CHAPTER 40

47.4K 915 150
                                    

"Drix, wag mo akong pinag tritripan." napipikon na sabi ko.

Siraulo ba to? Paano ako mag kakasakit kung ang lakas lakas ko?!

"Okay, look. Hindi mo ba napapansin everytime something bad is happening around you ay biglang kang nanghihina? It not just your normal reaction." paninimula niya, pinaningkitan ko lang siya ng mata.

"It's not just a mental distress. It was about your illness. You have a schizophrenia, sa tingin mo bakit may obsession ka sa pangongolekta ng pesteng mga mata yan ha?!" mariin na sabi niya sa akin.

I tried to recall the things that happened.

"That sudden panic attack, yung mga boses na naririnig mo. You even told me about the figures na nakikita mo out of nowhere. Akala mo ba hindi ko napapansin yun? Hindi mo rin ba napapansin na bigla bigla kang nawawala sa sarili and your body is heating up whenever you're alone with a stranger thinking that you could kill them any moment?!" seryosong sabi niya sa akin.

Yes, I do. Naalala ko nga yun pero no, pero hindi naman ata sapata yun para itago nila lahat sa akin diba?

"Masyadong mababaw ang mga dahilan na yan." walang emosyong sagot ko sa kanya.

"Hera, can't you understand? You're mentally ill. We just want your safety." pagdidiin niya.

TInaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya, "You're not making sense."

"You want proof? I can show you your medical records–"

"Ano akala mo sa akin tanga? Why would I believe that damn records kung kaya niyo yan trabahuhin." Pinutol ko ang sasabihin niya.

Hindi ko na talaga alam ang paniniwalaan ko at kung ano ang dapat tumakbo sa utak ko.

Nanlaki ang mata ko ng biglang binuksan ulit ni Cadis ang laptop niya at hinaharap sa akin yun. He played something from it, it was a video of me holding a knife.

My brows furrowed when I saw someone in front of me from that video.

"S-sino yang nasa harap ko?" nauutal na tanong ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, wala akong matandaan na may ganong nangyari sa akin dati. Nagsimula ng manginig ang mga labi ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"It was Cloud. You are trying to stab him." pagpapaliwanag ni Drix. He even pointed to another figure on the screen, "That was me."

"That was the time na nag sabay mag kicked in ang symptoms niyo ni Cloud, and you guys are duelling on that video." he continued, "Akala mo si Cloud lang ang may ginawa sayo? You also did something to him." malakas na ang buntong hininga siya.

"Hera, hindi matagal na nawala si Cloud." malamig na dagdag niya.

Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko, parang hindi makagalaw ang dila ko at naparalisado sa loob ng bibig ko. Kahit na buong katawan ko na ang nanginginig ay pilit ko pa rin ginalaw ang mga labi ko.

"A-ano?"

Nag iwas pa siya ng tingin sa akin at senenyasan si Cadis. Nung una ay umiiling si Cadis na parang ayaw niya pa gawin ang inuutos ni Drix pero sinunod niya parin ito.

May isa na namang video ang nag play doon sa laptop niya, halos kumawala na ang puso ko sa dibdib ko ng makita kong anong meron sa video na yun. Hindi na ako bata don, at ayun na nag itsura ko ngayon, para bang bago lang ang video na yun pero hindi ko maala.

"No..." I tried to deny it to myself.

Napahawak ako sa dibdib ng makita ko kung sino ang nakaupo sa harap ko.

"No, no..." nasabunutan ko na ang sarili ko ng makita kong lumapit ako sa harap ng lalaki.

He was just sitting in front of me, smiling as if he couldn't see that I was holding a knife.

My whole body shivers when that guy softly holds my hands, as both of his are free. I gasped heavily when he hugged me as he looked at me.

Dalawa ang anggulo ng video na ito, isang nakaharap para makita ang reaksyon ko at isang nakaharap para makita ang reaksyon ng lalaki sa harap ko.

He was just smiling genuinely sa in front of me, and I can't recognize I was that moment. Nakagat ko na ang sarili kong hinlalaki habang pinapanood ang video na ito, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"B-bakit walang pumigil sa akin?!" sigaw ko habang hinahabol ang paghinga dahil sa lakas ng pintig at kabog ng dibdib ko.

May pinindot ulit si Cadis sa laptop, ayun ang pangatlong angulo. Hindi ko na alam kung anong masasabi ko ng nakita ko yun. It was an angle where I could see Drix and Cadis chained.

Halos mawalan na ako ng malay dahil sa mga nakikita at napapanood ko.

"Oh my God!" I covered my mouth asI broke down for what I saw. Kung anong ginawa ko sa kuya ko...

I...I'm the one who took his eye out.

I completely collapsed as I looked in Drix's direction, and this was the first time that he didn't run towards me.

"No...no, I don't remember that–"

"It doesn't mean na hindi mo maalala, ay hindi mo na ginawa." Drix cut me off.

Umiiyak akong tiningnan ang mga kamay ko na grabe na ang panginginig, pabigat na rin ng pabigat ang pahinga ko. Iba na ang nararamdaman ko, hindi ko na talaga makilala ang sarili ko.

Kahit nanghihina ay pilit pa rin akong tumayo, mababaliw ako kapag nag stay ako dito. Kailangan ko huminga, unti na lang ay bibigay na ako.

"Saan ka pupunta?" naalarmang tanong ni Drix sa akin.

"Please, wag niyo muna akong sundan. I need to clear things with myself." wala sa sariling sabi ko at naglakad papunta sa pinto.

"You shouldn't go outside, may mga humahabol sa atin!" Pag pigil niya.

"Hinahabol na rin ang tuliro ko Drix, kaya kailangan ko munang tumakbo at makapag isip...kung may isip talaga ba ako." I cracked.

Malakas kong hinawi ang braso ko sa kanya, at tuluyang lumabas ng bahay. Nakita kong walang sumunod sa kanila, kaya ay diredirestso rin akong lumayo sa bahay.

Anong oras na rin at napaka lalim na ng gabi, puro kahuyan rin ang nasa paligid ko sinabayan pa ito ng malakas na ulan dahilan para mabasa ako. Wala na akong pake kung anong itsura ko at kahit basang basa na ang damit ko, nagdurugo na rin ang paa ko dahil kanina pa ako nakasuot ng heels.

Wala akong ibang nararamdaman kundi galit at pag kalito sa sarili ko, kaya pala lagi nilang ako prinoprotektahan, kasi hindi ko magawa yun sa sarili ko. Wala akong kamalay malay na nasasaktan ko na pala yung mga mahal ko sa buhay.

Putangina, ako pa ang may ganang magalit sa kanila, mas malala pa ang ginawa ko. Paano nila na kakayahan na manatili sa tabi ko?

Hindi pala si Hannarah ang tunay na kalaban ko dito, kundi ang sarili ko.

Tuloy tuloy ako sa pagtakbo sa madilim at gitna ng malakas na ulan ng biglang may punting ilaw ang papalapit ng papalapit sa akin. Handa na sana akong tanggapin ang katapusan ko ng biglang...may humatak sa akin.

Nagulat ako sa malakas na pwersa na kumabig sa akin at nabungo ako sa matigas na bagay. Dahil sa dilim ng paligid at sa tubig na humaharang sa mga mata ko ay natagalan pa bago na proseso ng utak ko kung sino ang nasa harap ko.

Ang kaninang malakas na pag agos ng luha ko ay lalong lumakas ng makita ko kung sino ang nasa harap ko, para akong batang agad na yumakap sa kaniya at ibinaon ang mukha sa dibdib niya. He also let go of the umbrella he was holding, as we both drenched in hair.

He hugged me tight, and that hug was the most comforting hug that I felt. Dahil sa pagod at bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko na ininda ang kung anong tumusok sa may batok ko at unti unting bumagsak ang mga mata habang nakayakap pa kay...Waige.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon