Asthon (POV)
Nandito ako ngayon sa aking opisina, abala sa mga mahahalagang bagay. Halos himatayin ako sa pagod, pero kailangan kong gawin ito dahil naghihintay si Alliesha sa akin.
Dahan-dahang umagos ang luha sa aking pisngi, at nagsimula akong ngumiti. Mukha na akong baliw ngayon. Pero hindi, kaya pala para akong baliw, kasi nandito, sinundan ako ng aking kabiyak.
Nakatayo siya sa pinto, nakatingin sa akin. Nagulat ako sa una, pero pagkatapos, tiningnan ko siya nang puno ng emosyon ang aking mga mata. Hanggang sa kusa nang gumalaw ang aming katawan para maging isa.
Nakayakap na kami sa isa't isa, dala ng kasabikan at ang pangungulila. Na-miss ko ang lahat ng tungkol sa kanya, 'yung mga panahong pareho pa kaming nagmamahalan.
"I'm sorry, Alliesha," sabi ko.
"It's okay, I understand now so stop saying I'm sorry, hindi mo 'yun kasalanan, okay?" Pero!
"Pero galit k—" Inistorbo niya ang mga salita ko sa pagsasabi ng tatlong magic words of love.
"I Love You, Asthon! Dumating man sa puntong pareho tayong nanghina sa ating pinagsamahan, dumating man sa puntong pinaglayo tayo ng tadhana, pero alam kong dito sa puso ko, mahal kita. Mahal na mahal kita!"
Ang marinig ang mga salitang 'yan mula sa kanyang bibig ay nagpatunaw sa loob ko. Parang ice cream na nalusaw sa araw.
I Love You too, Alliesha! Tama ka, hindi tayo naging matatag noon dahil tadhana mismo ang nagdesisyon para sa atin. Sobrang kumplikado kasi noon, pero isa lang ang gusto ko."
Noon, sinabi ko lang sa kanya ang gusto, ngayon, heto na at naging makatotohanan na.
At ngayon talagang makakamit ko na ang matagal ko nang pinapangarap...
"Uyy, dude! Kanina ka pa diyan, malapit na si Alliesha." Ay, oo nga pala.
"My beautiful Woman was now walking towards me," nakangiti kong sabi.
"Assuming ka, dude! Kay Padre 'yan pupunta, hindi sa 'yo!" Ang bastos na 'to.
"Shut up!" Ngayon, pinipikon na niya ako.
"Relax, dude! Hindi 'yan aagawin ni Padre, sa 'yo naman talaga 'yan, pero 'wag ka namang pahalata." Edi bahala.
"And then?" Nagpatuloy ako.
"May single dito! Single din si Father, kaya respect din pa minsan-minsan!" What the?
Tumahimik na lang ako at tiningnan ang papalapit na si Alliesha. Napakaganda niya, at feeling ko, excited na excited akong gawin siyang asawa ko.
Siyempre, humingi muna ako ng permission mula sa mga parents niya at sa mga parents ko rin. Sumang-ayon sila sa proposal ko, at ngayon, nandito sila na may malawak na ngiti.
"Dude! Kunin mo na, kanina ka pa tulala diyan. Sabi ko namang bawasan mo ang pagka-excited mo!" Ang bastos na 'to, si Ziron.
Ngumiti ako kay Papa, at ngayon, tiningnan ko ang aking kaibig-ibig na asawa.
"Ingatan mo ang anak ko, Asthon! 'Wag mo nang paiyakin muli," saad ni Papa.
"Wag niyo na lang kayang ibigay, Tito, dahil paniguradong paiiyakin lang niya si Alliesha!" Singit naman ng kontrabida, walang iba kundi si Ziron.
"Shut up, Ziron, or else I'll break your bones!" Umepal pa.
"Tama na 'yan, naghihintay na si Padre," turo ni Mama kay Padre na parang naiinip na.
"You're so beautiful, My Wife!" Nakangiti kong saad.
"Assuming ka! Hindi mo pa nga ako wife!" Cute!
"Hindi pa sa ngayon, pero mamaya! Magiging Ms. Saavedra ka na, with a rewards pa!" Sabay kindat sa kanya!
"Halika na nga!"
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Kung curious kayo kung bakit nag-Tagalog ako, ay dahil 'yun sa kanya. Ayaw niya kasing nag-i-English daw ako dahil feeling daw niya, mas matalino ako kaysa sa kanya.
Masaya na ako ngayon na kasama siya. Sa wakas, makakabuo na ako ng malaking pamilya kasama siya.
"Psh! Asthon, kanina ka pa nakangiti diyan, para kang tanga, tinatanong ka ni Father!" My bad.
"I'm sorry, Father!" Medyo nahiya ako sa part na 'yun.
"And now! I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!" 'Yan ang pinakahihintay ko.
Hinalikan ko siya nang may pagmamahal, pero mukhang nasobrahan ata dahil nakatikim ako ng palo sa ulo.
"Loko ka talaga!" Natatawang ani ng asawa ko.
"Dude! Hintay naman, pag may time!" At doon, nag-init ang ulo ko.
"Inggit ka lang!" Sumimangot din ang mukha nito.
Ngayon, sa wakas, nakuha ko na ang buong buhay ko ulit kasama siya. Ito ang pinakamaganda para sa akin, ang makasama siya. Buong pagmamalaki kong sasabihin sa buong mundo ang tungkol sa aking magandang asawa na nagpabalik sa aking buhay.
"Congratulations, dude! Sana ako na sa susunod." Sana hindi.
"Thanks!" Walang ganang saad ko.
"Congratulations, Asthon! We are so proud of you that finally you found a perfect match for you." Thanks, Mom.
"Ilan balak niyong anak?" Singit naman ni Veronica.
"Isang dosena!" Diretsang saad ko, dahilan para mabulunan si Alliesha.
"Tubig! Tubig!" Binigyan ko naman ito ng tubig.
"Ano? Wala ka, 'no. Ayaw ni Alliesha ng isang dosena, gusto niya sampung dosena," sabay ni Ziron, dahilan para hampasin siya ni Alliesha.
"Leche ka, Ziron! Mas malala ka pa sa kaibigan mo!" Inis na saad ng asawa ko.
"Ba't ako nadamay?" Kunot-noong saad ko.
"Dahil ikaw naman ang nagpasimuno!" Ang cute ng asawa ko.
"Sana maging masaya kayo, pero kapag sa buwan na 'to, wala pa akong magiging jowa, ay sana malungkot ang buhay niyo," singit ni Celestia.
"Inggit ka lang dahil wala kang jowa," saad ni Ellyse sabay yakap sa braso ni Ziron.
Sa wakas, nakita na nila ang totoong relasyon sa pagitan nila. Actually, noon ko pa naman alam na may lihim na pagtingin ang dalawang nilalang na 'to.
Ang kaso, puro deny lang, ngayon sila na, at wala pa talaga kaming alam kung kailan naging sila. Ang lihim talaga ng dalawang 'to.
"Hey!" Oh, ang aking magandang asawa.
"What is it, Wife?" Beautiful indeed.
"Wife? Ang ganda naman pakinggan," nakangiting saad niya.
"Of course, because it suits you to be called wife by me, Asthon Luke Saavedra."
Tuluyan na niyang nailabas ang nakatagong ngiti na kanina pa niya pinipigilan.
Nasa mabuting kalagayan na kami ngayon, at dahan-dahan, sinimulan namin ang aming buhay may-asawa. Masaya na kaming namumuhay kasama ang kwento ng aming pag-ibig.
"My Encounter with Mr. Cold-hearted Guy was my greatest encounter ever," saad ng asawa ko na siyang nagpalakas ng tawa namin.
-The End-
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
