CHAPTER 37

46.4K 939 308
                                    

"Wait, bathroom lang ako." pag papaalam ko kanila Drix.

Uwian na rin kasi at sabay sabay talaga kami bumabang tatlo, nakakainis at hindi ko man lang malapitan si Waige dahil bantay sarado sa akin yung dalawa.

Pumunta na ako sa banyo sa first floor dahil kanina ko pa pinipigilan itong pantog ko, pag pasok na pagpasok ko sa cr ay dumiretso na ako sa pinaka dulong cubicle dahil ayun lang mukhang malinis dito.

May sign nakalagay doon na "Only for faculty use." But fuck it, I don't want to sit on those dirty bowls.

Matatapos na akong umihi ng may malakas na pag dabog sa pinto akong narinig, agad naman akong tumayo pagkatapos iangat ang palda ko at dahan dahang lumabas ng cubicle. Inihanda ko rin ang sarili ko sa kung sino ang nandito sa loob ng cr.

Hindi naman ako natatakot pero kinakabahan ako, lalo na alam kong andito si Hannarah sa school ko. Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa sinabi ni Drix kaya naman hindi mawala sa akin ang pag aalala.

Humakbang na ako papunta sa may pinto ng biglang may humatak sa akin papunta sa isang cubicle at pinako ako sa dingding ng cr.

"What the fuck–"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong tinakpan sa bibig.

"Shh!! It's me, wag ka maingay nasa labas mga aso mo." nakangiting putol niya sa akin nang makilala ko siya.

Dahan dahan niya namang inalis sa bibig ko ang kamay niya habang diretsong nakangiti lang sa akin.

"Paano ka nakapasok dito?"

Kung nasa labas sila Drix at Cadis, paano siya nakapasok dito?!

"Binato ko ng lata yung basurahan sa harap, tas pag tingin nila don nag sneak in ako." prang batang sabi niya at proud pa siya sa ginawa niya. Cute shet.

"Nakakainis, bakit ba ayaw ka nilang iwan? Hmp!" nakangusong sabi nito.

Diretso lang akong nakatingin sa kaniya habang nakangiti, ang pungay ng mga matang meron siya at parang kumikislap pa kapag natatamaan ng liwanag ng ilaw.

Ang layo niya sa unang Waige na nakilala kong problemado at sumusuko na sa buhay. The Waige that was infront of me now was far from the cold and emotionless man that I met that night.

"What if sabihin na lang natin na tayo na? Para hindi sila magtaka kapag magkasama tayo–"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at biglang inilapat ang mga labi ko sa kanya, nastatwa pa siya sa kinatatayuan niya pero ilang sandali pa ay sinagot niya rin ang halik na binigay ko. Nagulat pa ako na mas idiniin niya ang mga labi niya sa akin kahit ako naman ang may gusto nun.

Dahan dahan ko pang ikinapit sa leeg niya ang mga braso ko–

"Hera?!" malakas na sigaw ng kung sino sa labas.

Agad ko namang nalala na nasa labas nga pala yung dalawa, tinutulak ko na si Waige palayo sa akin pero mahigpit niya paring inaangkin ang mga labi ko.

"B-bitaw, hinanap na nila ako." I mumbled between our kisses.

"Shh, 5 more minutes." hirit niya at tinutuloy pa rin ang pag halik sa akin.

"Hera?! Ano na ginagawa mo?" Isa pa ulit na malakas na sigaw sa labas.

Hindi ko masagot kung sino yun at mahinang tinutulak si Waige. Itong lalaki sa harap ko ay parang ayaw na bumitaw sa akin.

"Hera!" Agresibong sigaw nila.

"Waige..." mahinang bulong ko sa kanya, akala ko ay hindi pa ito bibitaw pero lumayo na ito ng may inosenteng ngiti mga labi niya.

Para naman nagkakarera ang kabog ng dibdib ko dahil sa kilig. Bwisit kasi tong dalawa, dilig na sana naudlot pa!

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon