CHAPTER 25

37.8K 694 84
                                    

"Oh my gosh?!" nagulat ako ng biglang may sumigaw sa may likod ko.

Medyo nagtagal din kami ni Waige na nakaupo sa may bench at nag usap ng kung ano anong bagay, na hindi naman seryoso para bang pinapagaan lang namin ang loob ng isa't isa. He knows that I was stressed and I know that he also had something.

It was just a normal conversation while comforting each other.

"Waige and Hera in the same frame?!" dagdag na sigaw ulit ng kung sino, lumingon naman ako sa direksyon nito ng makita ko si Bea.

She was wearing a casual outfit, but her style was further on how she looked in uniform. Her style was tomboy, and it suited her.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong pa nito sa amin habang naka braso at parang inuusig kami ng mga mata niya.

I just smiled at her, but when I looked at Waige, he was staring at her dead. Hindi rin naman nag patinag si Bea at nilabanan ang mga titig ni Waige.

May naamoy ako sa dalawang to, parang lagi silang mag kaaway at hindi nagkakasundo. Ilang beses ko na silang nahuhuli na ganyan mag batuhan ng tingin.

"Hera, tara!" nagulat ako ng biglang hawakan ni Bea ang braso ko, hindi sana ako papalag ng bigla naman may humawak sa isa ko pang braso, at si Waige yun.

"Bitawan mo nga siya." malamig na utos ni Waige.

"Ikaw ang bumitaw sa kanya." sagot ni Bea.

Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa dalawa, para bang nag lalaban ang mga titig nila at kung sino ang matalo ay may malaking parusa.

Medyo nasaktan na rin ako ng mag simula silang hatakin ako sa magkaibang direksyon.

"Bitawan mo nga!" Naiinis na sambit ni Bea.

"Let go, dwarf." malamig pero mariin na sabi ni Waige.

Kita kong naningkit ang mga mata ni Bea dahil sa sinabi ni Waige, halos tumalsik ako ng biglang lagyan ng pwersa ni Bea ang pagkahatak sa akin.

Luh? Saan galing ang pwersang yun?!

"Aw..." tanging nasabi ko ng muntik na akong masubsob, nakita ko naman na pareho silang biglang lumingon sa harap ko at nagmamadaling pumunta sa akin. "Okay lang ako–"

"Tingnan mo ang ginawa mo sa kanya!" sigaw ni Waige dahilan para hindi ko matuloy ang dapat ay sasabihin ko.

"I didn't mean to! Kung sana binitawan mo na lang siya edi hindi siya tumalsik!" galit na paninisi ni Bea.

Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang trip ng dalawang to sa buhay nila?!

"Pwede bang tumahimik kayong dalawa?!" I raged. Hindi na ako nakapag timpi dahil sa inaasal ng dalawang to.

Padabog akong tumayo at pinagpapagan ang sarili ko, nadamuhan na rin ang puting palda na suot ko. Inis kong inaalis yun ng makita kong may tumulong para pagpagin yun.

"Sorry." maliit at mahinahon na boses ni Bea. "I was just trying to spend time with you." dagdag niya pa.

May kakaiba talaga sa inaasal ni Bea nitong mga nakaraang linggo, para bang masyado siyang iritado kapag si Waige ang kasama ko.

"You don't have to fight naman e." mariin na sabi ko parin, hindi sila nag salita kaya naman nag lakad na lang ako palayo.

Bakit ba nadadamay ako sa dalawang to?!

Ramdam ko na nakasunod sila sa akin kaya naman tumingin ako sa likuran ko ng makitang nakasunod nga sila habang nakabusangot ang mga mukha. Malayo rin ang distansya nilang dalawa at para ba talaga may galit sila isa't isa.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon