CHAPTER 39

32.2K 608 43
                                    

Pinaandar ulit ni Drix ang kotse papunta sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin, isang luma at malaking bahay ang bumungad sa amin pagkatapos ng mahigit 3 oras na byahe mula sa pinaghintuan namin,

Naalarma pa ako dahil sa layo ng byahe lalo na sa kondisyon ni Bea. But, Cadis made sure that she was alright.

I'm not familiar with this place, as I just followed Drix. Cadis lifted Bea up.

Pagkapasok namin sa lumang bahay, ay isang napakalaking hagdan ang bumungad sa akin. Parehong nasa kaliwa at kanan ang hagdan na yun. Paglingon ko harap ay bumungad sa akin ang pinakamalaking painting na nakita ko sa buong buhay ko.

It was a painting of our family...

"Ano tong lugar na to?" nagtatakang tanong ko ng makitang huminto si Drix sa gitna, at sya namang pumasok si Cadis sa isang kwarto habang dala dala si Bea.

"This is one of your family's abandoned houses." sagot sa akin ni Drix.

Hindi pa rin maalis ang mga mata ko sa malaking painting sa itaas. Something was strange from that portrait. Masaya ako sa larawan na ito habang nasa kamay ni Mama, at si Papa naman ang nasa gitna na seryoso ang mukha. Pero si kuya, malayo siya sa amin at kakaiba ang damit na suot niya.

We were all wearing formal attire, it was from a luxurious brand but Kuya Cloud was wearing a plain black shirt. Patay ang mga mata niya at wala kang makikitang kahit anong saya.

Para namang may kumurot sa puso ko dahil sa itsura ng kuya ko, naalala ko ang mga isinumbat niya sa akin ng nagkasagutan kami. That he was just jealous of me because I was loved and he wasn't.

Pumatak na ang luha ko, pero agad yung pinunasan ng maalala ang sitwasyon ni Bea. Agad naman akong tumakbo kung saang kwarto pumasok si Cadis.

"Kamusta siya?" agad na tanong ko.

Cadis was wearing gloves in his hands as he pulled away from Bea when he saw me.

"I already gave her oxygen and some medical measurements, pero I don't know kung kelan siya magigising or magiging stable." panimula niya, "I already examine her body, and kung sino man ang nagturok sa kanya ng pesticide na yun ay walang balak na buhayin siya." seryosong pagtuloy niya.

"Why?"

"The chemical in her body was ranging from 25 to 35 ml and that was deadly." nakapamulsang niya habang nakatingin kay Bea na nakahiga sa kama na kinabitan niya ng kung ano anong aparatos na hindi ko alam kung para saan.

Dahan dahan akong lumapit sa kama kung saan nakahiga si Bea. I gently caressed her fragile face. She's still my friend even though she confessed those unexpected things to me. Kung hindi kaibigan ang trato niya sa kin, hindi ayun ang tingin ko sa kanya. She was my friend.

Ang sakit lang isipin na merong taong kayang gawin ito sa kaniya, sinong nasa matinong isip ang mag eenject ng pesticide sa kanya?

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ako sa kwarto na namumugto ang mga mata. Nakita kong nakaupo ang dalawa sa counter island ng kusina at magkaharap.

I walked towards them as they looked at me.

"Ano pa ang hindi ko alam?" blankong tanong ko sa kanila.

Masyado ng maraming nangyayari sa paligid ko at hindi ko maintindihan ang mga yun. Hindi ko hahayaan na dumating ang punto na maging kahinaan ko ang pagiging walang alam sa mga nangyayari sa paligid ko.

Cadis took out his laptop and showed me some files.

"You need to read this if you want to understand things about your family and our world." He uttered.

My brows furrowed when I saw a long article from the file he opened. I tilt my head in curiosity while reading those whole files.

"Alam mo ang tungkol dito Cadis?" hindi nakatingin sa kanyang tanong ko.

"Yes."

I'm not surprised, but the fact that he was two years younger than me and that he knows a lot makes me feel like a fool.

"Ako lang ba ang walang alam dito?" masakit na tanong ko.

Walang nag salita sa kanilang dalawa, kaya naman ay bigla ko na lang nahampas ang palad ko sa counter island dahilan para umingay.

"Putangina, ako na naman yung walang alam dito?!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko, hindi ako sa kanila galit pero hindi ko maiwasang madismaya sa mga kinikilos nila sa akin.

Para na akong mababaliw sa dami ng iniisip, hindi ko alam kung sisihin ko baa ng sarili ko dahil umabot ako sa edad na ito ng walang alam sa totoong pagkatao ng pamilya ko.

Nagpatuloy ako sa pagbasa at siyang pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. I could now see why my brother hated me so much when I was a child. All of my photos here were happy, but not in his situation.

Napatakip naman ako sa bibig ng makita ang mga litrato na nandito. I could see my brother bleeding, as my Dad was in front of him.

"S-saan niyo nakuha ang mga ito?" nauutal na sabi ko dahil sa panginginig ng mga labi ko.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa lahat ng emosyon na gustong sumabog sa dibdib ko, pakiramdam ko ay pasan pasan ko ang lahat ng problema sa mundo.

"It was a recorded events of your family, kahit na sa pamilya namin at mga estrama ay may ganyan," si Drix ang sumagot, "That is one of the most secured file na pinoprotektahan ng bawat pamilya."

"So..I am supposed to know about this?" I asked.

"Yes, lahat ng mga tagapagmana ng pinaka malaking pamilya sa mundo natin should know about that. It could be a strength or a weakness of the family, kaya dapat ay maaga pa lang ay pinag aaralan na yan." Pag papaliwang niya.

"B-bakit walang nag bigay sa akin nito–"

"Cause they don't want you to inherit anything from them." Drix cut me off.

Seryoso siyang nakatingin at lumapit sa akin, kinuha niya ang laptop na nasa harap ko at bigla yung isinara.

"W-why would they do that? Anak nila ako..." naguguluhan na tanong ko.

"Gusto mo ba malaman kung bakit hindi sayo ipinagkatiwala ang kompanya niyo nung hindi pa nakakabalik si Cloud?" He asked in a serious tone.

Diretso lang akong nakatingin sa kaniya, malamig ang mga titig nito na para bang tinutunaw ako.

"W-why?"

"It's not that they don't know your capabilities of handling a company, it is something that ayaw nilang ibigay sayo." mariin na sabi niya, "Can't you see Hera? Lahat kami dito tinataya ang buhay namin para sayo. We all want to have you a perfect and normal pero bakit hindi namin mabigay ang buhay na dapat sayo! Lagi ka pa rin nalalagay sa kapahamakan."

"Bakit ba?! Bakit ba ayaw niyo na lang ako diretsuhin sa mga bagay na kailangan ko malaman. Matagal ko ng alam na pinoprotektahan niyo ko pero hindi ko alam kung saan isakto–"

"Kasi putang ina may sakit ka!"

"Drix!" malakas na tawag sa kanya ni Cadis.

Napabuga ako dahil sa sinabi sa akin ni Drix, isang malaking hakbang ang nagawa ko paatras dahil sa narinig ko sa kanya.

Tangina, ano nanaman tong nalaman ko? Anong sakit?! Paano ako nagkasakit, kung kayang kaya ko makipagsabayan sa kanila. 

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon