Hindi ako nakatulog buong gabi matapos namin mag usap ni kuya, at natulala nalang ako sa mga narinig ko.
Hindi nag s-sink in ang lahat sa isip ko, parang hindi matanggap ng utak ko lahat ng mga balitang nalaman ko. I'm thankful that I had a brother that would do everything for me, but the fact that he was doing that overly is making me anxious.
The brother I used to know was already gone. Hindi na siya ang kuya na kilala ko.
Nakatitig lang ako sa kisame habang malalim na iniisip ang mga bagay bagay. Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko kaya agad ko na kinuha yun, at may nakitang message.
From: Unknown
I miss you.
Naningkit ang mga mata ko kasabay ng pagbasa mensahe na natanggap ko.
To: Unknown.
Who are you?
I replied. My brows furrowed when I saw the number, and it was the same number that had texted me about the raffle promo.
I tried to remember who's the person who had my number but I remember no one. Sila kuya lang ang nakakaalam nito, at syempre si Drix pero alam ko na hindi siya ito. Hindi naman jeje yun.
Hindi na nag reply ang numero na yun kaya naman ay ibinaba ko na lang phone ko at umupo sa kama ko. Malaking buntong hininga ang binitawan ko bago tuluyang tumayo at dumiretso sa banyo.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa harap ko, hindi ko na makilala ang sarili ko. The spark that I have from my eyes disappeared, I felt like any moment now everyone would turn their back on me.
Nagsisimula ng tumatak sa isip ko na hindi ko na ulit kayang magtiwala, pero ayokong dumating ako sa puntong yun. I still want to believe in people's good sides, even though they wronged me.
Tanga ba ako para paniwalaan ito o takot lang akong mawala yung mga taong yun?
Drix was someone I can't lose, he was someone that is so important to me. Even though he kept a secret from me, I forgave him. Of course si Kuya, I can't lose him. Tama naman siya, matagal naman na yun at trinatrato niya na ako ng tama...pero hindi ko na alam kung anong iisipin ko
Mabigat ang mga ginawa nila sa akin, sa sobrang bigat ay pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sakit. Mas masakit pa yun sa kahit anong pisikal na pananakit na naranasan ko. Maybe because the damage that we had in our heart can't heal as the wound can dry.
Agresibong napahilamos na lang ako sa sarili ko, kasabay ng hindi ko inaasahang pag buhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko na namalayaan na nilulunod ko na pala ang sarili ko sa banyo habang naka lublob sa bathtub.
Ibinaon ko ang sarili ko sa tubig at hinayaan ang sarili kong yakapin ang lamig na dala nito. Dahan dahan rin ang mga bulang tumatakas sa itaas ng tubig kasabay ng pag bitaw ko sa hininga ko, hanggang sa...naubusan na ako ng hangin.
Agad naman akong napaupo kasabay ng pag habol sa hininga ko, para akong basang sisiw na tumayo at umalis sa pagka lublob. Wala na ako sa isip ng mabilis na lumabas sa banyo kahit tumutulo ang tubig sa siyang dinaraan ko.
May mga nakasalubong pa akong mga katulong namin, pero hindi ko sila tinapunan ng tingin at dire diretso na lumabas ng mansyon. Walang ano ano ay pinaandar ko ang kotse ko. I just pressed my blank finger as it started to move.
Yes, blank fingerprint...somehow, I don't have fingerprints. It's not genetic, or I was born with it, but it looks like someone burned my finger to erase my fingerprints on purpose.
Mariin ang pag apak ko sa gas, napaharurot din ang kotse sa napaka lawak na daan. Alas kwarto na ng madaling araw pero napakadilim parin ng langit, na mukhang iiyak at babagsak ang napakalakas na ulan.
Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta at saan ako dadalhin ng pagtapak ko sa gas ng sasakyan ko. But, then I found myself in front of his house.
Walang ano ano, ay agad na akong bumaba ako ng kotse at pumasok sa bakuran nila. Hahawakan ko palang sana ang door knob ng bigla itong bumukas at tumambad siya sa harap ko.
He was dashing as always as he wore his typical hoodie while having his headphones. Kita ko ang pagtataka sa mga mata ng makita niya ako, pero hindi ko na napigilan ang sarili at bigla siyang...niyakap.
It took him a while to answer my gesture, but when he wrapped his arms around me, I suddenly felt the comfort I needed the most. I feel safe when I'm with him. I feel peace when he's around.
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, para akong batang umiiyak sa kaniya habang pinapakalma ako.
"Hush..." He hummed.
We stayed in that position for quite a while, as he guided me towards the sofa in his sala. Hindi parin siya bumitaw sa pagkayakap sa akin at ganon rin ako. Dahan dahan kong pinunasan ang luha ko ng kumalma ako at tumingin sa kanya.
Para naman akong pinana ni kupido, ng makita ko ang malamabot na mga mata niya. Wala na fall na naman ako! Grr
"What happened?" tanong nia at hinawi pa ang mga buhok na nakatakas sa tali at bumabalandra sa mukha ko.
He even stroked my hair behind my ears so it wouldn't be a hindrance for me to cry.
Nailing ko na lang ang ulo ko, hindi ko pwedeng sabihin kung anong nangyayari sa akin. It was still my problem, my family problem and I need to keep it private–
"Family problem?"
Naputol ang iniisip ko ng bigla niya itanong ang problemang nasa isip ko. Bigla akong napalabas ng mahinang pagtawa at ngiti dahil sa tinanong niya.
Nagkasalubong naman ang mga kilay nito, hindi niya ata inaasahan ang naging sagot konya. Sino ba naman ang hindi magtataka kung merong biglang sumulpot sa bahay niya ng alas kwatro ng gabi, at bigla kang yayakapin sabay hagulgol sayo pero nung tinanong mo at tinawanan ka lang niya. Syempre si Waige.
This guy in front of me was something that I would love to have by my side. Yes, I like him, but do I love him? Hmm, it was early to say that.
Lagi niya akong pinapakilig pero masyadong malalim ang salitang pagmamahal para ilarawan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Ano ba talaga tayo Hera?" mapaawang ang bibig ko dahil sa tanong na yun.
BIglang lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko at biglang tinatanong sa akin ang nga yun. Hindi ako nakapag salita dahil sa gulat sa sinabi niya.
"H-ha?" ayan na lang ang lumabas sa bibig ko.
"Well...naguguluhan kasi ako." bulong niya dahilan naman para ako ang maguluhan.
"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Inalis niya ang hood na nakapatong sa ulo niya pati ang headphone at seryoso akong tiningnan.
"Y-you...you allowed me to do things with you..." He stared as I could see his ears turn red.
Wtf? Kinikilig ba to o nahihiya?!
"What things?" nakataas na kilay ang pag tanong ko sa kanya.
"That thing...hindi naman tayo pero hinahayaan mo akong gawin sayo ang mga yun." namumulang tanong sa akin nito.
"Anong things? Ayusin mo yung tanong mo!" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Yung mga pag hawak sa kamay mo, yung pag yakap sa akin, yung mga gesture ko towards you...that someone in a relationship lang ang gagawa." Maamong sabi niya sa akin.
Agad naman na pumasok sa isip ko ang mga ginagawa namin, akala ko wala lang sa kanya yun?
Hala! Anong isasagot ko dito? Nabigla naman ako!
BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes.
Mystery / ThrillerJust give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA