KABANATA XXVII

597 22 0
                                    

Makalipas ng ilang buwan, napakarami na ang nangyari. Magagandang nangyari, actually. Mula sa pagpapatayo ni mama ng bagong branch ng restaurant around Metro Manila rin at maging sa pagdami rin ng business partner ni Colet sa kumpanya. Sa pamilya naman ng kapatid ko, bumuti na rin ang lagay nila, nagawan na nila ng paraan ang tungkol sa kaaway ng pamilya nila kaya naman ay nabawasan na rin ang takot ko at pag-aalala pagdating sa kaligtasan ni Colet at Jhoanna. Sa amin naman magkakaibigan, gaya ng plano, sabay-sabay kaming makakapagtapos walo. Napasa nanamin ang mga proyekto namin, syempre pinutol ko yung personal part namin ni Colet sa dulo ng video. Para sa mata lang namin yon. Hahahaha.

Huling mag martsa ang department namin dahil nauna na sa ibang venue ang graduation ng apat na sila Colet, Gwen, Mikha at Sheena. Ako at si mama ang kasama ni Colet, kagaya ko ay proud na proud din si mama kay Colet na siya naman kinatuwa at iniyak pa sa amin ni Colet kanina. Cute.

"Uyab" Umiiyak na salubong sa akin ni Colet ng yakapin na niya ako.

"Proud na proud ako sayo, Col" Bulong ko sa kaniya.

"Alam ko ganon din ang mommy at daddy mo" Dagdag ko pa kaya lalo naman humigpit ang yakap niya sa akin.

"Dito lang kami ni mama lagi para sayo" Nakangiting usap ko sa kaniya ng hawakan ko na ang magkabilang pisnge niya. Tumango naman siya at hinalikan ang labi ko.

"I love you, Loi"

"Congrats anak" Bati ni mama ng iabot na ang bulaklak na para kay Colet na siya mismo ang bumili.

"Thank you, tita" Pasasalamat na ni Colet kay mama ng yakapin na niya ito.

"Proud na proud ako sayong bata ka, napakatibay mo, napakabait mong bata, napakamapagmahal mo, sana alam mo na nandito lang ako ah, kagaya nila Loi at Jhoanna, malalapitan mo ko. Okay lang maging mahina minsan, anak. Tandaan mo, nandito ako, kami ng anak ko at ng mga bago mo pang mga maliligalig na kapatid, mama mo na rin ako, kagaya nila, matatakbuhan mo ko, hindi ka mag-isa anak" Rinig kong usap ni mama kay Colet, kita ko naman na tumulo nanaman ang luha ni Colet kaya ako na lang din ang napaiwas ng tingin.

Happy happy lang kasi dapat.

"Tawagan mo lang si mama, sasagot ako" Rinig ko pang usap ni mama na ngayo'y pinupunasan na ang luha ng nobya ko.

mama?

"Mama?"

"Doon din naman punta non" Rebat pa ni mama ng lingunin na ako.

"Thanks, ma" Ngiting-ngiti naman na sagot ni Colet at niyakap ulit si mama.

Wow! Mahal ko talaga sila, Lord!

Salamat sa buhay nila. Papa J!

"Hmm, ito lang yung kaya kong dalhin kaya ito muna ibibigay ko sayo nasabahay yung isa" Usap ko na sa kaniya ng maglakad na kami papunta sa parking lot.

"Uyab?" Ngumiti lang naman ako at inabot na ang kwintas na ako mismo ang gumawa maging ang pendant nito.

Simple lang naman itong kwintas na merong pendant na pinagsama ang initials ng first name namin.

MM

"Wala akong maisip na pwedeng iregalo sayo kasi alam ko naman lahat meron ka na, lahat kaya mong bilhin" Natatawang paliwanag ko sa kaniya kaya napanguso na lang naman ito.

"Kaya naisipan ko na, ako na lang mismo ang gumawa niyan, magmula sa pinaka kwintas hanggang maging sa pendant, oo kaya mong bumili, pero uyab ako gumawa niyan at para sayo lang" Paliwanag ko sa kaniya.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now