"I can make us win." Bulong sa akin ni Drix.
Napasalampak na lang ako sa aspaltong sahig ng sunod sunod na manalo ang grupo nila Kuya, lagi kasi akong nag kakamali ng talon kaya bumabalik kami sa una ni Drix.
Ang dalidali na nga lang ng laro, nahihirapan pa ako tsk!
Nakita kong nakangisi na sila Kuya sa kabila, unti na lang kasi ay matatapos na nila yung pyramid habang kami ay nasa pangalawa palang at uulit na naman dahil mali ang talon ko at naapakan ang linya.
"Wala na, katapusan na." mahinang sabi ko sa sarili ko habang nakatulala, si Cadis ngayon ang nag lalaro at kala mo ay napaka dali ng ginaawa niya.
Hindi man lang siya natapilok o kaya naguguluhan sa kung saan siya muling hahakbang at tatalon na para bang kabisado na nito kung saan dapat ilapat ang mga paa niya.
Ilang rounds pa ang lumipas at hindi talaga kami makaalis ni Drix sa round namin kanina pa, lagi akong nawawala sa balanse, nakakainis!
"Just chill, don't pressure yourself too much. This is just a game." Pag papaalala sa akin ni Drix.
Paano ako mag c-chill e pinusta ko dito ang sasakyan ko!
I let out a big sigh as I stood up ecause it was my turn to play again. Kailangan ko ng ayusin para makahabol na kami ni Drix at hindi mawala ang sasakyan ko! Pati na rin ay mapunta sa akin ang mga kompanya nila hehe
Dahan dahan akong lumapit sa linya, tinititigan ko iyon ng mabuti na para bang nasa isang world championship ako at isa ako sa mga pambato ng bansa na magiging kahihiyan ng lahat kapag natalo ako.
"Just relax." Narinig ko na sabi ni Luya habang nakatingin sa akin, "Just go with the flow and let your feet play." dagdag niya pa.
"Wag mo nga tulungan ang kalaban!" Bbglang pigil naman sa kanya ni kuya Yuan pero inikutan lang siya ni kuya Cloud ng mata.
Para lang kaming mga bata na naglalaro dito, mga bata na walang iniintindi sa buhay. Pag katapos ng gabing ito, alam kong isang malakas at mapaminsalang bagyo na naman ang hahagupit sa amin. So at this moment we should just savor it and enjoy our time.
Binato ko ang pamato ko tska naman ito lumatag sa pinaka dulong parte sa nakaukit sa aspaltong daan, hinanda ko na ang sarili ko para tumalon.
"Go ate!" Cadis cheered.
Nakatalon na ako at itinuloy tuloy lang gamitang parehong bilis na ginawa ko. Hindi ko namalayan na sunod sunod na pala ang pag bato ko sa pamato ko dahil hindi ako nag kakamali sa pagtalon.
"Yes! We can do this Hera!" masayang sigaw ni Drix sa akin, ang saya ko ng nakahabol na kami sa level na nilalaro nila kuya.
"Shit." mahinang ni bulong ni Kuya Yuan.
I was on my last jump, and I'm sure if I don't mess this up as well as Drix, we will be the winner. Tatlong hakbang ang layo ng kailangan kong talulin dahil sa medyo kalayuan bumagsak yung pamato ko. I breathed deeply as I focused myself on how to land.
"Go, Hera, you can do this." Drix hyped me up.
Bumuntong hininga ako, bago inayos ang posisyon ko para tumalon. I jumped with the perfect stretch and landed...I succeeded!
"Omg! Natapos ko!" masaya na sigaw ko ng lumanding ako ng saktong sakto doon sa huling box. Bigla pa akong napayakap kay Drix dahil sa saya.
Yes! Hindi mawawala ang sasakyan ko!
"Uhm...I would like to stay in this position pero ako na ang maglalaro." Natatawang rinig kong sabi ni Drix kaya bigla naman akong napahiwalay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes.
Misterio / SuspensoJust give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA