Alliesha (POV)
Parang may orkestra ng mga sirang gitara sa labas. Akala ko, nagpapraktis lang ng rock band ang mga kapitbahay namin na mahilig magpatugtog ng kung ano-ano, mula sa ibang planeta na sintunado hanggang sa mga love song na parang kinakanta ng pusang nanganganak.
Pero halos mapunit ang panty ko sa hindi makapaniwalang pagkabigla nang marinig ko ang boses na iyon. Parang boses ng anghel na inutusan bumaba para kantahan ako ng pusong bato joke!
Binuksan ko ang bintana, at bumungad sa akin si Asthon. Kasama niya ang buong pamilya niya, mula sa parents niya hanggang sa pinsan niyang laging gutom na parang walang kinain simula pa noong dinosaurs.
Nandiyan din pala ang aking ever-supportive na si mama at papa, na parang nanonood ng live teleserye sa sobrang curious ng mga mukha. At siyempre, hindi mawawala ang dalawang patay gutom na sina Ziron at Ellyse, isama na rin si Veronica, na siguradong ang agenda lang ay ang libreng pagkain.
Aba, narito rin pala ang dakilang epal, si Mark. Wala na yung masamang tingin niya na parang laging handang manapak ng pagmumukha.
Sa loob ng tatlong buwan, unti-unti na rin nitong ipinakita ang tunay niyang pagkatao. Yung side niya na hindi lang puro muscles at pagiging Mr. Suave, kundi yung side na may sense of humor din, kahit minsan ay corny ang mga jokes niya na parang galing sa lumang joke book ng tatay ko.
Pagkatapos niyang kumanta ng isang love song, bigla na lang itong umatras ang isang paa at lumuhod. Oh my gulay! Yes na agad ang sagot ko! Parang gusto ko nang sumigaw ng "Yes! I will marry you na, kahit bukas pa!"
Nakangiti na ang lahat ng nakatingin sa akin, At sa oras ding iyon, nagsalita na ang binatang kinaiibigan ko, ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
"Alliesha! Hindi ako ang perpektong lalaki na hinahangad mo, at hindi ko rin maipapangako na magiging perpektong partner ako sa hinaharap. Hindi ako gagawa ng mga pangako dahil ang mga pangako ay madaling masira. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para alagaan ka at mahalin ka ng buong puso." Relx heart relax!
"Sa harap ng lahat ng nandito sa oras na ito... Alliesha, will you be my girlfriend?"
Dahil sa kilig na parang kinuryente ang buong sistema ko, hindi dahil sa katangahan, sinabi ko na ang matamis kong "Oo."
Niyakap ako ni Asthon sa sobrang kasiyahan. Finally, akin ka na talaga. Parang nanalo ako sa lotto ng pag-ibig.
Simula ng pagtatagpong iyon, naging masaya na ang bawat araw ko. Sa una lang pala itong mukhang liyon na handang manakot. Ngayon, halos hindi na ito umalis sa tabi ko, para daw hindi ako mawala.
Pansamantalang nandito kami ngayon sa canteen habang kumakain. At itong katabi ko naman, si Mr. Sweetness Overload, ay panay ang subo sa akin. Kala mo naman paralisado ako at hindi kayang gamitin ang sarili kong mga kamay.
"Hoy! Hindi ba kayo titigil diyan sa pagsusubuan niyo? May single dito!" Bitter na pahayag ni Ellyse, na parang kumakain ng ampalaya sa sobrang pait.
"You're not eventually single if only you confess to him," pang-aasar ni Ashton, na parang alam na ang lahat ng sikreto sa mundo. Mukhang may tinatago rin itong bruhang 'to.
"No, never!" Yan ang specialty niya. Ang magdeny hanggang sa buto.
"Kaya ka walang lovelife eh!" Pang-aasar ko, with matching peace sign. Kawawa naman.
"Tsk! Ganyan ka naman talaga. Porket naging kayo na ng bruhang 'yan!" Nanahimik na nga ako dito, nadamay pa rin. Parang collateral damage sa love life ni Veronica.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
