CHAPTER 30

34.7K 660 47
                                    

"Kuya!" malakas na sigaw ko.

Napatakip ako sa bibig ko ng biglang hampasin ni Papa ng golf club ang ulo ni Kuya, lalapitan ko na sana siya dahil sa gulat ko pero nakita kong sinenyasan niya ako na huwag.

Matangkad si Kuya pero mas matangkad si Papa, nasa harap siya ni kuya habang hawak hawak ang golf club na nabahiran na ng dugo ng kapatid ko.

Malakas ang pagkaka hampas niya kay kuya, kita ko kung paano umagos na parang ilog ang dugo mula sa ulo niya pero parang wala lang sa kaniya yun. Ni hindi nga natumba o gumalaw si Kuya sa paghampas sa kanya habang tumutulo ang dugo nito.

Pagkatapos namin mag club, ay mag ala-singko na rin ng makauwi kami at saktong pag ka uwi namin ay nakasalubong namin si Papa. He was holding his cup of coffee enjoying his cup of tea, as his eyes darkened and asked us to follow him.

Akala ko matutuwa si Papa na makitang nakauwi na si Kuya, pero mukhang hindi at galit na galit ito.

"This is how you welcome your son back?" blankong sambit ni Kuya at pinunasan ang dugong umaagos sa ulo niya.

Parang wala siyang nararamdaman, at kayang kaya niya ng makipagsabayan sa mga titig ni papa.

Nakatayo ako ngayon sa gilid, kaya naman ay kitang kita ko si Kuya pati na rin si Papa sa harapan ko. Nakangisi pa si Kuya, sabay lagay ng pareho niyang mga kamay sa bulsa ng itim niyang trousers. He was really fearless!

"If you want to stroll around after experiencing near death, wag mong idamay ang kapatid mo!" My dad growled at him.

"Wow...I'm wondering if you cared for me that way nang mawala ako." sarkastiko ang sagot niya kay Papa. I could feel how he had been hurt by those words.

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Kuya, hindi dahil sa paghampas sa kaniya kundi dahil sa paano siya kinakausap ni Papa.

I thought they were on good terms. He trusted Kuya with all of our company, but he was treating him like this? He isn't just a thing to receive that kind of hit.

"You shouldn't come back." mariin na sabi ni Papa na pati ang mga ugat sa ulo niya ay nagsisilabasan. Hindi naman siya tinapunan ng kahit anong reaksyon ni Kuya.

"Why? So you could brainwash Hera–" mga salitang lumabas sa bibig niya dahilan para hampasin ulit siya ni Papa, at sa puntong ito ay bumagsak na si Kuya.

"I didn't give you everything just for you to talk to me like that!" he loudly roared as his anger filled the room.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarang ang katawan ko sa pagitan ni Kuya at Papa, "Stop! Tama na!" malakas na sigaw ko at tsaka naman tumulo ang mga luha sa mata ko.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila, pero mas hindi ko kaya na makita na duguan ang kapatid ko dahil sa mismong tatay ko. The anger that he had filled his eyes that turned dark as he looked like he was about to commit a murder.

Hindi ko pa kilala ng tuluyan si Papa, pero alam ko na kung bakit siya kinakatakutan ng lahat. He has the aura that can make my knees tremble and shiver my whole body with just a stare.

"S-stop please...don't hurt Kuya na..." I cried.

He fixed his stand, as he leaned into his table while playing his club with the blood of his own son. Agad naman akong humarap kay Kuya at inalalayan siya, nakangiti pa rin itong humawak sa akin. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko. He was trying to hide his feelings with those smiles.

Kahit anong tapang at estado na meron si Kuya, ay nasasaktan pa rin siya. He's still a human...kapatid ko pa rin siya.

Nahihirapan akong huminga, pero mas masakit na makita ko siyang ganto. Dahan dahan kong inalalayan ang ulo niya, punong puno na rin ng dugo ang puting damit na suot ko pero wala akong pake don. He just stayed silent while I'm helping him.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon