Ayaw ni Mikha non" Pagprotesta na naman ni Mikha para kay Mikha.
"Ako magluluto? So dapat ako bahala" Takang patanong naman na ni Stacku kay Aiah.
"E kung sisig na lang para pang kalahatan? O kaya sinigang pero sabaw lang" Suhestiyon na ni Sheena sa amin kaya sabay-sabay naman kaming napalingon sa kaniya nila Aiah at Stacku.
"Sabaw lang?" Takang tanong ko na rito at tumango-tango naman na ito.
"Pagbigyan niyo na yung bata" Nasabi na lang ni Aiah kaya agad naman napanguso si Sheena.
Cute!
"Tama! Sisig na lang with sabaw lang na sinigang" Pag sang ayon ko pa kaya napatango na lang din naman ako.
Oo na lang kahit nakain na namin yon kanina.
Habang nagluluto ay hindi naman pinalagpas ni Stacey ang pagiging chismosa niya at tinanong na nang tinanong ang bago naming kaibigan na si Sheena.
"Gaano na kayo katagal magkakilala ni Colet?" Tanong na nito kay Sheena na ngayon nakaupo sa isa sa mga upuan sa stool sa amin kitchen island habang pinapanood maghiwa sila Aiah at Stacey.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...