"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na pinsan mo pala si Jhoanna?" Takang tanong ko na sa kaniya kaya gulat naman siyang napatingin sa akin.
Nandito kami ngayon ni Colet sa Tagaytay tamang road trip lang hanggang sa mapunta na kami sa isang kainan dito na mayroon overlooking view.
Napaka romantic naman pala ng isang 'to.
Dinner date daw kasi kami. Cheesy talaga.
"Sinabi na pala niya sayo?" Tanong pa niya kaya napatango na lang naman ako.
"Tapang" Rinig ko pang bulong niya habang naghihintay pa rin ng eksplenasyon.
"Alam ko kasi na hindi pa niya sinasabi sayo na kapatid niya si Chie kaya hindi ko rin masabi sayo na pinsan ko siya" Sagot niya at ilang saglit pa ay nanlaki na rin ang mata niya ng bigla naman mayroon maisip.
"I-ibig, ibig sabihin, alam mo na rin na ampon ako ng mga Filomeno dahil naging magjowa kami ni Chie?" Tanong pa niya kaya tumango na lang din naman ako.
"Edi alam mo na rin dahilan kung bakit naging kami ni Chie?" Tanong pa niya kaya agad naman ulit akong tumango.
"Alam ko na rin kung paano ka nakalaya sa pag iipit sayo ng lolo at mommy at kapatid ni Jhoanna" Natatawang sagot ko pa kaya gulat naman siyang napatingin sa akin.
"Pisteng Jhoanna to!" Rinig ko pang bulong niya kaya natawa na lang naman ako.
"Scary ka pala magselos" Asar ko pa sa kaniya kaya napanguso na lang naman ito.
"Pero sino pinagselosan mo noon? Wala naman akong maalala na nakalandian o kung ano ako nung mga panahon na yon" Takang tanong ko na sa kaniya kaya humarap naman siya sa akin at umirap.
"Si Rob, kausap mo non si Rob"
"Si Rob?! Tsaka kausap lang? Kaya ba ayaw mo na makaparehas ko siya sa final project namin? At kaya ka rin nagpumulit na ikaw na lang ng dahil lang sa selos mo pa sa kaniya noon?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Anong lang? Selos yon, Loi"
"Selos! Ang hirap labanan non, kahit sinong walang karapatan tatamaan non" Oa niyang sagot kaya natawa na lang ako.
"Pero pasalamat ka kay Rob, kung hindi dahil sa kaniya hindi mo magagawang makalaya sa pag-iipit sayo ng pamilya ni Jho" Natatawa pa rin usap ko rito.
"Paki ko ron? At isa pa, hindi ko naman inaakala na dahil pala sa pagseselos ko na yon agad akong nakalaya sa pag iipit nila na yon, grabe lang talaga inis ko non" Nakangiti ngunit nalulungkot pa rin na usap niya.
"Mahirap siguro para sayo ang mga pinagdaanan mo ng mga panahon na iniipit ka ng pamilya ni Chie at ni Chie mismo" Nasabi ko na lang kaya agad naman siyang ngumiti at umiling.
"Mahirap kung iisipin pero salamat na lang din ako kasi iba sa tatlong Filomeno si Jhoanna dahil kahit papano naramdaman ko na welcome ako sa pamilya na yon, mayroon ako nakakausap, nakakalaro, napagsasabihan ng problema ko at tumutulong sa akin" Seryosong usap niya at tumingin sa akin.
"Hindi niya gusto ang pamamalakad at pag popowertripping ng pamilya niya, iba si Jhoanna sa pamilya niya at alam ko na minana niya ang kabaitan na yon sa daddy niya, buti na lang talaga" Sagot niya kaya napatango na lang naman ako.
"Wait, hindi ba nasangkot sa illegal transactions ang kumpanya nila Jhoanna? Sangkot ba ang kumpanyang iniwan sayo ng tita niya? Damay ka ba? Hindi ka na rin ba ligtas dito?" Takang tanong ko na at laking pasalamat ko naman ng umiling na ito.
"Hindi, hindi, dahil mula ng mapatalsik ko sila sa kumpanya wala na sila na kahit anong connections doon" Sagot niya kaya napahinga na lang din naman ako ng maluwag.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...