"Mama! Good mor——
Hindi ko natuloy na bati ng makita ko kung sino ang nasa loob ng dining area.
"Good morning" Bati nito habang bitbit bitbit ang plato na mayroon fried rice.
"Col?"
"One and only!" Masiglang usap pa nito ng ibaba na sa mesa ang plato.
"Si mama?" Natanong ko na lang din dahil sa pagkabigla.
"Nandito ang maganda mong mama, pa chill chill lang" Bigla naman usap ni mama ng pumasok na rin ito sa dining area habang dala-dala ang kape niya.
"Inarrange ko lang yung bigay na bulaklak ni Colet sa sala, kala mo ikaw lang ah" Usap pa ni mama kaya muli naman akong humarap kay Colet.
"Good morning ulet" Nakangiti ulit na bati niya habang abot-abot na rin ang bulaklak.
"Good morning at salamat dito sa bulaklak"
"Pero bat ikaw nagluluto? At ang aga mo, jusko!" Nasabi ko na lang kaya natatawa naman umupo na si mama sa upuan niya.
"Yan din reaksyon ko ng biglang mag doorbell yan ng buksan ko na ang mga bintana kanina" Sagot ni mama kaya ngumiti naman si Colet dito.
"May dalang groceries at siya raw magluluto ng agahan para sa atin" Dagdag pa nito kaya taka naman akong tumingin kay Colet.
"Para makapag pahinga naman din si tita sa pagluluto kahit papano tsaka excited na talaga ako makasama ka ulit e" Sagot pa nito kay natawa naman si mama habang gulat naman akong napatingin sa kaniya.
Talaga, Colet?
Sa harap ng mama ko?
"Paalala ko lang sayo ah, halos walong oras lang tayong nagkahiwalay at hindi nagkita at tulog pa tayo ng mga oras na yon" Natatawa na rin usap ko sa kaniya kaya napanguso na lang naman ito.
"Hayaan mo na siya, anak"
"Nanliligaw yung tao e tsaka masanay ka na riyan, ganyan talaga yan" Usap pa ni mama na akala mo e kilalang-kilala si Colet.
"Parang kilalang-kilala mo naman tong isang to, ma"
Saglit naman napatigil ang mga ito sa pagkain kaya taka ko naman silang tinignan.
"Mukha naman mabait na bata talaga yan si Colet, kaya tiwala talaga ako diyan" Sagot pa ni mama habang na kay Colet pa rin ang tingin.
Nagpatuloy naman na kami sa pagkain ng maalala kong dito rin pala sa bahay natulog si Jhoanna.
"Ayy mama! Si Jhoanna!" Nasabi ko na lang at dali-daling umakyat papunta sa katabing kwarto ko sa itaas.
"Huh? Dito ba natulog yung batang yon?!" Pahabol na tanong niya pero hindi ko na rin nasagot sa pagmamadali.
Nauna na kasing matulog sa amin si mama kagabi. Hindi ko rin naman maiwan ang gaga dahil alak nanaman ang hawak.
Aga kasing manggulat nitong si Colet, nakalimutan ko tuloy na may alaga ako sa kabilang kwarto.
"Jho" Tawag ko na sa kaniya ng buksan ko na ang kwartong laging tinutuluyan niya.
Nadatnan ko naman na tulog na tulog pa rin ito habang yakap-yakap ang panda na stuff toys na bigay ko sa kaniya. Na hiningi naman talaga niya sa kwarto ko hahaha.
Cute.
"Jho, gising na, kain na tayo sa baba" Gising ko sa kaniya habang niyuyugyog na ang balikat nito.
Natigil na lang naman ako sa pag gising sa kaniya ng bigla na lang umilaw ang cellphone niya kaya agad ko naman itong tinignan.
Dad:
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanficDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...