Alliesha (POV)
Pagkarating ko sa bahay, parang kidlat akong umakyat sa kwarto para magpalit. Feeling ko kasi, anytime pwede akong mahalikan ulit ng myloves ko! Ayiiieee! Kinikilig na naman ang lola niyo!
Pagbaba ko, naabutan ko sina Mama at Papa sa sala. Si Mama ay abala sa pagtutupi ng mga damit, habang si Papa naman ay nagbabasa ng diyaryo, ang salamin niya ay nakasabit sa ilong.
Diretso na ako sa kusina nang makita ako ni mama.
"Oh anak! Andiyan ka na pala!" bati ni mama.
"Mano po, Nay! Tay!" sagot ko sabay mano sa kanilang dalawa.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak! Teka, nasaan ang kapatid mo?" tanong ni mama.
"Baka may ginagawa pa sa labas," sagot ko. Malamang nagpapagwapo na naman 'yun para sa crush niya.
"Oh siya! Saan ka pala pupunta?" usisa ni mama.
"Sa kusina po, magsasaing. Hehe," sagot ko na parang walang nangyari. Ang totoo, gutom na talaga ako!
Bigla namang dumating ang nagmamagaling kong kapatid na si Mark.
"Hi Ma, Pa. Mano po?" bati niya sabay mano rin.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak," sabay na sagot nina mama at papa.
"Saan ka nga pala galing, Mark? Malapit na mag-gabi ah!" tanong ko. Kunwari concerned na ate.
"Diyan lang sa kapitbahay, Ate. Nagpatulong kasi sila sa akin," sagot niya. Siguro pinagbuhat na naman ng semento 'yun.
Nagtulungan kami sa paggawa ng gawaing bahay. Ako sa paghuhugas ng plato, si Mark sa pagpupunas ng lamesa akala mo naman ang sipag, at si mama sa pagluluto ng hapunan.
Pagkatapos ay naghapunan kami. Ang sarap talaga ng luto ni mama! Feeling ko tuloy ang swerte ko.
Kakatapos ko lang sa assignment ko na sobrang dali ehem, sabi ko lang 'yan nang biglang tumawag ang bruha kong bestfriend na si Ellyse.
"Hoy bruha! Samahan mo ako sa mall! May bibilhin ako!" bungad niya sa akin.
Nagpasama lang naman sa mall kasi may bibilhin daw! Tsk! Akala mo naman kung sinong importante. Nagpaalam naman din ako kina mama at papa kaya gorabels lang ang ate niyo. Libreng mall 'to!
Ellyse (POV)
Masaya kami ng bespren kong bruha habang nagba-byahe kami! Actually, sa pinsan ko sana ako magpapasama kaso tinamad ang gago kaya sa mabait kong kaibigan na si Alliesha. Mabait talaga 'yan, promise! Kahit minsan nakakainis 'yan kasi sunod nang sunod sa crush niya.
Nang marating namin ang mall, agad kaming pumasok at hinanap ang dapat kong bilhin, syempre! Hindi naman ako pupunta dito para lang tumingin sa mga gwapong lalaki, noh! Okay, konti lang.
"Haysstt, Ellyse, kailan ka pa ba matatapos diyan? Kanina ka pa, bruha ka! Ano ba kase ang hinahanap mo!" singhal naman nito sa akin. Parang siya hindi tumitingin sa mga cute na salesboy diyan.
Kung di ko lang 'to kaibigan, matagal ko na itong tinapon sa fountain dito sa mall. Sayang ang ganda ng fountain eh.
"Wait lang! Ito na!" Agad na sagot ko. Nakita ko na kasi 'yung bibilhin ko. Ang tagal ko kasing naghanap kasi naman ang daming magaganda!
"Wait daw eh halos isang oras na tayong libot ng libot dito. Ang sakit na ng tuhod ko!" inis na saad nito sa akin. Parang matanda na 'to kung makareklamo.
"Relax lang, girl! Huminahon ka. Libre na lang kita ng milk tea," nakangiting saad ko! Alam ko weakness nito eh.
"Okay, bilisan mo lang! Kung di lang dahil sa libre eh di na kita susundin eh," sabi ko sa inyo, diba! Basta libre, walang kokontra diyan. Para siyang batang inalok ng candy.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
