"Oh god!"Gulat na nasabi ko na lang ng makita na nasa labas na ng classroom namin si Colet na nakasandal lang sa pader habang tahimik na naghihintay.
May ilang estudyante ang dumadaan sa harap niya at kinikilig habang siya naman ay halatang wala lang ito sa kaniya.
"Ay wow!" Rinig ko pang usap ni Stacey ng makita na rin si Colet sa labas ng room.
"Sa kaniya ka ulit sasabay?" Tanong na ni Jho kaya tumango na lang naman ako.
"Ngayon lang naman siguro" Nakangiting usap ko na sa mga ito ng harapin ko na sila para magpaalam na.
"Oh siya, mag iingat ah, chat mo kami kapag nakauwi ka na" Aniya pa ni Aiah kaya napatango na lang naman ako.
Nauna naman na silang umalis dahil sa kabilang daan sila dumaan dahil sa ilan pa nilang mga lakad habang ako naman ay kay Colet na ang tungo dahil baka mabored na ang isang ito.
"Sinabi ko naman sayo ——
"Umagree ka na e" Nakangusong usap na niya kaya natahimik na lang naman ako.
Totoo naman pero balak ko nga kasi siyang takasan!
Tsaka bakit ngumunguso???
"Nabanggit ni tita kanina na may restaurant kayo" Biglang usap niya ng magsimula na kami maglakad papuntang parking lot.
"Ah oo hilig kasi ni mama magluto tsaka yung na talaga business niya mula nung bata ako" Sagot ko kaya agad naman siyang tumango-tango.
"Tara bisitahin natin si tita, gutom na rin ako" Hila pa niya sa akin kaya wala naman na akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya.
Pagdating sa restaurant ni mama ay agad naman ako nakilala ng ilang crew niya kaya gulat naman silang napatingin sa akin pati na rin sa kasama kong tahimik na pinagmamasdan ang loob ng restaurant.
"Te tess, si mama po?" Tanong ko sa isang matagal na crew ni mama.
"Oh! Maloi ikaw pala, si ma'am? Sa loob, teka! tawagin ko" Aniya na niya tsaka naglakad na papasok sa kitchen area.
"Salamat po"
"Dito na tayo umupo" Baling ko na kay Colet at tinuro ang upuan na pangdalawahan sa gilid na bahagi ng restaurant. Siya naman naghila ng upuan para sa akin kaya agad naman akong nagpasalamat.
"Ang ganda ng restaurant ng mama mo, ang ganda ng vibes, ang ganda ng ambiance nakaka relax, chill lang" Komento na nito habang ngiting-ngiti na ginagala ang mga mata.
"Hmm, ganon kasi si mama, chill lang, relax lang"
"Ang ganda ng mga shots mo" Aniya pa nito habang turo-turo na ang ilang mga picture frame na nakasabit sa loob ng restaurant ni mama.
"Paano mo naman nasabi na ako kumuha ng mga yan?" Tanong ko sa kaniya kaya nakangiti naman siyang tumingin ulit sa akin.
"Mass communication student at yung mga nakadisplay na cam sa bahay niyo" Simpleng sagot nito kaya napailing na lang naman ako.
Pero tama siya, ako nga kumuha ng mga iyon, galing yon sa ilang litrato na kinuha ko sa iba't ibang lugar kung saan kami nagbabakasyon ni mama at nila Jhoanna.
"Hmm, right"
"Hi mga anak ko!" Rinig ko ng usap ni mama palapit sa mesa namin ni Colet. Masaya itong yumakap sa amin habang suot-suot pa rin niya ang kaniyang chef outfit.
Yeah! Kahit sariling restaurant ito ni mama e tumutulong pa rin siya sa pagluluto habang minamanage niya ang buong restaurant.
"Ang ganda niyo tita sa chef outfit niyo" Bola ni Colet kaya napailing na lang naman ako.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...