"Alam mo ba kung ano ang ginawa sa akin ng mga magulang mo ha?!" malakas na sigaw niya sa akin.
Nawala na ang kaninang maamo at taimtim niyang mukha, na napalitan ng madilim at puno ng galit na itsura.
Hindi siya umalis sa pag kakaupo sa ibabaw ko, ramdaman ko rin na pabigat ng pabigat siya. As her muscles tensed more, I found myself trapped. Hindi na ako nagulat ng bigla niyang hinawakan ang leeg ko gamit ang dalawa niyang kamay.
Kita kong nagliliyab na ang mga mata iya at galit na namumuo sa loob niya, parang napaka tagal niya yung tinatago na siyang sumasakal sa akin.
"Binaboy ako ng mga magulang mo!" she shouted, as her eyes widen. "Paano ka tinuring na prinsesa ng mga magulang mo pagkatapos ng ginawa nila nila sa akin?!" unti unti ng lumalabas ang ugat sa kanyang leeg dahil sa galit.
Mainit at walang kung anong hangin ang nagbibigay ng presko sa dito, kaya naman ay pumatak na sa sa mukha ko ang pawis mula sa kanyang mga noo.
"A–anong ginawa nila sayo?" diretso at walang pag aalinlangan na tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko ang unti unti ng pagluwang ng hawak niya sa leegan ko.
Sabihin na natin na masama ang naging dulot ni Hannarah sa buhay namin, pero anong ginawa namin para mahantong siya sa ganito? Anong ginawa ng mga magulang ko?
Kahit anong sama pa ng isang tao, ay hindi ko maatim na sisihin sila sa mga bagay na ginawa nila. Hindi sila mapupunta sa ganitong daan kung walang nag tulak para gawin ito.
I tend to see the goodness of people behind those evil masks.
Natagalan pa siya bago magsalita pero nakita ko ang pag patak ng luha sa mga mata niya.
"Pinatay nila ang pamilya ko.." walang ano anong sabi niya na para bang nagsusumbong, "B-binaboy ako ng tatay mo...habang nanonood ang Mama mo." nautal na dagdag pa niya pa, dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Wala akong naging reaksyon sa una niyang sinabi, pero naningkit ang mga ito dahil sa sunod na mga salita niya.
Did my father wrong her while Mom was watching?
Wala ng pumapasok sa isip ko, pero wala rin akong nakikitang pagsisinungaling sa mga mata niya.
"W-what else?" na utal na tanong ko.
Hindi siya tumingin sa akin, pero tuluyang bumitaw at lumayo sa pag kakapatong. She was now standing in front of me, as saw her shoulders gradually moving.
Hindi ko maisip kung anong kasamaan ang ginawa sa kaniya ng magulang ko. Normal lang yun sa mundo namin, may mamatay at mamatay pero mas madalas na sila ang matatalo.
No one dared to firmed their stand on my family, and that kind of work was given. Pero, nag panoorin ni Mama si Papa na babuyin nag ibang babae? Hindi ko maisip.
They love each other. Why would my Dad use another woman when my Mom was there?
"F-fuck your parents." mahinang bulong niya sa sarili niya, akala ko ay kumakalma na siya pero parang mali ako.
Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya habang may nakakakilabot na ngiti sa mga labi niya, "Gusto mong malaman kung anong ginawa nila sa akin?" wala sa sariling tanong niya.
Walang kahit anong boses ang lumabas sa bibig ko, parang umurong ang dila ko dahil sa reaksyon na pinakita niya sa akin.
"Tinatanong mo ako kung ano pang ginawa nila sa akin diba?" nakangiti paring usal niya.
Itinaas niya ang espadang hawak at ginamit ito para sirain ang itim na stockings na suot niya.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa niya, pagkatapos niyang sirain yun ay walang ano ano na tinanggal niya yun at itinapon sa direksyon ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nasa isip ng babae sa harap ko.
BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes.
Mystery / ThrillerJust give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA