Chapter 1

1.5K 27 2
                                        

Alliesha (POV)

"Are you done staring at me, woman?" isang malalim na boses ang narinig ko, na may bahid ng pagkainip.

Okay, scratch that. Hindi anghel, isang greek god. Isang napaka-masungit na greek god. Wait! Totoo ba ito? Ang swerte naman ng araw ko este pangit pala.

Teka! Anong sabi niya? Woman? Excuse me, Mr. Whoever-You-Are!

"Miss, I don't have time left, so pick up my books on the floor," Patuloy niya.

Pansin ko lang medyo may pagkatanga to, Siya na nga itong bumangga siya pa may ganang magalit. Aba't! Ang lakas ng loob! Sino siya sa akala niya?

"Abay! Tanga ka rin ano? Bakit kita susundin? Ikaw 'tong bumangga sa akin!" medyo nainis na ako sa kaniya rito pero ang gwapo parin ay joke!

"You're the one who's blocking the way and bumped into me, so pick it up now," giit niya habang while his jaw tightened, pa dagdag sa kaniyang ka gwapuhan ay joke Charot!

Ugh! Jusko, huli na ako sa klase. Pero dahil sa kayabangan nito nakabuo ako ng magandang ideya na sure akong magugustuhan niya.

"Oh! Eto na, nang matapos na 'to," matamis kong sabi habang pinulot ko ang mga nahulog niyang libro. Akmang aabutin niya iyon ng mabilis kong ibinagsak saka kumaripas ng takbo.

Bahala na siya sa buhay niya.

Sa wakas ay nakarating narin ko, kinapos pa ako ng hangin sa sobrang layo nang tinakbo ko. Umupo naman din ako sa tabi ng bruha na ngayon ay umakto na arang hindi ako iniwan.

"Hoy, Alliesha! Bruha ka! Bakit ang tagal mo?" saad niya sa sandaling umopo na ako.

"Eh, pano ba naman kasi, iniwan mo akong nakatulala, minalas tuloy ako!" sagot ko habang nagngingitngit sa galit.

Humagalpak lang ng tawa ang gaga.

"You and your katangahan! Anong nangyari this time? Nakita mo na ba sa wakas ang prince charming mo?" Nang-iinis na naman ang bruha.

"Wag ka ngang tumawa! Pinipilan ko pa ang galit ko. Baka makalbo kita!" Sagot ko.

At ilang sandali pa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na pigura. Siya iyon, yug bumangga sakin sa hallway. Dire-diretso lang itong pumasok at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Halos malaglag ang panga ko, ngayon ko lang na realize ang gwapo niya talaga.

Tumahimik naman ang lahat nang sa wakas dumating ang aming guro. Sana walang quiz. Please, Lord, have mercy!

Pero love seguro ako ng tadhana dahil 'introduce yourself lang naman', pero yung isip ko hindi parin maka move on sa nangyari kaya ang ending hindi ko namalayan na ako na pala. Buti na lang kinurot ako nang bruha.

"Hoy, bruha ka! Imagine pa more, ikaw na magpakilala sa harap" bulong nito sakin.

Mabilis naman akong tumayo saka naglakad papunta sa harap, medyo namula pa ang pisngi ko sa hiya.

"Hello everyone! My name is Alliesha Lae Mendoza, and I'm 18 years old. Hindi ko na pahabain magkakilala naman tayo lahat" Nagtawanan naman ang mga kaklase ko, of course! Magkakilala naman talaga kami, nakalimutan ko lang nung nabangga ko yung isa kanina kase introvert yun eh!

As always, walang pake at may sariling mundo si pareng bumangga sakin.

Hanggang sa siya na ang magpakilala. Hinintay ko talaga itong moment nato.

"Good morning. I'm Asthon Luke Saavedra," Sabi niya sakaniyang malalim na boses. Yun lang? Pangalan tapos wala na, seryoso ba siya?

Nakangiti akong nakinig buong maghapon! Paano ba naman kasi may katabi akong anghel. Hayst! Mukhang uuwi akong walang ibang ginawa kundi silipin itong katabi kong mala-anghel.

Hanggang sa mag recess time patuloy parin ako sa pagsulyap sa kaniya every seconds, at dahil crush ko na siya my loves na itawag ko sa kaniya. Ang gwapo talaga nang myloves ko.

"Alliesha, bruha ka! Tara sa canteen," pagyaya sakin ni bruha, sabay hila sa braso ko.

Feeling ko kasi hindi lang naman recess ang sadya nito kundi mga jupapies na hot.

Dumating kami sa canteen, and guess what? Nandoon din si Asthon, my loves, kasama yung isang jupapiey. Ay, wait, sino naman kaya yun?

Mabilis naman kaming naghanap ng mauupuan matapos bumili ng snacks itong maganda kong kaibigan. Syempre pinili ko yung upuan na malapit sa myloves ko.

Pa sulyap sulyap lang ako sa my loves ko, mahirap na baka tangayin ng kung sino.

Habag nakatingin ako sa kaniya, nakita ko si Celestia at ang mga alipores niya n dumiretso sa table ni Ashton.

"Hi, Asthon," saad nito sa malanding boses na nagpapadagdag nang inis sa akin.

"What?" sagot nito na balewala lang. Lumapit ako nang kunti para marinig ko, of course! Marites me here.

"I miss you," sagot nito, wow te! Ako na nahiya sayo.

Nakita kong may ibinulong sa kaniya ang kasama ni Ashton dahilan para mas lalong dumilim ang ekspresyon nito. Good! He's annoyed too!

"What are you doing here, Celestia?" kabahan kana te! Di ka bet ni my loves ko.

"Hoy, bruha ka! Bakit ang sama ng timpla nang mukha mo, nilibre naman kita ah!" sabi nang bruha na nagpatigil sa akin sa pakikinig.

"Eh, pano ba naman kasi, nilalandi my loves ko!" Pagmamaktol ko, nakatutok parin ang mga mata ko sa kanila.

"Hoy! Lokong babae ka! Kailan kapa naagkaroo ng my loves ha?" Grabe di man lang concern.

Bumuntong hininga ako saka bumalik sa pagkain, medyo nabawasan ang gana ko kahit libre, kapal ng mukha.

"Just like I said, Asthon, I miss you," pagpaapatuloy ni Celestia na mas lalong nagpakulo nang duo ko.

Tinitigan ko na lang ito ng masama ng tahimik.

"Until when will you keep bothering me, Celestia? I'm so sick of your presence." Saad naman ni Ashton, puno ng iritasyon ang kaniyang boses. Ayan! Deserve! Trying to steal my myloves, huh?

Pagkatapos namin ay mabilis kaming bumalik sa classroom namin.

Hindi ko na matandaan anong ginawa ko o nakikinig ba ako basta ang alam ko lang ginugol ko ang oras ko kakasulyap dito sa katabi ko.

Hanggang sa dismissal time, nananatiling sa kaniya ang atensyon ko.

"Hoy! Bruha, mauna na ako!" tawag nang bruha sakin, sinundo na kse ito.

"Sige! Go na, shoo!" Kinawayan ko lang ito hanggang sa makalayo saka ko naisipang umuwi.

Kay gandang araw, kung na encounter ko seguro siya nuon pa man seguro always maganda ang araw ko. Ashton Luke Saavedra, tingin ko gusto na kita kahit bago pa lang kitang nakilala.

 Palibhasa introvert style, libro palagi ang kasama, pero sino kaya yung kasama niya kanina sa canteen. Bagay sila ni bruha, feel ko lang, gwapo naman yun kase pero mas gwapo ang myloves ko. 

Baliw na ata ako, makauwi na nga.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon