Alliesha (POV)
Nagising ako ng 4 PM sa hapon, nagtulug-tulugan muna ako bago ako tuluyang bumangon. Kakatapos ko lang mag-half bath nang may kumatok sa pinto ko.
Lumabas ako galing sa CR para harapin ito.
"Mark? Bakit masama na naman ang timpla ng mukha mo?" Ano naman kaya nangyari ngayong araw? Parang may mood swing na sumakay sa kapatid ko.
"May bwisita ka, Ate," jusko naman.
"Bababa na lang ako pagkatapos kong magbihis." Tumakbo naman ito saka ko sinarado ang pinto.
Matapos kong magbihis, bumaba na din ako. Nagulat pa ako nang makitang nandito ang mga magulang ni Asthon.
"Alliesha!" Ka-miss sila, No! Relax self, behave!
"Alliesha! Kailangan niyong mag-usap," mag-usap?
"Pa? Anong pag-uusapan?" Naguguluhan ako.
"Kailangan mong makinig sa kung anong sasabihin niya, masisigurado kong magkakaintindihan kayo," malamang pareho kami ng lenggwahe.
"Kailangan ko pa po palang magpahinga," dali-dali akong bumalik sa silid habang hawak-hawak ang bandang dibdib ko.
Hindi na muna sa ngayon. Kailangan ko munang paghandaan kung ano man ang malalaman ko sa pagkakataong ito.
-
Naging busy na rin ako sa pagbisita sa mga negosyo ko, dahilan para bahagya kong makalimutan ang engkuwentro noong isang araw.
Nandito ako ngayon sa loob ng aking opisina. Lumago nang lumago ang negosyo ko, thanks to my parents. Masaya akong nakikitang umaangat na kami sa buhay.
Lalo na si Mark! He was now a successful Engineer, nakapasa siya sa tulong ng Maykapal. Akala ko pa noon, si Cyrene ang nobya niya, magkaibigan lang pala sila.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng ilang documents nang tawagan ako ng assistant ko.
"What is it?" Agarang tanong ko.
[Ma'am, someone wants to talk to you.] Sino naman? Wala naman akong appointment ngayon ng mga kasosyo ko sa business.
"Who is it?" Baka si Mark lang, o 'di kaya si Tanyo!
[He said that you already know him.] Him? Baka si Tanyo.
"Okay, let him in." Ano naman kaya kailangan nito?
Maya-maya lang, may kumatok sa pinto, hudyat na nandito na ang kung sino man 'yung taong 'yun.
"Hija!" What was happening on earth?
"What can I do, Mr. and Ms. Saavedra?" My gosh!
"Hija! We're here to explain to you." Ito na naman, sabi nang ayoko muna.
Hindi na ako nagsalita pa at saka nagmamadaling umalis. Bahala na kung anong isipin nila. Kailangan ko munang kumalma. Ayokong mabuhay muli ang galit na namuo sa puso ko. Nakausad na ako, kaya dapat ready na ako.
Umuwi na lang ako para ipahinga ang utak ko. Nadatnan ko sila Mama at Papa sa sala, nag-uusap. Medyo na-curious ako kaya lumapit ako sa kanila.
"Ma! Ano ba pinag-usapan niyo?" Medyo nagulat pa sila.
"Ahh, pinag-usapan lang namin, Anak, ang magiging selebrasyon mo, Anak. Malapit na Birthday mo, ah!" Oo nga pala, malapit na birthday ko.
"Alam kasi namin na makakalimutan mo 'yun, kaya nag-usap na lang kami!" Ay, ang sweet! Parang pre-planned surprise.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
