KABANATA XXIII

1.1K 39 4
                                    

"Makikinig ako" Nasabi ko na lang sa gitna ng biyahe namin pabalik ng bahay.

"Uyab?" Takang tanong pa sa akin ni Colet habang focus pa rin siya sa pagdadrive.

"Hindi kita pipilitin na magsabi sa akin kaagad pero gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyari, nandito ako, makikinig at makikinig ako" Pagpapaintindi ko sa kaniya. Hindi naman na siya umusap at hinawakan na lamang ang kamay ko ng mahigpit.

Sa totoo lang, kagabi pa talaga ako nag-aalala sa kaniya. Wala naman siyang sinabi patungkol sa napag-usapan nila nung Mr. Blank pero halata sa kilos at mukha niya na may mali at pangamba.

Simula rin kagabi ay para bang ayaw niya umalis ako sa tabi niya, tahimik lang siya pero yung mga hawak at yakap niya ay ramdam kong may kasamang lungkot at pag-aalala. Ayokong pilitin siyang magsabi sa akin ng hindi siya handa. Gusto ko lang talaga malaman niya na kahit anong mangyari mayroon siyang ako na handa siyang pakinggan at samahan. Saanman, kailanman.

Dahil ayon ang pinangako ko sa mga kinilala niyang magulang, pinangako ko sa sarili ko, sa pagmamahal ko sa kaniya at sa kaniya rin mismo.

"Malapit na tayo" Biglang usap niya kaya muli naman ako napalingon sa kaniya. Kitang-kita ko naman ang pagbuntong hininga niya at saglitan na pagpikit.

Ang lalim.

"I love you" Agad naman siyang napalingon sa akin at pilit na ngumiti.

"I love you too" Sagot niya kaya mabilis naman akong lumapit sa kaniya at mabilis na hinalikan ang labi niya.

Ito na yon.

Ito na yung matagal ko ng iniisip at binubuo sa isip ko.

Ito na yung dahilan kung bakit laging may pangamba at takot sa mukha ng mga taong mahal ko kapag sila-sila magkakasama.

Dahil hindi lahat ng pangamba na yon ay nagkataon lang.

Lahat ng iyon ay may dahilan.

At alam ko, sa oras na bumaba ako sa sasakyan ito. Masasagot na yung mga tanong na nabuo sa isip ko noon.

At isa lang ang kailangan kong gawin. Magtiwala sa anumang rason ng mga taong hindi umalis sa tabi ko, noon at ngayon.

Napailing at natawa na lang naman ako ng makita ang napakaraming sasakyan sa labas ng bahay namin. Nandoon ang sa mga kaibigan namin at maging sa tita, lola at lolo ko.

"Uyab" Tawag na sa akin ni Colet ng titigan ko ang mga sasakyan sa harapan ko.

"Pwede bang hawakan mo lang kamay ko kahit na anong mangyari?" Natanong ko na lang naman sa kaniya. Agad naman siyang tumango at mabilis na hinalikan ang noo ko.

"Dito lang ako, mahal na mahal kita, uyab"

"May tiwala ako sa pagmamahalan natin, Colet"

Magkahawak kamay namin nilakad ang daan papasok ng gate namin at doon tumambad sa amin ang napakaraming naka itim na bodyguard.

Agad naman silang tumungo ng makita kami ni Colet habang inikot naman ni Colet ang paningin niya sa paligid.

"Michael" Tawag niya sa isang bodyguard.

"All clear, Colet, no need to worry" Usap nito na animo'y naintindihan na kung bakit siya tinawag ni Colet.

"Good"

"Pasok na tayo, gusto ko na magpahinga pagtapos nito" Nasabi ko na lang at hinila na siya papasok ng bahay.

Gaya ng inaasahan, nandoon ang buong pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Habang si Jhoanna ay tahimik na pabalik-balik at ang pamilya niya na ngayon ko lang nakita.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now