Alliesha (POV)
Ginising ako ng sikat ng araw na nag-uunahan sa bintana, at saktong 4:00 o'clock pa lang. As usual, ginawa ko ang aking daily routine ko, at nagluto na din ako ng pagkain ni Tiya, kung sakaling magutom ito. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang gusto niya, dahil sigurado akong mangga na naman 'yan.
Handa na ako para sa school, at saktong dumating ang taxi. Nagpaalam na ako at sumakay. Malapit lang naman kami sa school na 'yun, bali mga 30 minutes din ang byahe. Kaloka! Puwede pa akong matulog kahit hanggang dumating pa sa University na pinapasukan ko. It was a private University. Doon ako pinapaaral ni Tiya dahil mas maganda daw doon. Siguro mas maraming gwapo, kaya siya nag-insist.
Pagdating ko sa school at exactly 7:00, dali-dali akong pumunta sa room ko. Bumungad sa akin si dakilang tamad at tagakopya ng assignment ko.
"Hey, gurl! How are you?" Sus, assignment ko lang naman kailangan mo.
"I was totally fine!" Not in the mood.
"Alliesha, can I copy your answer in our assignment? Promise I will vary all of my answer. I just want to get some ideas!" Idea ba kamo?
"Here!" Baka umiyak pa 'to. Mas mahirap pa ang pagpapatahan sa kanya kaysa sa paggawa ng assignment.
Kampante naman ako dahil kahit panay kopya nito, ay iniba naman niya ang sagot niya sa sagot ko. Ito lang din ang tanging kaibigan ko na hindi nambubully sa akin.
"Dae, feel ko may mali sa sagot mo." Oh, 'di ba? Siya pa ang may ganang mangopya, siya pa ang may opinion sa sagot ko! Edi sana hindi na lang siya nangopya.
Si Tanyo Louise pala itong kaibigan ko, half American and half Pinoy. Mabait naman siya, kaya nga lang binabae. Sayang ang taglay nitong kagwapuhan kung alam niyo lang.
"Lakas naman ng trip mo, gurl, ikaw na nga 'tong pinakopya!" Sarap sipain.
"I'm just stating the fact, tsaka feel ko lang naman." Nanggigigil na talaga ako sa baklang 'to.
"Kopyahin mo na lang," iritadong sabi ko. Isa pa 'tong sakit sa ulo.
"Oo na, gurl," ayun naman pala.
Na-miss ko tuloy ang bruha. Kamusta na kaya 'yun? Kahit patay-gutom 'yun, mahal ko pa din. Sana lang makita ko pa siya, pati siya ay hala.
"Gurl, okay ka lang?" Panira ng moment 'tong baklang 'to. Talagang kinalabit pa ako.
"Why?" Panira.
"Para ka kasing natatae, baka gusto mong samahan kita sa restroom." Letche 'to! Akala ko pa naman, ano na.
"Tumigil ka na nga, nandiyan na ang prof natin!" Tumigil na nga naman din.
Nagsimula na din ang klase namin, but 'tong katabi ko naman ay parang uod. Paano ba naman kasi, ang gwapo! Pati tuloy ibang kaklase ko, hindi na nakinig. Buti pa ako, good student lang.
Discuss lang nang discuss hanggang sa matapos na din sa wakas. I was about to leave, but itong uod na 'to ay hinila na lang ako bigla.
"Where are we going, you gay?" Bigla-bigla na lang nanghihila.
"Relax, gurl! We're not going to hell, kaya manahimik ka!" Wala naman akong sinabi.
"Okay! Fine!" Bahala na si Darna.
Sa kakahila nito sa akin, napunta kami sa rooftop. At dito, kitang-kita ang magandang tanawin ng buong school. Ngayon lang naman din ako nakapunta.
"What are we going to do here?" Maganda naman dito, pero...?
"I'm going to jump from here over there, kaya kita dinala rito." At dinamay pa ako.
"Okay! Now, go!" Sabay tulak, pero siyempre, mahina lang. Hinawakan ko din naman ang damit niya to make sure hindi siya mahulog.
"What the fck, gurl*? Are you going to kill me?" Oh, sabi niya tatalon siya?
"Tanga ka rin, ano?" Takot naman pala.
"Pilosopo ka rin! Siyempre, dito kita dinala kasi, aside sa maganda ang tanawin, may fresh air pa, at dito ko na rin naisip na mag-lunch, you know!" Kaya naman pala, 'di pa sinabi agad.
"Ikaw din pala ang nakaisip nito, ba't mo pa ako dinamay?" Siyempre, mas gusto ko ang cafeteria kesa dito. Masarap ang Chicken Joy doon.
"Yes, I was the one who thought about this, cause mas prefer ko dito, mas marami akong makitang jupapies." Takte! Parang pervert ang dating.
"Okay! Then let's eat na lang!" Gutom na bituka ko.
Nagsimula na din kaming kumain, and for some reason, bigla na lang nag-drama ang bakla.
"Do you think I can survive? Business is not my thing." Luh? Parang biglang naging ewan.
"How can you say business is not your thing when you already get it? Gosh, masisira beauty ko sa 'yo kakaisip!" Ang OA niya, guys!
"I was just saying na hindi ko 'yun interest, since that was what my family wants. They want me to be the one who replaced my father in our business." Lah!
"Kung 'di mo gusto, ba't 'di mo sinabi?" Slow din nito.
"I don't want to disappoint them because I was the only child, since marami kaming business." Puwede naman siguro niyang sabihin.
"Kaya natin 'to. Malay natin, sabay tayong gagraduate without noticing." Basta, go with the flow!
"Sinabi mo lang 'yan dahil naawa ka sa akin. Matalino ka kasi, samantalang ako, heto, umaasang sa 'yo kumopya." Buhay estudyante pa rin 'yan.
"That's what they called hard work." Wala namang estudyanteng hindi nangopya, 'di ba? Just kidding!
"Basta pakopayahin mo lang ako." Ewan ko na lang sa baklang 'to.
Tumahimik naman ito, kaya akala ko, 'di na magsasalita. Ngunit napaigtad na lang ako nang bigla itong tumili at para bang kinikilig.
"Hoy, gurl! Ano nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba?" Nakakagulat ba naman.
"He's so handsome, so yummy!" Ang landi!
Tiningnan ko naman kung sino ang tinuro niya, at laking gulat na nandito ito. In short, our prof earlier. He's in the gym. Halos patayin na ako sa pagkakasakal sa sobrang kilig. May hampas pa na nakakaabot impyerno.
Matapos doon, ay bumalik na din kami! Nagsimula na din ang class namin.
Natapos na ang buong class namin, at medyo matamlay si Inday. Kasi, sino ba namang hindi sa dami at tambak-tambak na problema? Dumagdag pa ang pagka-drama nitong baklang 'to.
Nang nakauwi, nadatnan ko na naman ang artista kong Tiya. Nag-drama na naman kasi.
"Tiya!" Sumakit na naman ulo ko.
"Alliesha! You're already home!" Hindi pa, Tiya.
"No, Tiya, kaluluwa ko lang 'to!" Ano na naman kaya pumasok sa isip niya?
"Okay, come here, I cook the best dinner for us." Buti naman.
Ngunit umatras sikmura ko nang naamoy ko ang niluto niya. Mangga na may maraming suka, sobrang asin. Mas lalo lang atang nangasim ang mukha ko nito.
"Look! Is this wonderful, wait, taste it!" Naku naman.
Para akong dinala pabalik sa sinapupunan ng mama ko sa sobrang jusko, 'di ko ma-explain kung anong lasa.
Nagmamadali na lang akong umakyat. Ayoko na talagang tikman ulit 'yun.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
