Napasipat ako sa direction ni Hannarah na siyang naka sandal nga sa may pintuan habang umiinom ng alak. She was re-enacting how Mom answered her while pleasantly asking for help.
Hindi naman ako makagalaw dahil sa pag kagapos dito, nakadiin parin ang mga labi sa akin ni Waige na para bang ayaw niya na akong pakawalan. Mukhang agresibo ang bawat galaw niya sa akin, pero hindi.
Ang gaan ng bawat hawak at lapat ng balat niya sa akin, inaalalayan niya ang bawat kilos na binabato niya. He whispered something, but I didn't catch it.
"Act." mahinang bulong niya.
Napasinghap ako ng ang mga halik niya ay tuluyan ng gumapang sa leeg ko, nangilabot ang buo kong katawan sa ginawa niya. Ang init ng mga labi niya ay parang kuryenteng dumapo sa nanlalamig kong katawan.
Tuluyan ng naka bukas ang polong suot suot niya sa harap ko, at kitang kita ko ang matipuno niyang katawan na nababalot ng marka ng hindi malamang sakit na kanyang naranasan. Isang sariwang sugat ang pumukaw sa atensyon ko, isang paso sa may bandang dibdib niya. Halatang bago pa ito dahil kita ko pa ang pamumula nito sa kanyang balat.
"Cry, Beg," he ordered.
Hindi nawala ang mariin at madilim na imahe sa kanyang mga mata. Ang kulay dilaw na liwanag na meron dito ay nababalot ng kung anong emosyon habang nakatitig sa akin.
"I'm trying to save you; just cry, for hella sake." he decreed with a firm tone as he kissed me again.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman na pilit niyang pinapalalim ang pag halik sa akin, ramdam ko ang agresibong pag galaw ng kanyang dila habang inaabot ang akin.
He also grabbed my waist to pull me closer to him.
Biglang pumitik sa utak ko ang gustong ipahiwatig ni Waige kaya naman ay ginawa ko ang sinabi niya. Tumingin pa ako sa mata niya at kita ko namang tumango siya sa kin. Walang tanong tanong ay ginawa ko ang sinabi niya.
"P-please bitawan mo ako." nauutal na iyak, ang luhang kanina pa umaagos ay tumigil pero napalitan ng isang tono ng boses na nagsusumamo.
Paglingon ko sa direksyon ni Hannarah ay nakita kong napangisi at umayos ang tayo. It feels like she was burning inside because of the feeling.
"Bitawan mo ako! P-pinagkatiwalaan kita..." masakit na sabi ko, patuloy pa rin ang pagpapanggap ko na nasasaktan ako sa ginagawa sa akin ni Waige.
He was here to save me, not to wrong and betray me.
Init na ng katawan ang nararamdaman ko ngayon at hindi na takot, gusto ko na lang tanggalin ang sarili ko sa pag kakagapos dito at suklian ng doble ang bawat galaw ng ginagawa niya sa akin.
Nakita kong nakunot ang noo ni Hannarah bago ininom ang natitirang alak sa baso niya at binasag.
"What the fuck are you doing?! Hindi ganyan!" naiiritang sigaw nito kasabay ng galit na pag martsa papunta sa direksyon namin, "You should strip her off and play her naked! Ganon ang ginawa sa akin ng tatay niya!"
Handa ko nang iiwas ang sarili ko ng maabot niya ako at tinulak si Waige para mapalayo sa akin, akmang agresibong niyang hahatakin ang blouse na suot ko para tuluyang mahubaran ako.
Nang biglang mabilis na kumilos si Waige at nakuha ang baril na hawak ni Hannarah.
Walang patumpik tumpik ay diretso niya itong tinutok sa ulo ni Hannarah at agad na kinasa, "Touch her again, and I'll make your brain scatter like how it ruined you." malamig at seryosong banta niya.
Natigilan si Hannarah sa pag halbot ng suot ko at nastatwa sa kinalalagyan niya, pero imbis na matakot ay humarap pa ito sa direksyon ni Waige habang naka ngisi ng malaki.
Sinundan ko siya ng tingin, at nakita ko na mas humigpit ang hawak ni Waige sa baril kasabay ng pag diin ni Hannarah sa sarili niyang noo sa baril na nakatutok sa kaniya.
"So...marunong ka ng lumaban ngayon?" nang aasar na tanong nito kay Waige. Hindi naman siya tinapunan ng kahit na anong reaksyon ng taong kausap niya.
"Bakit? Kaya mo bang iputok yang hawak mo?" antipatikong dagdag ni Hannarah, "Bakit, kaya mo ng patayin ang Mama mo?" wala sa sariling tanong nito.
Biglang bumigat ang pag hinga ko dahil sa tanong ni Hannarah kay Waige, para may isang malaking espada ang sumaksak sa akin ng mapag tanto ang lahat ng bagay na nangyari sa akin.
"A-anak mo si..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko, "A-anak mo si Waige?" isang nakakatakot na tanong ang siyang pinilit ko ilabas sa mga bibig ko.
Tanong na ayaw kong malaman ang sagot.
"Tama ka." panimula ni Hannarah na siyang ikinanlaki ng mga mata ni Waige, kita ko rin ang panginginig rin siya habang hawak hawak ang baril sa mga kamay niya.
"Do you want to know something interesting, Hera?" malokong tanong niya sa akin, hindi ako makapagsalita at mariin na nakatingin lang kay Waige.
"Pinaikot kita sa sarili kong palad, pinaglaruan ka ng mga anak ko, Hera." malakas na sabi niya kasabay ng humagalpak na tawa. "Planado ang lahat, planado ang pagkikita niyo, at lahat ng nangyari sa inyo." dagdag niya pa.
"T-that's not true." pagtatanggol ni Waige sa sarili niya.
"Bea and Waige were my childs, they obeyed me and let me ruined you–"
Halos kumawala ang kaluluwa ko ng biglang may malakas na pumutok, at ang Hannarah na kanina ay nasa harap kong nakatayo ay ngayon ay nasa sahig na...she was shot to death.
Agad na inangat ko ang tingin ko ng makitang pinaputok ni Waige ang hawak niyang baril.
Bigla niya pang nabitawan ito ay tska mabilis na pumunta sa direksyon ko habang tinatanggal ang pag katali sa akin na siya ang may gawa.
"W-why did you to that–"
"I-I'm sorry, I'm sorry..." nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mga niya ng sabihin niya iyon habang kinakalagan ako.
Nararamdaman ko panginginig ng kamay niya, ng tuluyan matanggal ang pag kagapos sa akin. Sobrang lamig nito, ng mahawakan ko.
Hindi ako natatakot, pero ang pag kahawak ko sa mga kamay ni Waige ay nag nakapakabog ng dibdib ko. This is the first time I saw him like this as I know him to be cold and mysterious.
"I'm sorry. I hope you can forgive me." he cried as he kissed me one more time.
He let his lips cherish mine as he does that with all gentleness. I'm about to hug him, but he pulls away, strokes my cheeks, and wipes my tears.
I should be relieved but I can't. Tinanggal niya ang buhok na humaharang sa mukha ko at isinabit yun sa tenga ko.
"I love you," he mumbled.
"Why–"
Natigilan ako ng halikan niya ako sa noo, at mahigpit na niyakap. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gusto ko siyang yakapin pero nalilito ako sa kung anong dapat kong gawin.
When I decided and was about to hug him back, he suddenly turned his back.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko at sinundan lang siya ng tingin. Gusto ko siyang habulin at pigilan pero hindi humakbang ang mga paa ko.
Tuluyan akong napa salampa sa sahig ng mawala siya paningin ko. Ang kanina ko pa pinipigilan na paghikbi, ngayon ay malakas kong iniyak.
I bawl my eyes out as I hold my chest tightly.
"Waige..." I cried.
I didn't even hear his explanation. Papa kinggan ko naman siya e, bakit pati siya tinalikuran ako?
"Hera!" Malakas na sigaw ni Drix kasabay ng pagtakbo sa akin.
Kahit anong pag amo ang gawin nila sa akin ay hindi ako matigil sa pag iyak. I should have run after him and asked for his explanation.
"H-hanapin niyo si Waige." pagmamakaawa ko. "Please..."
Wala akong naririnig na kahit ano sa kanila at napahilamos ako sa sarili kong mukha dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes.
Mystery / ThrillerJust give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA