Alliesha (POV)
Maaga akong nakauwi kahapon, at sa buong maghapon, parang invisible si Ashton myloves sa paningin ko. Hindi naman ibig sabihin no'n na nawala na ang butterflies sa tiyan ko kapag nakikita ko siya. Sadyang na-excite lang ako dahil maaga kaming nakalaya mula sa kulungan este, eskwelahan.
Pero 'yun nga, habang naglilinis ako ng classroom na parang dinaanan ng buhawi, hindi ko talaga napansin si Ashton myloves. Siguro busy siya sa pagtatago o baka naman nag-invisible cloak din siya.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Mark na abalang-abala sa pagluluto ng bigas. Alangan naman kahoy diba?. Mukhang masipag ang kapatid ko ngayon, himala!
Nagmamadali akong magbihis at nagpaalam sa kanya na pupuntahan ko si Mama para tumulong sa pagtitinda. Baka sakaling mas maraming benta kapag may magandang saleslady.
"Oh anak! Andiyan ka pala? Ba't ang aga mo ata ngayon? May shooting ka ba ng commercial?" tanong ni Mama na may halong biro. Of course, hindi kompleto ang pamilya pag walang biro.
"May meeting kasi ang mga teacher sa school, Ma, kaya maaga kaming nakauwi. Parang bigla silang nag-panic button," paliwanag ko.
"Oh siya segi! Halika, tamang-tama, kailangan ko ng katulong dito dahil marami-rami rin ang kustomer natin. Siguro nahahawa na sa ganda ko," sabi ni Mama na nagpapatawa.
"Mga suki! Bili na kayo! Sobrang fresh pa ng mga ito! Fresh kagaya ko!" sigaw ko na parang professional barker. Pero tinawanan lang ako ni Mama. Mukhang hindi niya masyadong na-appreciate ang aking sales talk.
"Ma, ampangit mo tumawa! Para kang kinakagat ng bubuyog," biro ko.
"Ikaw talagang bata ka! Segi na't bilisan mo na, ang dami nang kustomer dahil sa kalokohan mo," utos ni Mama.
"Oh, Alliesha! Magkano ang kilo ng Galunggong?" Si Adeline pala, ang aming suki na mahilig tumawad.
"Naku, mura lang 'yan, 'te! Tig-160 ang kilo! Ano, bibili ka ba, Adeline? Baka maubusan ka pa ng beauty ko," sagot ni Mama na nagbibiro rin.
"Ikaw talaga, Alliesha, masyadong mapagbiro! Segi na, bibili ako. Bali, dalawang kilo," sabi ni Adeline na napapailing na lang.
Dali-dali ko namang inilagay sa cellophane ang mga isda sabay timbang nito. At sakto namang dalawang kilo, kaya inabot ko na ito kay Adeline.
"Ayan na, Miss Adeline beautiful!" bati ko.
"Thank you, Miss beautiful!" sagot niya.
"Balik din po minsan-minsan! Para makita niyo ulit ang shining, shimmering, splendid kong beauty," sabi ko.
At dumating na naman ang isa pang customer! Grabe talaga ang lakas ng charm ko. Parang magnet sa mga mamimili.
"Pabili nang isang kilo ng bangus, Alliesha?" tanong ng isa pang suki.
"Segi po!" masigla kong sagot.
"Iyan na, Miss Angel gorgeous!" bati ko ulit.
"Salamat, Alliesha! Kahit kailan, hindi ka talaga nagbabago, bolera ka pa rin!" sabi ni Miss Angel na natatawa.
"Syempre, para marami tayong mamimili! Alam mo na, mahirap ang benta ngayon, kaya't dapat marunong tayong dumiskarte ng tao. Kailangan nating maging creative sa pagbebenta, parang paghahanap ng jowa," paliwanag ko.
"Segi, Alliesha! Alis na ako, ah!" paalam ni Miss Angel.
"Segi, Angel! Babye!" paalam ko rin.
Hindi nagtagal ay naubos na rin ang paninda namin. Dali-dali naming tinapos ang mga gawain, at pagkatapos ay umuwi na rin kami. Naabutan namin si Papa at Mark na naglalaro ng badminton sa bakuran. Pawis na pawis sila pero halatang nag-e-enjoy. Parang mga bata lang.
Masaya naman silang panoorin, ngunit hindi ko inakala ang sinabi ni Papa nang makita kami.
"Oh, andiyan na pala ang dalawa kong pinalangga!" sabi ni Papa na nakangiti. Kinilig tuloy si Mother Earth, pati na rin ako. Ang sweet talaga ng parents ko, parang teleserye.
"Ma! Mano po!" sabay naming bati ni Mark.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nila itinitigil ang pagpapakita kung gaano kahalaga ang pagmamahalan sa isang pamilya. Parang sila ang ambassador ng Sweet Family Goals.
Matapos ang masayang pagsasama-sama sa labas, naisipan na rin naming pumasok sa bahay at maghapunan. Masaya kaming naghapunan, punong-puno ng kwentuhan at tawanan. Pagkatapos no'n ay sabay-sabay na kaming nagpahinga.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Kahapon, parang normal lang ang lahat. Pero ngayon, parang may kakaiba.
Abnormal ba naman kasi itong si bruha kong best friend? Ginawa ba naman akong kriminal kahapon, nanghihingi pa ng tips kung paano daw pumatay nang malalanding higad. Kaloka!
Maaga akong nagising, at pagkatapos kong magawa at maihanda ang lahat ng aking gagawin para sa araw na ito, nagmamadali naman akong pumunta sa school. Hindi ko alam, basta mas excited akong makita si myloves ngayon, as always naman pero kakaiba ngayon!
Siguro dahil hindi ko siya masyadong pinansin kahapon? Buti na lang at naabutan ko ang beshhhh ko na naglalakad sa hallway na parang zombie na hindi pa nakakapagkape.
"Hey beshhhh!" bati ko na parang cheerleader.
"Sandali! Hintayin mo ako! Para akong tumatakbo sa isang marathon," hingal niyang sabi.
Nagmamadali naman akong lumapit sa kanya. Malapit na rin kami sa classroom, kaya't nagmamadali na rin kami. Baka maunahan pa kami ng mga teacher na parang mga warden sa bilangguan ng estudyante.
Dumating kami sa classroom, at agad kong nakita si Ashton myloves, kaya't napangiti ako nang napakalawak. Parang nanalo ako sa lotto na ang premyo ay ang makita siya. Tumingin naman ito sa akin, kaya't mas lalong lumapad ang ngiti ko. Parang abot tenga na.
"Hey Ashton!" bati ko na parang anghel na bumababa sa langit. No response! Parang bato pa rin.
"Ano kaya ang pwede kong gawin para mapansin ako nito? Baka kailangan ko nang magsayaw ng 'Tala' sa harap niya?" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang sumanib sa akin para gawin ang bagay na hindi dapat. Sana na lang lamunin ako ng lupa sa kakapalan ng mukha ko.
Kasalukuyan akong nakatingin sa kanya ngayon, akala ko kasi ano na... baka tumingin din siya. Pero wala pa rin! Parang invisible pa rin ako sa paningin niya.
Hay, Ashton myloves, kailan mo ba ako mapapansin?
Baka kailangan ko nang magsuot ng neon na damit na may malaking arrow na nakaturo sa akin.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
