"Yan okay na!" Sigaw na ni Colet ng matapos niyang iset up ang keyboard niya at ang mga mic na gagamitin namin habang nanatili lang naman akong nakaupo sa camping chair na dinala niya.
Tigas mukha niya e.
Sabing tutulong ako, ayaw naman.
Mag-aaway pa kami ng wala sa oras dahil lang sa ganito.
"Pahinga ka muna, maya-maya na tayo start" Usap ko na sa kaniya ng iabot na sa kaniya ang bottled water na dinala ko na para talaga sa kaniya.
"Salamat"
Gaya ng noon pang plano, siya ang kapartner ko para sa music video na dapat si Rob naman talaga ang partner ko sa gagawin namin ngayon.
Naka set na ang keyboard at gitara na gagamitin namin pareho. Ganon din ang mga camera at ibang mic na gagamitin namin sa pag vivideo.
Here with you ng Bini ang napili ni Gwen na kanta para sa amin. Hindi ko rin alam kung paanong ayon ang nagustuhan niya namin na kantahin. Alam niya sigurong okay na okay kami ng kaibigan niya kaya ganon genre ng kanta ang napili niya. Pero okay na rin dahil ako rin naman may kailangan sa kanila at wala rin naman kaso sa akin ang kanta kasi napaka ganda nga naman ng lyrics at pagkakakanta ng grupo.
Dabest!
"Ang ganda rito, tahimik, payapa, presko ang hangin" Usap ko na sa kaniya kaya agad naman siyang tumango.
"Kaya madalas talaga rito ang mommy ko, yung tita ni Jho, grabe kasi lagi stress non sa kumpanya lalo na sa daddy at kapatid niya" Kwento niya at napabuntong hininga.
"Minsan uuwi yon sa bahay para sunduin ako, magdadala siya ng pagkain namin at magdadrive na siya papunta rito, ewan ko pero may kung ano rito na kada darating kami e parang wala na sa kaniya yung mga nangyari sa kumpanya, parang wala na lang sa kaniya ang problema niya sa pamilya niya, alam mo kung bakit?" Napatitig na lang naman ako sa kaniya habang seryoso pa rin ang napaamo nitong mukha.
"Bakit?"
"Dahil nandito ang puso at pahinga niya" Nakangiting sagot niya na siyang nagpataka sa akin.
"Tara puntahan natin" Ngiting-ngiting yaya na niya sa akin kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.
Napahinto na lang naman kami sa paglalakad ng mapahinto kami sa isang bahay na modernong-moderno ang disensyo, gawa sa salamin at napaka dami at napaka gagandang halaman at bulaklak ang nakapaligid dito halatang alagang-alaga talaga ang lugar na 'to.
"Ready ka na?" Tanong niya kaya agad naman akong tumango at ngumiti.
Napabuntong hininga pa naman muna si Colet bago niya buksan ang pintuan gamit ang isa niyang kamay.
"Hi mommy! Sup daddy Franz!" Masiglang bati niya sa mga ito habang napatitig na lang naman ako sa mga nag gagandahan mukha ng mga ito sa litrato.
"Kasama ko nga po pala si Maloi, yung babaeng napakatagal ko na pong kwinento sa inyo, hindi na ho torpe anak niyo kasi sa wakas manliligaw na niya ako" Kwento niya sa mga ito habang titig na titig naman na ako sa kaniya.
"Hmm, mommy ko pala at ang puso at pahinga niya, si daddy Franz" Nakangiting pakilala niya sa akin sa mga magulang niya nasa harapan namin.
Totoo nga ang sinabi ni Jhoanna, talaga pala talagang ulilang lubos na si Colet.
Hindi ko alam kung bakit ako yung nalulungkot para sa kaniya.
"Hello po, tito, tita" Bati ko na sa mga puntod ng mga ito at saglit pang huminga ng malalim dahil sa biglang pagsikip ng dibdib ko.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...