"Tignan mo nga naman hindi pa rin nagbabago si gwapo" Rinig ko ng usap ni Stacey kaya agad din naman akong napalingon sa pinto kung saan siya nakatingin.
Nagulat na lang naman ako ng muling makita si Maki na mayroon dala-dalang mga bulaklak at ilang mga paper bag. Na sa sobrang dami e akala mo rito na titira.
"Hindi ba sa ganyan ka niyan nadale?" Aniya pa no Jhoanna na masama pa rin ang timpla habang nakatingin kay Maki.
"Chill ka nga lang diyan, kakarating lang nung tao e" Saway na ni Stacey kay Jhoanna kaya napangiti na lang naman ako kay Jho.
"Tama nililigawan mo" Bulong ko na sa kaniya kaya inirapan naman ako nito.
"Sungit"
Ilang saglit pa ay si mama na ang unang sumalubong kay Maki na nagulat din ng makitang na ang daming dala-dala nito.
"Dito ka na ba titira, anak?" Tanong ni mama kaya napailing na lang naman ako.
"Hindi po, dinala ko lang po mga pasalubong ko para po sa inyo" Nakangiting sagot ni Maki at inabot na kay mama ang isang bouquet ng bulaklak at isang paper bag.
Bag nanaman yan.
"Hi" Bati niya ulit sa akin sabay abot din ng bulaklak sa akin.
"Salamat" Nakangiting pasasalamat ko na sa kaniya kaya nakangiti rin naman nitong inabot sa akin ang pasalubong niya.
"Ano 'to?" Tanong ko na lang nang iabot niya ang tatlong paper bag. Napakamot na lang naman siya sa batok at nag aalangan na muling humarap sa akin.
"Mga pabango at damit yan pero yung isang paper bag diyan, mga materials yan para sa pagdradrawing at pagpepaint mo, nagpepaint ka pa naman siguro kagaya noon, diba?" Tanong niya kaya napatango na lang naman ako at muli siyang niyakap.
"Salamat, salamat kasi hindi mo ko magawang kalimutan at ang mga hilig ko" Todo ngiti ng pasalamat ko sa kaniya at tinignan na ang mg gamit na nasa loob ng paper bag.
Na appreciate ko lahat ng nireregalo ng mga kaibigan ko at ni mama sa akin noon pa, pero iba pa rin talaga kapag tungkol na sa pag dradrawing at pagpepaint ang nireregalo sa akin.
"Olats agad" Bulong na ni Gwen sa kaibigan habang na kay Maloi at Maki pa rin ang tingin nila.
"E ikaw ba? Alam mo bang nag pepaint at nag drawing yan si Maloi?" Tanong na ni Sheena kay Colet kaya hindi naman makapaniwalang tinignan ni Colet ang dalawa.
"Alam niya yon, kamuntik na nga hindi makapag exam yan noon nung mas pinili niyang panoorin yung painting competition ni Maloi kaysa sa exam"
"And take note! Jowa na niya non si Chie, tsk! tsk!" Dagdag na usap pa ni Mikha sa sarili niya kaya muli naman napailing na lamang si Colet.
"Pero seryoso, ano ng plano mo ngayon may asungot?" Tanong na ni Gwen sa kaibigan kaya napatingin na lang din naman si Colet kay Maloi at sa bagong dating nitong kaibigan.
"Mabuting asungot, mabait at gentleman yan si Maki, kung hindi nga lang nito gusto si Maloi, e diyan na ako, safe na safe kaibigan ko, imagine, ilang years nawala pero tignan mo naman, bumabalik at bumabalik, ni isang detalye kay Maloi hindi man lang nakalimutan" Muling dagdag ni Mikha habang tinuturo si Colet.
"Kanino ka ba boto ah?" Naguguluhan na tanong ni Sheena sa kaibigan kaya nagkibit balikat na lang naman si Mikha.
"Yung totoo, kasi!"
"Sa kaniya, kung maaayos niya" Sagot ni Mikha habang turo-turo ang kaibigan na si Colet.
Ilang saglit pa ay nagready na rin kami para sa pool party. Inimbitahan na rin ni mama ang ilan sa pamilya ni Maki at laking tuwa naman ni mama ng dalhin ng mommy ni Maki ang bunso nitong anak na si Miki.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...