CHAPTER 44

44.9K 734 204
                                    

"Hera, you should move faster." pagmamadali sa akin ng lalaking to.

"Teka lang, kumalma ka! Alam mong naiinis ako kapag minamadali ako diba?" naiiritang sabi ko sa kanya.

I rolled my eyes as he sat beside me, waiting for me to finish my makeup.

We are planning to visit Bea, today is her engagement party. Malapit na siyang ikasal, nakakainggit.

"Mag white dress kaya ako?" I asked him, finishing my makeup.

Hindi naman ata masama na mag white ako ngayon diba? Hindi pa naman nila kasal.

"You'll outshine the bride," he answered boldly.

"Then what should I wear? Wala na akong masuot oh!" sabi ko sabay tayo at binuksan ang walk in closet ko.

Kagabi pa ako nag hahanap kung anong pwede kong suutin para sa araw na ito pero wala talagang magandang damit na pumapasok sa isip ko, maliban don sa kulay white na dress na nasa pinaka sulok ng cabinet.

"Anything that you wear will always make you stand out, kaya please wag ka ng mag white." pamimilit niya sa akin.

Ngumuso na lang ako, at kumuha ng kulay itim na dress para sana suotin ng bigla niyang kuhain sa akin yun at ibalik sa rack ko.

"Bitter ka ba? Bakit ka mag iitim?" napailing na lang siya, at siya na nag kumuha ng damit ko.

Hindi na ako pumalag dahil maganda naman ang mga damit na kinuha niya.It was a sky blue dress romper. It was custom made for me, that Kuya bought for me.

I just styled the dress, and I tied my hair up to make my dress stand out. Nag heels na lang din ako, binabihan niya na ako na wag na dahil paniguradong sasakit na naman ang mga paa ko pero hindi ko siya pinakinggan.

Beauty is pain, and I am the beauty that handled all the pain that the world threw at me.

"Pupunta ba si Kuya?" I asked him as he opened his car door for me.

"I don't think so, nasa Italy siya e." he answered, as he started driving

We arrived at the venue, it was an extravagant huge place. Ang dami ng tao sa paligid pero lahat ng ito ay malalapit sa dalawang ikakasal.

"Hera!" malakas na sigaw ni Bea ng matanaw kami, para naman siyang bata na tumakbo papunta sa amin.

"Congratulations." agad na bati ko sa kanya ng makalapit siya sa akin. Agad naman siyang kumapit sa braso katulad ng palagi niyang ginagawa simula dati.

It's been four years since that incident and revelations happened. Everyone is moving on and living their best lives, but...not me.

"Buti nakarating kayo!"

"Syempre, papalampasin ba ang isa sa pinaka importanteng event ng buhay mo, bata?" Sabi nitong nasa tabi ko at ginulo ang nakaayos na buhok ni Bea.

"Alam mo bang ang mahal ipaayos to ha?!" Galit na bulyaw sa kanya ni Bea.

Iba na ang itsura niya ngayon, ang mahaba niyang buhok ay pinaputulan niya. She looks so different from the first time I saw her, but I could see that she was happier than before.

Nang malason siya, ay gumaling naman siya dahil na rin sa tulong ni Cadis na hindi talaga siya pinabayaan. Na coma siya sa loob ng 6 na buwan, pero buti na lang ay malakas ang katawan niya. Napag pasiyahan naming kalimutan na ang lahat ng mga nangyari sa amin noon at mag patuloy na lang sa buhay.

She even explained what happened between them and their mom, and it was true that she and Waige were siblings but with different fathers.

Bea was basically my haft sister, because my father raper her mom. Her mom hates her like my parents despite my brother.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon