My eyes were locked staring at that guy at the end of the row, who bowed his head on his arm chair as if he was sleeping.
I squinted my eyes as two different subjects started to discuss a new lesson, but he was still bowed down. Ang nakakapagtaka pa, ang ibang mga nakayukong estudyante ay sinusuway ng mga teacher namin pero hindi s'ya. It's like he's not existing in our class.
Lunch break na when Drix and Cadis disappeared. Hindi ko alam kung saan sila pumunta, ni hindi man lang nagpaalam. I was just sitting on my chair still, staring at that guy's direction, when Bea approached me.
"May dalawang pogi ka na sa tabi mo pero sa iba ka pa rin nakatingin," sabi nito nang tumabi sa inuupuan ko na may ngiti sa labi. Pinaningkitan ko lang s'ya ng mata, sabay ngiti ulit sa akin.
"That is Waige Aiden Agacci," bulong n'ya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"Who is he?" tanong ko.
"Kakasabi ko lang. 'Di mo ba ako narinig?" inosenteng tanong nito sa akin.
"Waige Aide—"
"Narinig ko kung anong pangalan n'ya, what I'm asking is who is he? Bakit parang hindi naman s'ya pinapansin ng mga teacher natin?" pagputol ko sa kaniya. Binalik ko naman ang tingin sa direksyon n'ong Waige.
"His name owned the top spot ng buong senior high dito sa school natin. Basically, s'ya ang pinakamatalino rito kaso he changed," pagsisimula nito dahilan para makuha n'ya ang atensyon ko. "Nawala sa sarili ang nanay n'ya," she added, making my brow furrow.
"Nawala sa sarili?" I asked.
"OFW ang mama n'ya. Hindi ko nga lang alam kung ano at saang bansa nagtatrabaho ang mama n'ya pero 'yon ang kumakalat na balita rito, which is nawala sa sarili ang nanay n'ya," she continued her story.
I looked at Waige's direction as I realized the reason why he tried to jump on that bridge that night.
"Minsan na lang s'yang pumasok. Minsan, pinupuntahan pa s'ya ng principal natin para lang mapilit pumasok. So, the teachers didn't bother na sawayin s'ya because they are still thankful that he is still attending classes not because he is the ace of this school but because they truly cared for him. Natatakot sila na baka kapag hindi na s'ya pumasok ay baka mapariwara s'ya or what. So, at least here, they know that he is safe," nakangiting kuwento n'ya.
I also smiled. Maybe this school really prioritizes their students' mental health.
Hindi na ako bumaba sa canteen. Sabi kasi ni Bea s'ya na lang daw ang bibili ng kakainin namin. Mas maganda nga 'yon, hindi na ako mapapagod at mukhang sanay naman na si Bea magpaakyat-baba rito.
Wala nang tao rito sa room ngayon kasi nga breaktime na. It was just me and Waige who's here. I slowly stood up from my chair and walked towards his direction.
"That was you, right?" tanong ko sa nakatungong lalaki sa harap ko. Medyo gumalaw pa 'to bago inangat ang ulo para tumingin sa akin.
My heart pounded as I saw his eyes met mine. The color of his eyes... Hindi pa ako nakakita ng ganito. Hindi ko alam kung ano 'yong tamang kulay para ilahad ang mayro'n s'ya pero nakakamangha.
It was a light green hue of color, with a tame of yellow and brown strokes from the sides. This was the first time I saw an eye color like this.
Ang ganda.
"Ha?" papikit-pikit na tanong n'ya pa sa akin na halatang kagagaling lang sa pagkakatulog. Hindi pa ako nakapagsalita ulit kasi sa mata n'ya lang ako nakatingin.

BINABASA MO ANG
UNDER Series #1: I'm in love with your eyes
Mystery / ThrillerForced to leave Italy for her safety, Hera Salviano moves to the Philippines to start a new life. Just when she's adjusting to her surroundings, Hera uncovers secrets about her past, making her doubt everything around her. *** Picky and pampered, He...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte