Chapter 9

509 16 0
                                        

Chapter 9

Alliesha (POV)

As usual, maaga akong nagising na parang manok na gustong mauna sa pagkain. Kaya maaga din akong nakapasok sa eskwelahan dahil plano ko na roon ipagpatuloy ang pagre-review.

May oral recitation kasi kami sa History tungkol sa mga sinaunang kababayan nating mahilig magtayo ng mga pyramids joke lang!. Kaya ayon, masunurin ang utak ko ngayon, parang robot na naka-program sa "study mode."

Maya-maya lang ay dumating na rin ang bruha kong kaibigan, si Ellyse. Mukhang bagong gising din dahil bahagya pa siyang natatapilok sa sarili niyang mga paa.

"Hey beshhhh, kamusta?" bati niya na parang bagong labas sa kweba.

"Ayyy grabe ka, beshhhh! Kahapon nga lang tayo nagkita, ganyan ka na! Para tayong 'di nagkita ng isang dekada!" OA kong sagot.

"Beshhhh! Gusto mo ba talaga si Ashton?" tanong niya na parang detective na nag-iimbestiga ng isang high-profile love case.

"Oo! Paulit-ulit? Para kang sirang plaka!" inis kong sagot.

"Tsk!" singhal niya na parang pusa.

"Actually! Hindi ko alam," bigla kong sabi. Hindi ako sure kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kase ah basta ewan.

"Langya! Ang sarap niyong sapakin dalawa. Bagay nga kayong dalawa! Pareho kayong magulo!" sabi niya na parang frustrated na referee sa isang love triangle boxing match.

"Oh, beshhhh, relax! Bulag ka ata! Nag-iisa lang ako! Kailan pa ako naging dalawa? Baka multo na 'tong katabi ko," biro ko.

"Ewan ko sa 'yo! Ang gulo mo!" suko niyang sabi.

Naging tahimik na rin kami pagkatapos ng aming "malalim" na usapan. 'Di nagtagal ay dumating na rin si Ma'am Reyes, ang aming History teacher na parang living encyclopedia. Nakakapagtaka lang na hindi pumasok si myloves kaya tinanong ko ang katabi kong si Ellyse.

"Psst! Beshhhh!" tawag ko.

"Bakit?" iritado niyang sagot. Mukhang bad trip din siya.

"Saan ba si myloves? Bakit wala siya ngayon? Baka kinidnap ng mga alien na fan niya?" worried kong tanong.

"Aba'y malay ko! Hindi ko naman anak 'yun para sa akin mo tanungin! Tanungin mo 'yung nanay niya!" sarkastiko niyang sagot.

"Uyyy beshhhh......." pambobola ko.

"Ms. Mendoza! Gusto mo bang ikaw ang mauna sa Oral?" biglang tawag ni Ma'am Reyes.

"Ahmm, Oo po, Ma'am," sagot ko na parang napahamak na kuting. Pahamak na bruha 'to!

"Okay, you first and then Ms. Ellyse will be the next," sabi ni Ma'am Reyes. Deserve! Buti nga sa kanya!

Natapos ang klase namin na parang isang matagal na sermon, at nandito kami ngayon sa canteen habang kumakain. Kanina ko pa kinukulit itong kasama ko tungkol kay myloves.

"Ewan ko! Hindi ko naman alam kung nasaan 'yun! Baka naglayas na 'yun dahil sa 'yo!" inis niyang sagot habang nginunguya ang kanyang sandwich na parang galit na galit.

"Okay!" Hayst, sana okay lang ang myloves ko. Baka nilalagnat 'yun at nangangailangan ng aking mahigpit na yakap take note: sa isip ko lang 'yun! Pero sana joke!

Ellyse (POV)

Hindi ko na lang pinansin itong katabi kong sobrang daldal, kakatanong kung nasaan na raw ang myloves niya. Nag-iinit na tuloy ang ulo ko sa kanya, buti na lang tumawag si Tita.

"Hello Tita!" bati ko.

[Yes, Hija] sagot ni Tita na parang may problema.

"May problema ba?" tanong ko.

[Yes! Ashton is sick! At ayaw niyang uminom ng gamot! Kanina pa siya hindi kumakain, nababahala na kami ng Dad niya,] paliwanag ni Tita.

"Eh bakit hindi umiinom ng gamot si Ashton! Gusto ba niyang maging living mummy?" gulat kong tanong.

[Kaya nga tumawag ako para magpatulong sa 'yo, Hija! Just for this! Wala na kasi kaming choice dahil lahat ng tao rito ay takot kay Ashton! You know naman sa ugali niya, 'di ba? Parang laging may dalang invisible na thunderbolt,] sabi ni Tita.

"I'll bring Alliesha," desisyon ko.

[Good decision! Actually, bukambibig niya 'yan simula pa kanina. Parang sirang plaka na 'Alliesha... Alliesha...'] sabi ni Tita.

"Okay Tita! I'm on my way!" sabi ko.

Tingnan mo nga 'tong si Dragon, panay deny, bukambibig naman pala si Alliesha. Isa pa 'tong bruha na sobrang saya dahil makikita na raw niya ang myloves niya!

Ewan ko na lang sa dalawang 'to. Parang teleserye na walang kasiguraduhan ang ending.

Kaya matapos ang tawag kanina, umalis na rin ako kasama si Alliesha na parang batang nanalo sa lotto. Pinayagan kami ng Guard kasi sabi ko emergency—emergency na makita ng bruha ang kanyang crush.

Tinawagan na din pala sila ni Tita at nagpaalam. Ihahatid ko na lang 'tong bruhang 'to. Panigurado, abot-langit na ang saya nito. Baka liparin pa kami nito sa sobrang excitement.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon