CHAPTER 26

34.6K 679 75
                                    

Natapos ang buong araw na silang dalawa ang kasama ko, sabay sabay na rin kaming lumabas ng campus para makauwi na.

It was a wholesome day for all of us; it marked my memory. After we enjoyed the fun, we went to school together, sat beside each other, answered our quizzes together, and ate lunch together.

I found joy in these two.

"Sabay ulit tayo pasok bukas ha!" bungisngis na sabi ni Bea.

"Yea sure, that would be nice." ayan na lang ang nasabi ko, hindi ko mahanap ang tamang mga salita dahil sa sobrang saya ko ngayong araw. I would love to have the same day for us tomorrow.

"Ingat!" dagdag pa ni Bea, pero bago siya umalis at parang inambahan niya pa si Waige na susuntukin pero wala man lang pake itong lalaki sa kanya.

Kahit na magkasama kami buong araw hindi parin nawawala ang tensyon sa kanilang dalawa. Aso't pusa talga jusko, para akong naging babysitter at referee bigla kasi kulang na lang ay magsapakan na sila.

"Uuwi ka na, ngayon?" Waige asked me with his eyes trying to please me not go.

Kahit na ang dami naming ginawa sa araw na to at pagod na pagod kami, ay hindi pa rin nawala sa mukha ni Waige ang pagiging preskyo. Ang pogi niya parin, shit.

"Uhm, may kailangan din akong asikaushin sa bahay eh." sagot ko sa kanya, nakita ko namang tumango siya at tipid na ngumiti sa akin kahit na halata sa mukha nito ang pagkadismaya.

But then, "I enjoy this day." he muttered as he leaned towards me...and kissed me on my cheeks?!

Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa ginawa niya, para naman akong napako sa kinatatayuan ko. I slowly blinks my eyes in rhythm to process his gesture. Pagkatapos niya akong halikan hindi pa siya lumayo sa akin, at ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa pisngi ko.

"Take care," he whispered, making my whole body shiver from those words.

He pulled away as he smiled at me, and I saw the spark in his eyes while looking at me.

"I-I will." I shuttered.

Alam kong kitang kita niya na yung pamumula ng pisngi ko, pilitin ko man na itanggi ang nararamdaman ko ay talagang kinikilig ako kapag malapit siya sa akin lalo na ngayon na bigla niya ang hinalikan. Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko.

Drix always does this with me, but I never felt this way towards him. Talagang si Waige lang ang nakakapag paramdam sa akin nito.

"Una na ako, anong oras na rin kasi." tarantang paalam ko sa kanya bago tumalikod, hindi ko na nakita kung ano ang reaksyon na binigay niya dahil agad agad akong umalis.

Mabilis na akong naglakad papunta sa kabilang kanto kung nasaan ang kotse na nag aantay sa akin. I saw a car parked down the alley but it wasn't the car that always picks me up. I'm used to seeing a black van waiting for me, but my brows furrowed in confusion when I saw a red mclaren.

Mclaren? Anong ginagawa ang mclaren sa ganitong lugar?

I slowly walked towards that car, I couldn't see who was inside because it was fully tinted. Nilayo ko ang sarili ko dahil halata naman na hindi yun ang sasakyan na ginagamit ko kapag uuwi. Ilang minuto pa ang lumipas pero walang van na dumating dito sa pwesto ko.

Asan nayun? Baka nakalimutan akong sunduin?

I grabbed my phone to text my driver but I saw that red mclaren flash its lights towards me. Hndi ko yun pinansin at kinuha pa rin ang phone ko, pero patuloy lang ang pagkislap ng ilaw nito sa akin. Punyeta nasisilaw ako!

Tumingin ako ng nakakunot ang noo sa direksyon ng sasakyan na yun tska naman tumigil ang ilaw nito. Ang lakas ng trip e.

Aalis na sana ako sa posiyon ko ng napalingon na naman ako sa direksyon ng sasakyan ng makita kong may bumaba doon. I couldn't see who came out from that car but I could tell it was a man that had a tall figure.

It was so dark in this alley, so I remained alarmed for what was about to happen. Hindi ko masasabi kung sino at anong pakay nitong taong to at bakit ako inaasar ng ilaw ng sasakyan niya. Hindi ko rin alam, bakit kasi dito trip nung van namin mag antay pwede naman doon sa may ilaw.

Papalapit ng papalapit ang imahe ng kung sino sa akin, ng bigla akong makaramdam ng hindi ko inaasahang kaba. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa hindi ko malaman na dahilan, para bang may biglang dumagan sa dibdib ko at bigla itong bumigat.

Sino ang nasa harap ko? Bakit ako kinakabahan?

Napaigtad ako ng bigla itong naglalakad papunta sa akin at bigla akong...niyakap?

Nakulong ako sa mga braso niya, halatang mas malaki sa akin ang lalaki. Ang normal na galaw ko dapat sa ginawa niya ay man lalaban ako pero hindi ko magawa, parang hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya sa akin habang puno ng pagtataka ang mata ko at hindi ibinabalik ang yakap na binigay niya sa akin.

Naramdaman kong pahigpit ng pahigpit ang naging hawak sa akin ng lalaki, pero hindi ako nasasaktan halatang pinipigilan niya ang sarili niyang masaktan ko. I could feel his heavy breathe of this guy while he was just embracing me tightly with his arms.

When his smell reached my nose, a sudden realization hits me. My eyes widen with that thought, my hand and lips are starting to tremble. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang may pumitik sa mata ko dahilan para mamuo ang mga luha dito.

"I-I'm here...I'm here, princess..." I confirmed when I heard his voice.

Walang ano ano ay bigla kong sinagot ang yakap niya ng mas mahigpit sa binigay niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko at umiyak na parang bata habang nakayakap sa lalaki sa harap ko.

"I'm sorry..." He sobbed. Hindi ako makapag salita at hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak.

Sana hindi to panaginip, kasi kung oo ayaw ko na magising! After all the things I've been through since he left, he disappeared as he was in front of me.

"Kuya!" malakas na sabi ko habang nakayakap sa kaniya at patuloy pa rin sa pag iyak. He was the only person who can see my vulnerable side.

Biglang bumukas ang street light na nasa itaas namin, dahan dahan akong lumayo sa kanya at kitang kita ko na ang mukha niya. He was finally in front of me...again.

I kept on staring at him, his green emerald eyes were still so bright like I used to remember but...isang na lang ito.

I pulled away from his hug when I saw a gruesome scar from his brows down to his cheeks that passed through his left eye. It tangled his face, screaming and telling me that he had been in unspeakable horror when he disappeared.

"W-what happened..." I shuttered in shock as I trembled.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat, sunod sunod ang luhang umagos sa mata ko tska inabot nag mukha niya. He just smiled at me and hugged me back. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung anong impyerno ang pinagdaanan ng kapatid ko para mawala akong mata nito.

"I'm okay, don't worry," he uttered with full comfort in his tone, but it didn't help a bit.

No...who would dare to do that to him?! Sino ang naglakas loob para kalabanin ang kuya ko? He was literally Uri Cloud Salviano! He was a Salviano!

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon