"Akala ko chill lang ang first day, gera pala agad"
Tama si Stacey, akala ko pa naman parang bisita lang kami sa first day e parang bigla naman kaming sinalang agad sa gera. Paano ba naman kasi kakapasok pa lang namin e pinag quiz na agad kami sa isang subject habang yung iba naman inanounce na agad yung final project, na isa na sa mga problema namin ngayon.
"Pero atleast diba, mahaba time natin doon sa final project natin" Pagmomotivate nanaman sa amin ni Jhoanna kaya tumango na lang naman kami.
Oo na lang.
Isa kasi sa final project namin ang magshoot ng isang music video, meaning kami ang magdidirek habang maghahanap kami ng taong ibibida sa music video na iyon.
"Goods na ako, nandiyan naman si Mikha" Biglang usap ni Aiah kaya napanguso na lang naman ako.
"Bawal kasi tayo yung nasa music video e, umay na yata yung prof sa atin" Aniya pa ni Stacku kaya natawa naman ako.
Gaga talaga.
"What if si Gwen at Sheena? Sure naman akong willing din sila kahit papano" Biglang suhestiyon ni Aiah na nagpaliwanag sa mukha ni Jhoanna at Stacey.
"E paano si Maloi?" Takang tanong pa ni Jhoanna kaya napatingin na rin ako kay Aiah.
Sila lang friends ko, wala na akong kilalang makakasama ko rito huhu.
" Si ---
"Huwag mong sabihin si Colet baka masapak ko lang yon" Pagpuputol na ni Jhoanna sa sasabihin kay Aiah kaya napatingin naman na kami sa kaniya.
"Wala pa nga pero huwag nga iyon baka kung ano pa magawa ko ron sa mayabang na yon" Inis na rin aniya ni Stacey kaya napairap na lang din si Aiah dito.
"E kung pinatapos niyo ko? Si Rob sasabihin ko, hindi rin para ilapit pa si Maloi kay Colet kahit kaibigan ko rin yon" Sagot na ni Aiah kaya tumango na lang naman ang dalawa.
Si Rob? Pwede naman.
Isa sa pinaka sikat din iyon dito sa campus, malakas din ang dating at higit sa lahat maganda pa boses at mga kanta nito.
"So settle na tayo? Aamuhin na lang natin mga artist natin at gagawa ng napakatinding plano para sa kaniya-kaniya nating music video" Aniya pa ni Jhoanna kaya tumango na lang din kami.
"Sana maamo" Sagot ko kaya nakangiti naman napapailing ang mga ito.
"Send ko na lang social media sayo ni Rob o hindi kaya sadyain na lang natin sa department nila sa susunod" Usap pa sa akin ni Aiah kaya tumango na lang naman ako.
"Okay, salamat, Aiah"
Ilan saglit pa ay napadaan kami sa napakalaking bulletin board sa campus na mayroong iba't ibang announcement na siya pinagkakaguluhan ng mga estudyante kaya takang-taka naman kaming napatingin apat doon nila Aiah.
"Inannounce na siguro nila na wala na yung banda nila" Biglang usap ni Aiah kaya napatingin naman kami ulit sa kaniya.
"Sineryoso talaga ni Mikha yon?" Takang tanong ni Stacey na agad naman tinanguan ni Aiah.
"Pero Aiah---
"Tama lang yon, kahit ako hindi masikmura ginawa sayo non ni Colet e" Seryosong usap na ni Aiah matapos akong hindi patapusin kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.
"At isa pa, desisyon na rin umalis nila Gwen at Sheena dahil din sa inasta ni Colet nitong nakaraan sa iba pa niyang nakakasalamuha" Nakangiti na nitong dagdag kaya napatango na lang naman ako.
"Dapat pala hindi ko na lang siya pinatulan non" Nasabi ko na lang habang nasa bulletin pa rin ang tingin.
"Ayy tama lang yon! Kasi kung hindi baka kung ano na rin nagawa ko ron" Inis pa rin na usap ni Jhoanna kaya hinawakan ko naman na ang kamay nito.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanficDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...