CHAPTER 15

40.5K 713 45
                                    

Natulala na lang ako habang binabasa ang nasa test paper namin, napakamot ako sa ulo dahil halos identification ang nasa exam.

Shit! Nawala ang lahat ng ni review ko dahil sa balita ni Drix!

I recalled some things based on our past lessons, but it wasn't enough because this is a 50-item identification! This will be the end of the beginning...

Napatingin ako sa direksyon ni Drix na nakatungo sa upuan niya.

"Drix!" mahinang tawag ko sa kanya, hindi naman ganun kalayuan ang pwesto niya sa akin ni Drix kaya panigurado ay maririnig ako nun.

He didn't looked at me when I softly throw my pen into his direction. Agad naman siyang lumingon sa akin habang nakakunot ang mga kilay. Mukhang nag babawi ng tulog si tanga.

"What?" iritang tanong nya sa akin.

"Tapos ka na?!" pabulong na tanong ko sa kanya, tumango lang sya at ibinalik ang pagyuko sa armchair nya.

Napanguso na lang ako, hindi man lang nakaramdam?! I called him because I wanted to copy his work! Napa kamot na lang ulit ako sa ulo ko at binalik sa papel sa harap ko ang mga mata ko.

"Kainis! Na review ko to e." I whispered while complaining.

Nareview ko itong mga lesson na ito, hindi ko lang talaga matandaan dahil na rin siguro sa binalita ni Drix sa akin.

I'm not worried about meeting Hannarah's daughter; it's just that I feel something is wrong. I feel like I'll discover something when I meet that person.

Napa buntong hininga na lang ako at isinulat ang sagot sa mga parte na alam ko, pero wala pa yun sa kalahati. Niyuko ko na lang ang ulo ko at ginulo ang buhok ko dahil sa inis. I might fail in this situation!

"Astatine." I heard someone whisper, I slowly lifted my head when I saw Ms. Faith beside me. "Astatine, ang sagot. That was the rarest element in the periodic table." she added and smiled at me.

My brows furrowed when she just walked away at nagpatuloy sa pag ikot sa klase. Did she just gave me some answer para may maisagot ako dito sa exam? Kung ganon ay at least may isang tama na sa sagot ko! Thank you Ms!

I immediately wrote what MS. Faith gave, and it worked like magic.

"Omg!" I whispered in disbelief as I remembered everything I reviewed! Parang lahat ay gumagaan kapag andito si Ms. Faith para alalayan ako, angas!

Agad na sinulat ko lahat ng naalala ko habang nakangiti, na parang ulan na bumuhos sa utak ko. Sunod sunod ang mga nasagutan ko, at hindi nagtagal ay malapit ko ng matapos ang exam. Isang part na lang ang need ko, na nasa likod kung saan kailangan namin magsulat ng essay.

Out of subject but for 20 points, write down the things you want to say to someone you can't be with.

The smile that I'm wearing earlier faded. Isa lang naman ang taong pumasok sa isip ko nang makita ko ang parteng yun. Kulang siguro ang isang papel para masabi ko lahat ng mga bagay na gusto ko sabihin kay kuya.

I calmed myself, as I started writing. Nagsisimula palang ako ay sumisikip na ang dibdib ko, hindi ko mapigilan ang luhang nag sisimulang pumatak mula sa mga mata ko. Paulit ulit lang ang gusto kong sabihin kay kuya at yun ang salitang...bumalik ka na.

Natapos ko ang exam sampung minuto bago matapos ang nakalaang oras na ibinigay sa amin, kita ko ang pagkabigo sa mata ng iba kong mga kaklase. Mahirap naman talaga lalo na more on identification ang exam, ang swerte ko na lang talaga kung abutin ng kalahati ang score ko dito.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon