Ashton (POV)
Unang araw ko sa klase at sa kasamaang palad, nahuli ako ng gising. Wala na akong oras para maghanda kaya dumiretso na lang ako sa eskwela.
Pagpasok ko pa lang sa gate, tumunog na ang bell. Nagmamadali akong pumunta sa classroom ko dala ang mga libro ko nang bigla kong mapansin ang isang babaeng natigilan sa hallway habang nakatingin sa classroom na pupuntahan ko.
Ayoko sanang pansinin pero may kung anong nagtulak sa akin para lapitan siya. Tulala pa rin siya kaya sinadya ko siyang banggain.
"Aray! Letche namang libro 'to," reklamo niya.
Ang cute! F*ck Asthon, tinawag mo siyang cute?
Nang tumingala siya, nakita ko ang maamo niyang mukha. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya.
Teka! Ako. ba talaga 'to? Huwag kang ganyan, self. Bumalik ako sa realidad at napansin kong tulala pa rin siya.
Sobrang gwapo ko ba?
"Are you done staring at me, woman?" I said without emotions in my eyes and she was still shock but she still continue looking at me.
Ayaw ko man aminin pero parang gusto ko na rin siyang titigan. Ang ganda niya eh, pero teka, ano ba 'tong iniisip ko? Erase! Erase! Focus lang sa pagbabasa Asthon.
Muli siyang natigilan at ang mas malala pa, nakangiti siya na parang nakakita ng anghel sa harap niya. Malala na ang tama nito, para siyang baliw.
"Miss, I don't have time left, so pick up my books on the floor," utos ko na ikinakunot ng noo niya.
"Abay! Tanga ka rin ano? Bakit kita susundin? Ikaw 'tong bumangga sa akin!" Oo nga naman no? Tanga ko nga! Sinadya kitang banggain,pake mo ba? Cute mo eh! Ay hindi joke lang yun, Focus Self Cool ka dapat.
"You're the one who's blocking the way and bumped into me, so pick it up now," giit ko. Dali-dali niyang pinulot ang mga libro ko at iniabot sa akin.
"Oh! Ito na nang matapos na 'to," matamis pa sa asukal ang kaniyang ngiti.
Kukunin ko na sana nang bigla niyang ibinagsak ulit sa sahig at kumaripas nang takbo, kala mo naman kabayo! Hayst ang tanga ko nga!
Ay hala late na ako, pahamak na yun!
Napailing na lang ako sa inis at dali-daling pinulot ang mga libro ko at pumunta sa classroom ko. Pagdating ko, nabingi ako sa hiyawan ng mga kaklase ko. Lalong tumindi ang inis ko nang makita kong kaklase ko pala ang babaeng nabangga ko kanina.
Pero ba't naman ako maiinis kung ako yung nananadyang bumangga?
Tahimik akong nagbabasa ng libro nang marinig kong tinawag ng teacher ang babaeng nabangga ko. Nagbalik siya sa ulirat at dali-daling pumunta sa harap at nagpakilala.
Tumigil ako sa pagbabasa pero nakatingin pa rin ako sa libro pero syempre nakikinig ako kung ano ang pangalan niya at sa buti naman, parang kilala ko siya. Alliesha Lae Mendoza pala.
Oo na, aaminin ko na ang ganda niya ang nakapukaw ng interes ko kaya parang worth it na isipin dahil never pa akong nakaramdam ng ganito kahit sa ibang babae.
Habang nag-iisip ako, naalala ko na kaklase ko nga pala siya dati pero masyado akong abala sa hilig kong magbasa kaya hindi ko siya napansin.
Simula noong araw na 'yon, madalas ko nang nararamdaman ang pagkainis dahil sa pagiging childish ng babaeng 'yon. Kung saan ako pumunta, nakasunod siya.
Pero sa lahat nang iyon ay hindi ko man lang pinagsisihan yung ginawa ko. Bakit ba kase ag cute niya! Kasalanan ito nang cute niyang mukha, cute din ng heiht niya! Para siyang tuta! Ang liit.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
