Alliesha (POV)
Sa mga nakalipas na buwan, nasanay na din ako. Medyo nahihirapan pa ako dahil palagi ko silang makakasalamuha.
Hindi ko na rin pinapansin ang mga issue na gawa-gawa ni Celestia. Hindi ko alam kung sila ba talaga, pero usap-usapan noon na naging sila ni Asthon at kumalat din ang balita na malapit na silang ikasal.
Wala na akong pake doon! Oo, at masakit para sa akin. Pero hinayaan ko na lang, kesa naman iiyak ako gabi-gabi para lang sa walang kuwentang dahilan. Mas gugustuhin ko pang matulog at mangarap ng pizza kaysa umiyak.
Sa mga panahong 'yon, natutunan ko na ring tanggapin ang kung anong meron ako. Pero laking pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng pamilyang masasandalan sa hirap at sakit.
Sila rin ang naging dahilan kung bakit naging madali sa akin ang magpatuloy. Sa ngayon, narito ako hindi para sa mga taong 'yon, dahil sa araw na ito, ang masaya ngunit may halong kalungkutan. Ang hinihintay ng bawat isa, ang tulay para makapagtapos sa kursong pinapangarap.
Ang pinakamasayang araw at huling araw para sa paaralang ito. Kinuha ko na rin ang kailangan ko para sa pag-aaral ko sa America.
"Congratulations, anak! Sa wakas, nakaya mo rin!" Masiglang linya ni Mama.
"Congratulations, anak! Proud na proud kami sa 'yo!" Sabat naman din ni Papa.
"Ate, congratulations! Sana naman may handa!" Palibhasa hindi pinansin ng crush niya kaya ayan, gutom na naman.
"Puntahan mo na lang kaya ang crush mo at mag-confess ka!" Matapang kaya 'to? Baka mag-panic attack sa kaba.
"Wala pa naman akong crush, Ate, at saka ayokong matulad sa 'yo." Ay, natuto ang loko! Parang biglang nagkaroon ng life lesson.
Nang matapos ang graduation, umuwi na rin kami. May konting handaan naman dito sa bahay. Invited lahat ng mga kapitbahay namin, pati siguro ang mga pusa at aso sa kanto.
"Congratulations, Ate!" Bati ni Cyrene, ang aking sister-in-law-to-be.
"Salamat, Cyrene. Halika, dito tayo sa loob. Nandoon si Mark," sabi ko, may kasamang mala-demonyong ngiti. Tingnan natin, Mark, kung saan ka lulugar.
Actually, ito naman talaga si Cyrene ang crush ni Mark. Ang kaso lang, panay deny itong magaling kong kapatid. Pero feel ko lang naman, malay natin, 'di ba? Baka may love story rin sila.
"Sige na, Ate, hanapin ko na lang doon si Mark!" Oh, 'di ba? Ano sabi ko? Parang mind reader ako.
"Sige, hanapin mo na baka umiyak na 'yun," pang-aasar ko. Tumawa naman ito saka lumapit kay Mark.
Naalala ko pa 'yung pinagchismisan nila si Cyrene na buntis daw. Eh wala nga akong nakitang kahina-hinala. Mga Marites nga naman, mahilig mag-imbento ng storyline.
Naging maayos naman ang aming munting salo-salo. Halos lahat ay naging masaya, liban sa akin. Oo, maliban sa akin. Kahit sa ngayon, nasasaktan pa rin ako at umaasa pa rin na puntahan niya ako.
Hindi ko siya nakita sa graduation namin. Halos sa mga nakaraang buwan, palagi niyang kasama si Celestia, Ziron, at Ellyse. Parang sila lang ang magkakaibigan dati.
Parang hindi ako nag-e-exist sa mundo nila. Minsan, magkasalubong kami, pero hindi lang din nila ako binigyang-pansin.
Naging masaya naman ako at mas naging agresibo sa lahat ng bagay, lalo na sa paligid. Malay natin, may mga plastic na tao na pilit magpakatotoo para lang manlinlang ng kapwa.
"Alliesha, anak! Ba't nandiyan ka pa? Iniisip mo pa rin ba siya?" Bungad ni Papa.
"Sa katunayan pa, umaasa pa rin ako." Ewan ko ba?
"Mas lalo ka lang masasaktan niyan." Si Papa talaga, concern.
"Pa, nasaktan na ako noon. Isang beses lang, pero grabe ang dulot." Sobrang sakit.
Totoong naging kampante na ako, pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan at malungkot dahil sa mga pangyayaring iyon.
"Hayaan mo, anak! Balang araw, makakalimutan mo rin siya at baka pagdating mo sa America, doon mo makikita ang tunay na para sa 'yo!" Sana nga, pero...
"Ayoko na, Pa. Study lang muna." Parang gusto ko munang maging good student muna.
"Proud na proud kami sa 'yo, anak!" Ako rin, Pa.
"What's up, mga kababayan? Tama nang chikahan, handa na ang hapagkainan!" Si dakilang epal, si Mark.
Pagkadating namin sa kusina, naabutan ko si Mama doon. Wala na din ang mga bisita! Of course, ngayon lang kami kumain dahil nag-e-entertain kami ng bisita kanina.
"Salamat naman at nandito na kayo!" Sabay upo naming lahat.
"Ma! Ba't walang Chicken Joy?" Umiral na naman pagka-OA nito.
"Malamang, wala tayo no'n!" Asaran na naman.
"Biro lang naman 'yun, Ate!" Yan na nga ba ang sinasabi ko.
"Alam ko." Sabay irap.
"Magsitigil na kayo at kumain na!" Ayan, kainan na!
Nagsimula na rin kaming kumain, at pagkatapos ay ako 'yung naghuhugas. Karamay ko si Mark na nakasimangot. Ayaw maghugas.
Nagpahinga na din kami, at ako ngayon ay nandito sa silid ko habang tahimik na nag-iisip. Iniisip ko lang naman ang mga katangahan ko sa mga nagdaang buwan.
Dahil sa kakaisip, hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong hinihila ng antok. Nakatulog ako nang diretso, hindi kagaya noong mga nakaraang buwan na halos hindi ako makatulog dahil sa pag-iyak ko.
Sobrang tanga ko lang naman sa part na 'yun, 'di ba, guys? Pero at least, iniyakan. Bahala na si Darna sa akin papuntang America.
Magiging maganda rin ang future ko, mga ka-bruha! Wews, miss ko na ang bruha kong kaibigan, pero miss lang naman 'yun.
At sana, sa pagbabalik ko dito, makakalimutan ko na siya. Pero kung hindi, pilitin ko. Basic.
Kung sana hindi niya pinaniwalaan ang bruhang Celestia na 'yon. Pero wala eh! Ginawa pa rin niya. Pero doon lang din naman mas nasaktan nang simula sa araw na nakita ako ni Asthon kasama si Celestia.
Mismo si Ziron ay parang bulag. Pareho lang sila ni Ellyse na para bang hindi ako nag-e-exist sa mundo nila. Ewan ko ba kung bakit hindi man lang nila inalam ang totoo.
Mahal ko pa naman si Asthon, pero hanggang doon na lang 'yun. Hindi ko man aminin sa lahat, pero nanatili pa rin sa puso ko si Asthon.
For me, siya ang pinakamasayang kasama kahit na sa mga nangyayari. But for now?
I want to pursue my studies first. Saka na lang maghahanap ng mala-fictional ang dating na lalaki na may eight-pack abs, muscular, at super duper hot plus yummy!
Ay, ang layo na pala ng imagination ko.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
