Chapter 30

239 11 0
                                        

Alliesha (POV)

Years had passed, at nandito kami ngayon sa airport, naghihintay sa epal kong kapatid. Hindi nagtagal at nakita naman din naman itong bumaba. Ang loko, nakasimangot pa.

"Ate! I miss you so much! How are you now?" Loko talaga.

"Okay pa sa alright. Sila Mama at Papa?" Nagtaka naman itong nakatingin sa akin.

"Kala ko pa naman hindi ka na marunong mag-Tagalog, sayang lang pala ang pag-English ko, che!" Luh, sinabi ko ba?

"Are you ready na ba?" Of course, ready 'yan. Mas ready pa yata 'yan kaysa sa akin.

"Yes, po, ready'ng ready!" Sagot niya, may kasamang salute.

Pagkatapos noon, umuwi na din kami. Medyo malayo ang byahe namin dahil 'yung bahay nila Tiya ay malapit lang sa may bundok. Malayo sa maraming building dahil takot kasi si Tiya.

"Wow!! Ito ba bahay niyo, Tiya?" Manghang-mangha ang loko.

"Hindi, Mark, walang bahay si Tiya," sabi ko, sabay irap.

"Tumigil na kayo, Alliesha, puntahan mo na muna si Zack!" Babantayan ko na naman ang chanak na 'yun.

"Opo, Tiya," sagot ko. Sasakalin ko 'yun pag hindi naging mabait.

Mabuti na lang at nadatnan ko itong tulog. Dahil kung hindi, mananakit na naman ang tainga ko sa lakas ng iyak 'nun.

Makalipas ang ilang buwan and as usual, maaga akong nagising. Nagsaing na din ako. Pagkatapos ay naligo. Sabay na din pala kaming kumain.

Nandito na kami ngayon sa University na pinapasukan ko.

"Ate! Ang daming chick's! Magkakasala ata ako nito sa bebe ko!" Bebe? Parang playboy na biglang naging loyal.

"Kayo na ni Cyrene, 'no?" Sabi ko na nga ba.

"Hindi, Ate, pero nagpaalam naman ako kina Mama at Papa, tapos sa Papa na rin ni Cyrene na—" Sabi ko na nga ba.

"Ayan, inamin mo na rin!" Sa wakas.

"Luhh, si Ate hindi ako pinatapos! Siyempre, nagpaalam ako na kaibiganin siya! Mali ang iniisip mo, Ate!" Mali ba?

"Torpe!" Che!

"Ate! Alis na ako, bye!" Buti naman.

Nang makarating ako sa classroom namin, nadatnan ko naman ang bakla kong kaibigan na stress na stress.

"Hey, gurl! You're here! Where ba you kahapon?" baduy!

"Asim ng accent mo." Binabae nga naman.

"Okay, but gurl, don't you know na wala na tayong handsome prof na magpapatino satin?" Buti naman.

All day had passed, at natapos na din ang buong klase. I was super exhausted, but nawala naman 'yun nang makauwi ako at nakita ang nadatnan ko.

Wala namang iba kundi si Mark na tumatawa habang nakatingin sa cellphone niya. Kaya ayun, nadapa, sa tae pa ng baka.

"Pwee! Ang malas nga naman!" Kaka-cellphone mo 'yan.

"HAHAHAHA!" Deserve!

"Tsk!" Sungit!

"Ang masasabi ko lang is deserve!" Nainis naman ang loko at binato ako ng dahon.

Pumasok na din ako sa silid ko, at ngayon ay nagluluto ako. Buti na lang at hindi na ako busy, medyo lang.

"Alliesha, ako na diyan!" Ito si Tiya, ang hilig talaga manggulat.

"Diyos ko naman, Tiya, muntik na akong atakihin sa puso!" Jusko!

"Silly girl! Of course, hindi mo ako mapapansin dahil kanina ka pa nakatulala diyan. Ano bang iniisip mo at ganoon kalalim, ha?" Kanina pa pala si Tiya rito.

"Wala naman, Tiya," sagot ko. Pagod lang.

"Asus! Baka may crush ka na, ah!" Crush daw.

"No, never in my life again!" Ayoko na.

"Okay, bilisan mo na lang diyan at para makakain na tayo," saad niya sabay talikod sa akin.

"Yes, ma'am!" Buti naman at umalis na.

Tumatawa naman itong naglakad pabalik sa silid niya. Tinapos ko na lang ang niluto ko saka hinanda. Tinawag ko na din sila, at pagkatapos ay sabay na kaming kumain.

Nang matapos, naghugas na din si Mark. Ito kasi ang nagre-presenta na maghugas ng pinggan. Buti na lang din, dahil medyo pagod ako.

Nang makarating sa silid ko, nag-review muna ako. May long quiz kami bukas sa dalawang subject. Hindi naman mahirap dahil kagaya ng pangako ko noon kay Papa sa panahon na nanligaw sa akin si Asthon, uunahin ko ang pag-aaral ko.

Nakatulala lang ako nang biglang uminit ang gilid ng aking mga mata. Kahit kailan talaga, ang dali kong umiyak, lalo na sa pangyayaring iyon. Paano kaya kung hindi nangyari 'yun? Maging masaya pa kaya kami?

Naisipan ko naman na mag-Facebook tutal tapos na din naman ako mag-review. I was just having fun scrolling when a post caught my attention. It was Asthon and Celestia. They're smiling like they were the best couple ever.

Nasa caption din nito na ikakasal na sila. It's past a year na ang post, at sigurado akong kasal na ang mga ito. Hanggang doon lang talaga ang kuwento namin. Hindi ko naman din ipagkakaila na miss ko pa siya, pati ang bruhang patay-gutom. Kaso lang, wala na.

Bakit ba ang hirap mong kalimutan, Asthon? Mahal pa kitang hayop ka. Sana maayos pa kayo, at sana kapag nagkita tayong muli, may closure na.

Aayusin ko na lang ang buhay ko, saka tuluyang tanggapin na wala na talaga tayo. Sana balang araw, makakalimutan ko na din nang tuluyan kung ano ang meron tayo noon.

For me, siya ang pinakamasayang kasama kahit na sa mga nangyayari. But for now?

Mala-fictional ang dating na lalaki na may eight-pack abs, muscular, at super duper hot plus yummy na muna ang i-imagine ko, yan lang afford ko eh!

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon