KABANATA XXIV

1.3K 38 3
                                    

"Nung araw na magkasama-sama tayong walo sa unang pagkakataon, alam kong nakita mo ang daddy mo, kita ng mga mata ko ang pagkabigla at pagtataka nung makita mo ang daddy mo. Ang totoo niyan alam talaga ng daddy mo ang nararamdaman ko sayo kaya nakiusap siya na bantayan kita dahil sa banta sa pamilya Filomeno, madumi maglaro ang kalaban nila kaya hanggang maaari, sinisigurado rin namin nila Jho ang kaligtasan niyo ni tita. Hiningi niya sa akin ang pabor na bantayan ka at huwag na huwag lumapit sayo lalo na't ayaw niyang matuon ang atensyon ni Chie sayo noon. Pero hindi ako nagpatinag, kaya naman kami talaga ni Jho ang sinadya niya noon dahil nalaman niya ang plano kong paglapit sayo, nalaman niya na sa tinagal-tagal na panahon, pursigido na akong magpakilala sayo" Kwento niya habang nanatili lang sa ice cream ang tingin ko.

"Ayaw niya, pilit niya akong pinipigilan kasi alam niya na kapag nangyari yon, sooner or later lalabas ang totoo pero wala siyang nagawa dahil pursigido na nga talaga ako, napilitan na lang talaga siyang umalis noon dahil napansin niyang nakatingin ka na sa kaniya non"

"Kaya ba parang magsasabong na rin kayo ni Jhoanna non?"

"Oo, sasapakin na nga ako non nung nakitang tumabi ako sayo" Natatawang kwento niya kaya napailing na lang naman ako.

"Yung mga sinabi ko sayo nung araw na yon, kabaligtaran lahat yon, hindi ko kasi alam kung paano mo ko mapapansin, nadagdagan pa ng selos dahil nalaman kung ipapartner ka nila Mikha kay Rob, kaya ayon, bwiniset na lang kita, edi napansin mo ko"

"Nasapak nga lang ako ni Jho"

"Deserved"

"Salbahe"

"Ramdam ko ang galit sa akin ng mga kaibigan natin, lalo na ni Jho, kaya wala akong choice kung hindi ang sabihin na sa kanila yung totoo, simula sa simula" Pagkwekwento pa niya kaya agad naman akong napatingin sa kaniya.

"Ayun ba yung araw na yayain mo sila Aiah sa coffee shop?" Tanong ko pa at agad naman siyang tumango.

"Kaya pala ganon na lang umasta ang mga kaibigan ko, kaya pala pilit nila akong nilalayo sayo dahil alam nila na isang usap mo lang, maaaring makita nila ulit yung Maloi na sirang-sira nung unang beses kami nagkita-kita" Nasabi ko na lang at napahing ng malalim.

"At si mama?" Tanong ko pa ulit sa kaniya.

"Alam ng mama mo ang lahat, alam niyang kapatid mo si Jho dahil sinabi sa kaniya noon ng daddy mo, naging totoo rin naman si Jho kay tita kaya laking pasalamat din ni Jho na tanggap siya ng mama mo, at ako, kilala na niya ako dahil nakwento na ako noon sa kaniya ng daddy mo, nagpakilala pa rin ako noon sa kaniya at nagpakatotoo rin ako sa nararamdaman ko sa unica hija niya, goods naman, hindi naman ako hinagis pabalik ni tita sa mga Filomeno" Sagot pa niya kaya bahagya naman kaming natawa.

Baliw talaga.

"Kamusta?" Tanong na niya ng yakapin na niya ako ulit.

"Sorry uyab"

"Bakit?"

"Alam ko mahirap sayo na sayo manggagaling ito, alam ko kagaya nila, natakot ka rin, naiintindihan ko naman na ang mga bagay-bagay, sadyang hindi ko lang alam kung ano dapat kong maramdaman matapos kong malaman lahat" Usap ko sa kaniya habang nakasiksik pa rin ako sa leeg niya.

"Hindi ka dapat nagsosorry sa kung ano man narararamdaman mo, dahil yang nararamdaman mo, valid. At mas lalong hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo gawin ang isang bagay na hindi ka pa handa. Take your time, uyab"

"Nandito lang kami, mahal na mahal ka namin, hindi ka namin iiwan" Bulong na niya sa akin kaya tahimik na lang naman akong niyakap siya ng napaka higpit.

kinagabihan ay minabuti na muna namin na sa condo na lang muna niya kumain at magpalipas ng gabi bago ko tuluyang harapin ang mga taong kailangan kong harapin.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now