Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

CHAPTER 1

217K 2.7K 184
                                        



"Why aren't you ready yet?" nakakunot ang noong tanong ni Drix sa harapan ko.

I was just resting my head onto my chair as I looked up at the ceiling. Ang dami na namang tanong ang gumugulo sa utak ko isang taon na simula mangyari 'yon. Nandito na rin ako sa Pilipinas, kasama si Mama.

Pero hindi ko pa rin makalimutan ang araw na 'yon.

"Come on, Hera. This is your first day of school! 'Di ba excited na excited ka na ulit mag-aral, then why are you zoning out?" tanong nito sa akin na ngayon ay biglang inikot ang upuan na inuupuan ko at bigla akong hinarap sa kaniya.

I just looked at him blankly.

Yes, I was excited to go back to school, but I still feel empty inside.

"I don't want to go outside, Drix," tipid na sagot ko sa kaniya.

Simula nang mawala si Kuya ay parang may malaking parte sa akin ang nawala. Si Kuya Cloud ang kasama ko simula pitong taong gulang ako. I couldn't remember anything from earlier in my life, so I was not used to his absence.

Hindi ako sanay na wala 'yong presensya n'ya. Mapang-asar at laging nakabusangot si Kuya pero mas gugustuhin ko pa s'yang makitang laging high blood sa mga kalokohan at mga konsimisyon na dinadala ko sa kaniya kaysa sa wala s'ya.

Uri Cloud Salviano was the oldest son and the first heir of the Salviano Group Enterprise that handled different types of large businesses in the field of cargo ships, travel cruises, and international shipments. Besides our family company, he also owned Volare Sky Airline. That airline was the fastest, biggest, and luxurious airline that could travel around the globe.

He was so powerful for the legal world and underground movements. Our company owned a large casino illegally and has our own battalion to fight on that kind of crisis so, how did that thing happen?

"Argh!" iritadong sigaw ni Drix. Nagulat na lang ako nang bigla n'ya akong buhatin at isampay sa balikat n'ya na parang isa akong kaban ng bigas.

"Hoy! Are you insane? Put me down!" pagpupumiglas ko, pero para s'yang bingi at hindi nagsalita. He brought me out of my room, where my mom was.

Nakatalikod pa lang 'to ay kitang-kita ko na ang mala-modelong postura ni Mama. Hindi pa s'ya gano'n katanda at ayaw na ayaw n'yang naririnig ang mga salita na 'yon lalo't na kung s'ya ang tinutukoy.

Alexandria Akabane also known as AA. She's just 47 years old. Maaga rin kasing ipinagbuntis si Kuya sa edad na dise otso. Kuya Cloud was supposed to turn 29 this year, but look at it now? Her eldest son went missing.

My mother was the only daughter of the richest family in Japan that owned a lot of luxurious hotels and casinos, and the only heiress of all their businesses including underground businesses.

"Auntie, sabihin n'yo lang at ihahagis ko na itong si Hera," nakangising sabi ni Drix. Hindi ko man makita ang mukha n'on dahil nasa likuran n'ya ang ulo ko, alam na alam ko na kung ang malapalakang ngisi nito. Narining kong mahinang tumawa si Mama sa sinabi ni Drix. Aba't magkasundo talaga sila, 'no?

"Masyado mo namang bine-baby 'yang si Hera kaya ganiyan ang ugali," mahinhin na usal ni Mama habang mahinang tumatawa.

Hinampas ko nang malakas ang likuran ni Drix dahilan para maibaba n'ya ako. Tiningnan ko s'ya nang matalim at talagang titigan n'ya rin ako nang masama.

Ano? Kasalanan ko pa?

"Ma, bakit ba kasi nandito 'tong lalaking 'to?!" inis na tanong ko kay Mama at binalingan ng tingin si Drix. "At, ikaw naman! Why are you here? Wala ka bang bahay? Naghihirap na ba ang mga Hacovo?!" iritadong tanong ko pa at nilakihan s'ya ng mata.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon