Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

142K 2.2K 297
                                        


Fuck...

Ayan na lang ang nasabi ko nang makita ko ang sarili kong nakatayo sa harap ng gate ng public school na papasukan ko. Dalawang kanto pa ang layo ng binabaan sa amin ng service kaya naglakad pa kami. Uka-uka na ang aspalto sa daan papasok ng eskwelahan. Even the gate was also muddy and ang rusty. Napabuntonghininga na lang ako sa ideya pa lang na sa lugar na ito ako mag-aaral.

Habang naglalakad kami ni Drix papasok, kita namin ang pagtitinginan ng iba pang mga estudyante.

Is there something wrong ba with what we're wearing?

Hindi na nga plinantsya ang uniform namin para mag-"blend" daw kami sa mga estudyante rito.

"They're staring because of me," mahinang bulong sa akin ni Drix na ikinakunot naman ng noo ko.

We're attending senior high. I'm grade 12 and Drix supposedly went to college but he agreed to stop and go back just to be with me. Bata pa lang ako ay magkaibigan na kami ni Drix, isang taon lang ang tanda niya sa akin.

We're like best friends, but I always distanced myself from him for unknown reasons, na para bang may pumipigil sa akin na mas lalo kong idikit sa kaniya.

Minsan I'm wondering why, or maybe it's just because I'm being considerate to his future woman that they don't need to get jealous of me, even though I'm his best friend.

See, I'm so nice and kind.

Tahimik na lang kaming naglalakad papunta sa room namin at inoobserbahan ang mga tao sa paligid. Naayos na rin kasi ng secretary ni Mama lahat ng mga kailangan namin. Iba rin ang apelyido na gamit namin pero ang pangalan ay ayon pa rin.

May mga nakatambay sa hagdan at nagkukuwentuhan habang may mga panyo sa ulo na tribal ang tatak at disenyo. May mga babaeng mas makapal sa kung ano ang liptint sa labi nila. Tipikal na public school na nababasa at napapanood ko at wala namang kaso sa akin 'yon.

Maliban sa amoy ng lugar, dahil mainit at walang aircon, halo-halo ang amoy na sumasanggi sa ilong ko. That was making me slightly dizzy as I grabbed Drix's arms for support.

"Hey, are you okay?" he asked. Tumango lang ako pero nakakapit pa rin sa kaniya.

Hindi ako pwede bumagsak dito! Mama told us that we need to keep a low profile.

Nakarating na kami sa room number na naka-assign sa amin, at pareho kaming hingal na hingal pagkatapak namin sa huling hakbang ng hagdan.

"What the fuck? Hindi ba uso sa kanila ang elevator?!" hinihingal na reklamo ni Drix.

Hindi na ako nakasagot dahil maski ako ay malalagutan ng hininga rito. Nasa 6th floor ang classroom namin.

Makalipas ang ilang minuto ay naglakad na ulit kami papunta sa room namin. Pareho kaming napatingin sa isa't isa nang may nakitang nagkaklase sa room namin.

"1 pm pa naman class, 'di ba?" tanong ko kay Drix.

Tumango naman s'ya. Akala ko 1 pm ang klase namin, nagtaka kami kasi 12:23 pa lang naman nang tingnan namin sa relo n'ya. "Hala, baka late na tayo?!" nagpa-panic na tanong ko sa kaniya.

Baka ganito talaga sa public school, maaga magklase.

"Itanong mo nga roon, dali!" Mahinang pagtulak ko kay Drix.

Para kaming mga batang nagtutulakan kung sino ang magtatanong sa loob kung late na ba kami or hindi. Tiningnan ko nang masama si Drix kaya napilitan na s'yang magtanong at baka mabaril ko pa s'ya sa sobrang pagkapabebe.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon