"Kausapin mo naman ako Hera!" humahabol na sigaw sa akin ni Drix, "Please, ilang linggo mo na akong hindi kinakausap!" he shouted from the back.
Naglalakad na ako ngayon palabas ng mansyon nang talikuran ko siya. It's been weeks since that meeting happened but I still can't talk to him.
"Hera, ano ba?!" galit na usal niya sa akin ng makarating sa harapan ko at mahigpit na hinawakan ang braso ko. I looked at him dead serious.
"I don't want to talk to you." malamig na sabi ko at tinggal ang pagkahawak niya.
"Hera, please I'm sorry." banggit niya gamit ang mas mahinahon na boses na meron siya. He sounds like he was begging for my forgiveness.
Ni hindi ko siya matingnan, ang sakit pa rin isipin kung anong ginawa niya sa akin. He was my best friend but I felt like he was the first person to turn his back towards me.
"Okay, fine. If you don't want to talk to me, then that's fine. I know what I did, and I'm sorry..." he pegged, "But please, look at me...need ko ng umalis after this marami pa akong kailangan asikasuhin sa kompanya niyo–"
"Hindi mo naman kailangan ipamukha sa akin na sayo ipinagkatiwala ang kompanya na para sa akin, Drix." I cut him off. Mukhang ayun kasi ang gusto niya iparating.
"What? No, that is not what I mean!" agad na pagbawi niya sa sinabi niya.
"Kung aalis ka, umalis ka na." mariin na sabi ko sa kanya bago naglakad ulit palayo kung nasaan siya.
Kung hindi ko maalis ang sarili ko sa posisyon kung nasaan kami ay paniguradong hindi ko mapipigilan ang sarili kong ilabas lahat ng hinanakit ko sa mga ginawa niya sa akin.
The feeling I'm feeling right now hurts more than it hurts me physically.
"I did that to protect you." narinig kong bulongi niya kahit na nakatalikod na ako sa kanya.
Bigla akong napako sa kinatatayuan ko at hindi naka galaw. Nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko, ang bigat ng nararamdaman ko kagabi ay bumalik na naman.
"P-pero masyadong masakit ang pag protekta na ginawa mo sa akin." I shuttered. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla nalang nautal kasabay ng pagbuhos ng mga luha sa mata ko.
"Hera..."
"Drix, ikaw ang pinaka pinagkakatiwalaan ko pero you did the most unexpected thing towards me." naiiyak na sabi ko, "Ang sakit nun...lagi tayong magkasama, p-pero pucha, wala kang sinabi sa akin?" I cried as looked at him.
Kita ko yung gulat sa mata niya ng makita ako. My hands are trembling. Galit ako sa lahat ng ginawa niya, galit ako kasi hindi niya sinabi sa akin ang plano niya.
"I did that for your safety–"
"I know! Alam ko Drix, you always want the best for me pero...tangina ako yung anak." tuloy parin ako sa pag iyak sa harap niya. "W-wala ka namang kinalaman dito, bakit sayo pinagkatiwala yung bagay na dapat para sa akin?" masakit na sabi ko.
The emotion that I wanted to hide, burst. Hindi ko na kayang itago ang hinanakit ko. Ilang linggo akong nag timpi, ilang linggo akong hindi nag salita, pero hindi ko na kaya.
Hindi siya nakapag salita at tahimik na nakatayo lang sa harap ko, ang mga mata niya ay namumugto na para bang lalabas na ang mga nakatagong luha dito pero pilit niya paring pinipigilan.
"Pakiramdam ko wala na akong kakampi." I broke down in front of him, as my breath started to get heavy. "Pakiramdam ko tinalukuran na ako ng lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko," pag habol ko sa hininga ko habang umiiyak, pabigat na ng pabigat ang nararamdaman ko. "S-si mama...wala man lang ginawa para ipagtanggol ako, pero naiintindihan ko yun. Syempre, nakikinig siya kay papa, syempre makikinig siya sa asawa niya pero..." Inangat ko ang mga mata ko sa kaniya habang naagos ng luha ang mga mata ko, "Pero ikaw, may chance kang sabihin sa akin pero hindi mo ginawa."
![](https://img.wattpad.com/cover/365155914-288-k659579.jpg)
BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes.
Mystery / ThrillerJust give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA