"Ate" Katok ni Jhoanna sa kwarto ko.
Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit namin ni Colet para sa tatlong araw namin out of the country para sa kasal ni Jhoanna at Stacey. Bukas ng hapon ay sabay-sabay ang flight namin, saktong umaga ang dating namin doon at kinabukasan noon ay ang siyang kasal na ng dalawa.
Kami lang ngayon ang naiwan sa bahay dahil inasikaso na muna ni mama ang maiiwan niya sa restaurant at ganon din naman si Colet sa kumpanya niya. Naayos ko na rin naman ang schedule ko kaya naman ay ako na ang nakatoka sa pagiimpake ng gamit namin ni Colet.
"Pasok" Pumasok din naman ito at nakanguso.
"Bakit?" Tanong ko at agad naman itong umiling.
"Tabi tayo" Aniya pa niya kaya agad naman akong natawa.
Naglalambing.
Tinapik ko naman ang kama at agad din itong tumabi sa akin ng higa.
"Mamimiss kita ate" Bulong pa niya ng yakapin na ako.
Natawa naman ako ng malakas kaya mas lalo naman siyang napanguso.
"Hindi mo ko mamimiss?" matampuhing sisiw.
"Paalala ko lang sayo Jhoanna, yung bahay na ipinagawa mo na ireregalo mo sa mapapangasawa mo, diyan lang nakatayo sa kabilang kanto, wala pang isang daan na hakbang ay nandito ka na sa bahay" Paalala ko sa kaniya.
"To naman, naglalambing lang yung bunso e" Angal na niya kaya niyakap ko na lang naman ito.
"Nandito lang naman kami ni mama"
"Salamat ate"
"Masaya si ate para sayo, para sa inyo ni Staku" Bulong ko na sa kaniya ng yakapin ko na rin ito.
"Ikaw kailan ka ikakasal?" Natawa na lang naman ako at napailing.
"Matagal-tagal pa siguro, ang dami ko pang kailangan gawin, ganon din si Colet"
"Tsaka ayoko pa magkaroon ng iisipin" Sagot ko kaya taka naman siyang tumingin sa akin.
"Iisipin? Parang wala ka naman ng iisipin pag si Colet napangasawa mo" Totoo naman.
"Hindi ko kayang iwan si mama rito mag-isa" Napapabuntong hiningang sagot ko.
Kapag nag asawa ako, hindi na lang ako mag-isa ang magdesisyon ng mga bagay-bagay, pag kinasal na kami ni Colet kasama ko na siya sa lahat, ayoko maging problema sa amin dalawa ang usapin na bumukod na kami at bumuo ng sarili naming pamilya.
"Ayokong iwan si mama" Dagdag ko pa kaya taka naman tumingin sa akin si Jhoanna.
"Ate magpapakasal ka lang, hindi naman porke mag-aasawa ka e ibig sabihin na non e iiwan mo na si tita ma"
"Tsaka maiintindihan din naman ni Colet yang naiisip mo, napag-uusapan naman yan at sigurado ako na hindi rin papayag yan si tita ma na ganyan ang iniisip mo" Usap pa niya.
Nagising na lang naman ako ng bumungad na sa akin si Colet matapos halikan ang noo ko. Saglit pa akong napatingin sa katabi ko na nakayakap pa rin sa akin.
Pa baby.
"Inunahan ako" Bulong ni Colet sa akin ng ituro si Jhoanna.
Natawa na lang naman ako ng bahagya.
Tumabi na rin naman ito sa akin at yumakap, siniksik pa ang mukha sa leeg ko. Saglit pa akong napatingin sa kaniya at doon ko nakita na nakaligo at nakapagpalit na rin ito ng damit.
"Kumain ka na?"
"Hindi pa, yab"
"Sabay na tayo" Nakanguso ng usap nito.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...