Chapter 26

275 12 1
                                        

Alliesha (POV)

Kahit parang tinutusok ng milyon-milyong karayum ang puso ko, nagkaroon ako ng idea na puntahan si Asthon sa kanilang bahay. Malay mo, biglang magka-amnesia siya at makalimutan ang mga kasinungalingan ni Celestia.

Nasa bandang gate na ako, nang biglang may huminto na sasakyan. At guess who? Si Mr. Sungit! Pero parang hangin lang ako nang nilagpasan niya. Parang hindi niya ako nakita.

Lumingon ako, dahilan para manlumo ako. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Parang may invisible wall sa pagitan namin.

Alam kong masasaktan ako sa gagawin ko at sa posibleng mangyari. Pero kakayanin ko alang-alang sa pagmamahal ko sa kaniya.

Alam kong plano ito ni Celestia. At alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa 'yun. Hindi ako two-timer!

Naghintay pa ako ng ilang minuto, nang sa wakas ay lumabas na din siya, kasama ang taong kailanman ay hindi ko maiisip na kasama niya.

Hindi ko na lang pinansin kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Basta't kausapin ko muna siya.

"Oh, here comes the b*tch!" Wow, sarap sampalin ng dictionary.

"Oh, here comes the witch!" Mas mukha siyang clown na naligaw sa party, pero prefer ko ang witch kasi maninira siya. At least consistent siya sa pagiging masama.

"What do you want, Alliesha?" Ang lalim ng boses. Halatang hindi gusto ang presensya ko. Parang may monster na nagising sa loob niya.

"Gusto ko lang kasi makausap ka?" Please, kahit ngayon lang.

"Speak whatever you want, just be quick." Nang nandito ang Celestia na 'yan?

"Gusto ko 'yung tayo lang." Sana pumayag ka.

"Go to my car, Celestia. I'll just talk to her." Sa buong pagsasama namin, hindi man lang niya ako tiningnan nang ganoon ka-saya.

Nang makapasok na si Celestia sa kotse, doon na din humarap nang tuluyan sa akin si Asthon.

Hindi na siya ang Asthon na mahal na mahal ako. Dahil lang sa kasinungalingan ng iba, nagawa na niya akong talikuran na para bang hindi niya ako kilala simula pa man.

"Now speak! Celestia might be bored." So, ganoon ba ka-importante si Celestia para ipamukha niya ang pag-aalala dito?

"Asthon, alam kong alam mo rin na hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yun. Mahal kita, 'di ba? Kaya bakit naman kita lolokohin nang ganoon?" Maniwala ka please!

"Mahal? That's the reason why you fool me, Alliesha." Galit lang siya, pero mahal naman niya ako, 'di ba? Please sabihin niyong oo.

"Asthon, lahat ng nakita at narinig mo mula kay Celestia, hindi 'yun totoo. Paniwalaan mo naman ako. Alam kong galit ka lang, pero pakinggan mo naman ako." Pilit kong paliwanag.

"Don't bring Celestia to this matter. Wala siyang kinalaman." No! Nagkakamali ka.

"At naniwala ka? Ganoon ba kababaw ang pagmamahal mo para balewalain ang totoo? Sinisiraan niya ako, alam kong alam mo 'yun!" Ang sakit na!

"Do you think I'll still believe you? I saw everything in my own eyes, everything! Kaya huwag mo akong pagsabihan kung sino ang paniniwalaan ko." Ang sakit ng mga salita niya.

"You know what? I regret loving you. You don't even worth it to be loved." Halos mawalan na ako ng hininga nang banggitin niya ang mga katagang 'yun.

"At sino ka para sabihing hindi ako karapat-dapat mahalin?" Ako? Hindi karapat-dapat mahali?

"Me! Asthon Luke Saavedra, we're Done." At sa pagbanggit niya ng mga katagang iyun, tuluyan nang bumagsak lahat ng pag-asa ko.

"Kung 'yan ang gusto mo, segi. Pagod na din naman akong sunud-sunuran sa 'yong magpaliwanag eh! Kahit anong gawin ko, hindi ka naman maniniwala. Isang beses pa lang naman ako sumubok, pero ang tadhana na mismo ang nagtakda na dito na lang tayo. Sana hindi mo 'to pagsisihan ang naging desisyong tapusin 'to kahit kaya pa. Paalam, mahal ko." At doon, tuluyan na akong umalis. Iniwan ang taong dapat kasama kong lumaban.

Balang araw, makakalimutan din kita, para maghihilom din ang sugat na ito. Makakahanap din ako ng taong kaya akong paniwalaan bago husgahan, nang hindi ko sunud-sunuran.

Kahit masakit, kakayanin ko dahil alam kong isa lang itong rason para tuluyan akong maging malakas sa susunod na susubok ako.

Nasa dalampasigan ako ngayon habang kinakausap ang sarili. Parang baliw na nakikipag-usap sa hangin. Tanging ang lamig ng hangin na lang ang tanging yumayakap sa akin habang umiiyak ako.

Ang tanga ko, 'di ba? Pero ayos lang! Deserve ko naman ata lahat ng mga ito.

Tama nga naman ang panaginip ko. Sana nga pala hindi na ako nagpapaliwanag kasi kahit anong sabihin ko, hindi niya kayang paniwalaan.

Malapit na din naman akong umalis. Hihintayin ko na lang na maka-graduate ako. Kahit nga din naman ang tinuring kong kaibigan ay hindi rin naniniwala sa akin.

Akala ko may masasandalan na ako. Ngunit kagaya rin siya ni Asthon na matigas ang puso. Parang bato na walang pakiramdam. Tinapos na niya ang bagay na dapat ay sabay naming ipaglaban. Parang sumuko na siya sa laban namin. Sana naman ay hindi ito hadlang sa akin na makapagtapos.

Hindi nagtagal, tumayo na ako kasabay nang pagkawala nang mabigat na pakiramdam sa puso ko. Umuwi na ako at nadatnan ko si Mark sa sala.

"Ate! Saan ka nanggaling?" Agad na tanong nito.

"Doon kila Asthon! Sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya, pero wala." Sabay pagtulo ng luha ko.

Akala ko okay na ako! Pero hindi pa pala. May natitira pang sakit kahit na inilabas ko na iyon.

"Hindi ka niya deserve, Ate. Hindi naman ata siya tanga para hindi malaman na walang katotohanan ang mga iyun." Tama! Pero anong laban ko kung si Celestia ang paniwalaan niya.

"Alam niya, pero si Celestia na 'yun. Anong laban ko sa galing nun gumawa ng kasinungalingan?" Expert kaya yun!

"Asahan mo, Ate, nandito pa rin naman kami kahit paano. Malapit ka na ring umalis. Malay natin, nasa America pala ang tunay mong pag-ibig." Naku naman, ang bait.

"Hayaan mo, Mark, kapag nakahanap ako, ikaw naman ang sunod kong hahanapan." Kawawa naman kase baka single to habang buhay.

"Sus! Sige na, Ate! Maghanda ka na. Panibagong araw mo bukas bilang tao." Ay, letcheng Mark!

"Ano kala mo sa akin, hayop?" Takte! Parang insulto 'yun, ah!

"Medyo." At ang loko, tumawa lang.

Nagsaing na ako bago pa dumating sila mama at papa. Parang dutiful daughter ang peg ko. Nang dumating sila, naghapunan na din kami. Sinabi ko sa kanila ang nangyayari, at naintindihan naman nila ako. Support din sila na doon na ako sa America magtapos ng pag-aaral.

Susunod na lang din si Mark pagkatapos niya ng Senior High dito. Natutuwa naman din si Tiya sa desisyon ko. May pa-iyak-iyak effect pang nalaman. Mga buntis nga naman.

Pagkatapos nun, sabay na din kaming nagpahinga. Bago ako natulog, pinapaaral ko muna sa sarili ko ang panibagong bukas ko.

Sana lang maganda ang bukas ko!

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon