Dumating na si Mama at inawat ang dalawa.
Pati si mama ay nanlalaki ang mata ng madatnan kung ano ang posisyon na meron si Kuya at Papa.
"I won't lose my grip on this hand not until he is." matigas na sambit ni Kuya at hindi inaalis ang tingin kay Papa na siyang nakangsi lang
Anong demonyo ba ang meron dito?
"Cloud, stop it." mariin na saway ni Mama kay Kuya.
"Ang asawa mo ang kausapin mo!" bulyaw sa kanya ni kuya. "He isn't satisfied yet for what he did to me? Kaya pati si Hera sasaktan niya?!" galit na galit na sigaw nito.
"You should pursue acting, not medical, law, or engineering that you already had–"
"What?!" malakas na putol ni Mama kay Papa.
Nakita ko na inayos ni Papa ang tayo at binitawan ang golf club na hawak niya sabay taas ng pareho niyang kamay habang nakangiti pa rin.
"What is wrong with you? Ano na namang ginawa mo?!" Galit na tanong ni Mama kay Papa, na ngayon ay nasa kanya na ang mga tingin ni nito.
Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa mga nasaksihan ko. Dahan dahan rin na binaba ni Kuya ang baril na hawak niya, at pinakalma ako habang nakatingin pa rin kay Papa.
"It wasn't my fault that my son and daughter are dumb." diretsong sagot nito kay Mama, "Baka nga sayo sila nag mana–"
Isang malakas na sampal ang binitawan ni Mama, dahilan para matigil ito sa mga mabibigat na salita na nais niyang bitawan.
"You have no right to say that, when you are the reason kung bakit ganyan sila!"
Para akong nanonood ng dalawang galit na dragon sa harap ko, madiin ang palitan nila ng mga tingin na para kang masusugat sa talas.
"Let's go, Hera." pagyaya sa akin ni Kuya para lumabas ng kwarto.
"No, stay here." pagpipigil ni Papa sa amin, "Bakit hindi mo sabihin Cloud, kung sino talaga yung kuyang mahal na mahal ng kapatid mo?"
Kita kong biglang namutla si kuya, pati ang mata niya na kanina ay kumalma na ay biglang nag dilim na naman. Humigpit rin ang hawak sa akin ni Kuya, ang tipong parang mamarka na ang mga kamay niya sa pulsuan ko.
"Let's go, Hera. Lumabas na tayo dito–"
"Why can't you just tell her, that you are the reason kung bakit muntik na siyang mamatay?" salita na parang mas masakit pa sa mga balang tumama sa akin noon.
"W-what?" nanginginig na tanong ko sa kanila, napatingin ako kay Kuya pero nakita ko ang malaking pag lunok niya kasabay ng mahigpit na hawak niya sa akin.
"Yes, darling. He is the reason kung bakit may malaki kang sugat sa tagiliran mo–"
"Niccolo!" Malakas na sigaw ni Mama na kumulog sa buong kwarto.
I shot dead in my eyes, when I heard that. Biglang bumigat ang paghinga ko, kasabay ng pag titig ko sa mga kamay ni Kuya na nakahawak sa akin. No...brother won't do that to me–
"Run, Run, Run...If I'll catch you, I'll kill you, so you better run."
Napahawak ako sa ulo ko ng may marinig na napaka pamilyar na kanta sa utak ko.
"Run!"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam saan nanggaling ang boses sa utak ko. Nahihirapan akong huminga, hinahampas ko na yung ulo ko para mawala ang boses na tumatakbo dito. Pahinto hinto na rin ang paghinga ko dahil sa mabigat na nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/365155914-288-k659579.jpg)
BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes.
Mystery / ThrillerJust give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA