KABANATA IV

4K 88 6
                                    

Hi!

I'm sorry.

Pwede ba tayong magkita
sa school tomorrow?

Gusto ko lang sana mag sorry
ng personal.

"Parang mas okay pang hindi ka na lang nag sorry" Sagot ko habang titig na titig pa rin sa cellphone ko habang nakahiga na sa kama ko.

Patulog na sana ako kanina ng bigla na lang nagchat ang magaling na si Nicolette.

Sa totoo lang kahit hindi naman na talaga siya magsorry okay na sa akin, hindi na para magtanim pa ng galit sa kaniya. Gaya nga ng sabi ko sa kanila, naiintindihan ko si Colet, oo may mali siya, hindi talaga siya nag ingat sa mga sinabi niya pero ganon naman talaga minsan kapag may pinagdadaanan ang isang tao.

Nadala lang din siguro siya sa sakit na nararamdaman niya. Ewan, basta.

Minsan kasi kailangan lang din nila ng taong iintindi sa kanila at sana kapag nahanap na nila yung taong iintindi sa sitwasyon nila, sana pahalagahan nila.

Dahil hindi lahat ng tao nagkakaroon ng pagkakataon na makatagpo ng taong iintindihin sila.

At maswerte siya dahil ako ginanon niya at naiintindihan ko siya, kasi kung iba yon? Ayy dai, sira na career nito.

At isa pa may kasalanan din naman ako, kung ano-ano rin nasabi ko sa kaniya na pinagsisisihan ko na rin ngayon.

Sumobra rin yata ako.

"Pero para magkita ulit?"

"Hindi na siguro baka masabunutan lang din ako nila Stacey pag nalaman nilang nakipag kita ako sa isang 'to"

Napabuntong hininga na lang naman ako at sinimulan na ang pagrereply sa broken hearted na taong ito.

hi! ahm, okay na yon

don't worry, kahit nung
hindi ka pa nag sorry
pinatawad na kita.

kaya hindi na rin siguro
need na magkita tayo.

goods na tayo :).

Okay na siguro ito.

Kinabukasan...

"Bagong umaga, bagong eksena nanaman sa buhay" Nasabi ko na lang sa harap ng salamin matapos kong maligo at ayusan ang sarili ko.

"Pero thank you pa rin, Lord!" Ilang saglit pa ay kinuha ko na ang bag at susi ko ng sasakyan ko bago tuluyang lumabas ng kwarto pababa sa kusina dahil alam kong magagalit nanaman ito kapag hindi ko nasabayan na mag agahan ang magandang mama ko.

"Good morning, ma---

"What the?!" Hindi ko natapos na pagbati kay mama dahil sa gulat sa nakita ko.

"Anong?---

"Oh? Anak! Nandiyan ka na pala, kanina pa kami nagkwekwentuhan dito, tara kain na tayo" Yaya na sa akin ni mama habang inaayos na ang mga niluto niya sa lamesa.

"Nga pala, pinapasok ko na kasi ang tagal mo sa taas, binigyan niya ako ng flowers, daig kita" Dagdag na usap pa ni Mama habang pinapakita na ang bulaklak na bigay sa kaniya.

"Good morning and sorry ulit" Bati na sa akin ni Colet habang inaabot na ang isa pang bulaklak sa akin. Hindi naman na ako sumagot at tinanggap na lang ang bulaklak na abot-abot niya.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now