Ellyse (POV)
"I want to see my son being in love, I'm so excited and by the way, is she Ashton's..." hindi na natapos ni Tita ang kanyang tanong dahil biglang sumulpot si Tito na parang kabute.
"Hey Honey!" bati ni Tito kay Tita sabay kindat sa akin. Nakalimutan yata nilang may third wheel sa eksena.
"How's your day, my love?" tanong ni Tito kay Tita na parang bagong kasal pa rin.
"I'm doing good, Honey! How's our grumpy son?" sagot ni Tita.
"He's in good hands now! Thanks to our future daughter-in-law," sabi ni Tito sabay tingin kay Tita na may malawak na ngiti.
"In this early stage?" gulat na tanong ni Tito.
"Yes! It's none other than Alliesha! Ang babaeng nagpapatibok ng bato niyang puso," sagot ni Tita na parang proud na proud.
"Alliesha? Who's Alliesha? Bagong flavor ba 'yan ng ice cream?" naguguluhang tanong ni Tito.
"Alliesha is my best friend," paliwanag ko kay Tito. Grabe si Tito, ginawang ice cream flavor ang best friend kong bruha, jusko!
"Come on, magbihis ka na muna doon, then we'll talk about it nang masinsinan," yaya ni Tita kay Tito.
And guess what? Hinalikan ni Tito si Tita sa noo! Gosh! Nakalimutan ba talaga nilang may single na naghihintay ng forever dito? Parang nananadya!
"Okay! Now go! Before I start feeling bitter!" biro ni Tita kay Tito.
Nakita naman namin si Alliesha na pababa sa hagdan habang malawak ang ngiti! Grabe talaga 'tong bruhang 'to! Para siyang nanalo sa lotto na ang premyo ay makita si Ashton.
Dumiretso ito sa kusina, at napagkasunduan na rin namin ni Tita na magtulungan kami sa pagluluto para sa aming dinner. Binigyan din daw niya ng rest time muna ang mga maid.
Siguro naawa sa kanila dahil sa kasungitan ni Ashton.
Sumunod naman ako sa kanya sa kusina. Namiss ko tuloy 'yung dating ganito, yung tipong magluluto kami ng putik-putikan at magtitinda ng dahon.
Alliesha (POV)
Nandito ako ngayon sa kusina habang malawak pa rin ang ngisi ko! Actually, 'di ko alam kung saan 'tong kusinang 'to. Basta napadpad na lang ako rito na parang ibinagsak ng tadhana.
Naalimpungatan naman ako nang may nagsalita sa likod ko.
"Hey, Hija! Are you Okay? Para kang nakakita ng multo na nagluluto," tanong ni Tito na nakangiti.
"Yes po! Medyo nagulat lang ako sa ganda dito. Parang nasa isang cooking show ako," sagot ko.
"Silly girl! Tulungan mo na lang kami na maghanda para sa ating dinner mamaya. Para mas mabilis tayong makakain at makapagkwentuhan," yaya ni Tita.
Ngumiti naman ako tsaka tumango. Matapos kami sa ginagawa, ang siya ring pagbaba ng Dad ni Ashton, feel ko lang magkamukha kase kaya ayun Dad seguro yan ni Ashton my loves.
"Hija! Puntahan mo muna si Ashton sa silid niya para sabay-sabay tayong kumain. Baka lumamig pa 'yung niluto niyo," sabi ni Tita.
Medyo naiilang pa ako dahil sa titig ng Dad ni Ashton. Parang sinusuri niya ang bawat galaw ko. Pero hindi ko na lang ipinahalata at mabilis na umalis para gisingin si Ashton myloves. Baka gutom na rin 'yun at naghihintay ng pagkain.
Nang dumating ako sa silid niya, dahan-dahan akong pumasok na parang magnanakaw. "Tok! Tok! Tok! Open the door, my love!" Sa isip ko lang 'yun! Bakit ba? Assuming ako eh!
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
