"So, as you guys noticed, may bago kayong kaklase," sabi ng babaeng nasa harap.
I think she was in her mid 30's, and she's about 5'6. Short straight hair and slim body. She looked so professional wearing her teaching uniform. Napakalinis din ng pagkaayos n'ya sa sarili.
"So, do mind if you introduce yourself to us?" nakangiting sabi nito sa akin habang nakatingin sa direksyon ko. Sinenyasan n'ya rin akong lumapit sa kaniya at pumunta sa harapan para magpakilala.
Kitang-kita ko lahat ng pagmumukha ng mga kaklase ko na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi naman ako kinakabahan magpakilala pero naiilang ako sa mga tingin nila. May ibang nagbubulungan at ang iba naman ay pinapaikot ang mga mata sa akin pero nakangiting nakatingin sa akin si Bea mula sa likod.
"I'm Hera Jace Castillo. You can call me Hera," I shortly said, trying to sound friendly as much as possible. Aalis na sana ako nang biglang magsalita ang teacher sa tabi ko.
"Iyon lang?" tanong ng teacher ko, dahilan para kumunot ang aking noo.
"Po?" tanging sagot ko.
"Share your hobbies, interest, or anything more maliban sa name mo. We want to know more about you cause we're family here," nakangiting sabi sa akin ng teacher.
Nag-isip ako sandali sa kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kung ano 'yong totoong gusto ko. Baka kapag sinabi ko ang hobby ay mag-Polo, baka maintriga naman sila. Lalo naman na hindi ko puwedeng sabihin na may interest ako sa pagpatay.
"I love playing electric guitar, singing, and painting." I smiled.
Mas normal naman ang mga 'yon kaysa sa mga totoong bagay na ginagawa ko. I also really know how to do that stuff, so it was counter, right?
"Oh, that's great!" nakangiting usal ng teacher. "By the way, kaano-ano mo si Drix? Sabay kasi kayong nag-enroll. Do you guys know each other?" dagdag na tanong n'ya pa. Tumango na lang ako.
Hindi na muling nagtanong ang teacher pero nagpakilala s'ya sa akin. Her name is Crystal Faith Buenavista.
***
Lumipas ang ilang oras ng klase at paulit-ulit lang din ang nangyari. Binigyan lang din ako ng past lessons handouts para may ma-review ako at si Drix para sa papalapit na exam. Kalagitnaan na rin kasi kami ng first semester nag-transfer kaya kailangan naming maghabol.
Lunch break na. Gutom na rin ako pero wala akong dalang kahit anong pagkain. I was just walking down the hallway of our floor when Bea appeared.
"Samahan kita sa canteen!" nakangiting sabi nito. Wala na akong nagawa at tumango na lang din kasi nagugutom din naman ako.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nasa first floor ang canteen, at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita na sobrang siksikan at napakadaming estudyante sa loob nito. Samu't saring mga amoy na naman ang naamoy ko.
Nagsisiksikan ang mga estudyante para makabili ng pagkain sa harap. Punong-puno rin ang mga lamesa kaya wala kaming maupuan ni Bea.
"Ano'ng gusto mo? Ibibili kita," sabi nito, kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"I don't even know. Hindi ko makita 'yong meu," sabi ko sa kaniya at nakangiti lang ito. "Wait mo ako rito. Ako'ng bahala," usal n'ya at biglang umalis sa harap ko.
Naningkit ang mata ko nang makita ko s'yang lumusot sa gitna ng mga estudyante na nagsisiksikan sa may counter. Kasyang-kasya siya roon, at bigla na lang s'yang nawala sa alon ng mga estudyante. I guess that is one of the advantages of being short.

BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes
Mystery / ThrillerForced to leave Italy for her safety, Hera Salviano moves to the Philippines to start a new life. Just when she's adjusting to her surroundings, Hera uncovers secrets about her past, making her doubt everything around her. *** Picky and pampered, He...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte