Alliesha (POV)
Halos pinagpiyestahan na ako ng mga lamok sa kakahintay sa baklang babae. Ewan ko kung nasaan na 'yun. Halos magkalahating oras na akong naghihintay.
"Hey, gurl! Sorry, nasiraan kasi ako kaya ayun, pinaayos ko. Alangan namang maglakad ako?" Ang malas!
"Okay! Let's go na!" Gusto ko nang umalis bago pa ako maging hapunan ng mga lamok.
Nang makarating, dumiretso na rin kami papasok. Umorder naman ito ng alak, at hindi ko alam kung ano 'yun dahil hindi naman ako umiinom.
"Gurl! Ang sakit, grabe. He betrayed me, at pinamukha pa niya talaga na kiffy lang daw ang gusto niya, pero bakit niya ako jinowa?!" Nagsimula na namang mag-drama.
"Ba't mo kasi pinatulan?" Ayan tuloy.
"You're so rude, gurl!" OA din.
"Nope." Hindi ako rude, sadyang tanga lang siya.
"Okay! Tanggap ko na 'yan, pero paano na kaya sa result ng grades natin? Pasado ba kaya ako?!" Ano 'to, mixed topic?
"Basta't nangopya ka lang, at sakto lang din ang kinopya mo, goods na 'yun!" Matalino ako, siyempre.
Sa kakadrama niya, saka naman tumawag si Mark.
"Hey, Mark!" Ano na naman ang kailangan nito?
[What's up, Alling Alliesha!] What the?
"Ano kailangan mo?" Problema nito.
[Manghihingi sana ako ng load, Ate, kaso wala ka naman dito sa silid mo. Asan ka ba?] Sus, 'yun naman pala.
"Kumuha ka na lang ng pera sa bag, tsaka nandito ako ngayon sa bar, dinaluhan ang kaibigan kong brokenhearted." Bakit pa kasi nagjowa!
[Yung bakla? Akala ko walang papatol doon.] Wow naman.
"Bahala ka na sa buhay mo, Mark!" Kainis!
[Bye, Ate! Makakapag-video call na ako sa bebe ko nito!] Takte, at pinatayan pa ako ng tawag.
Bumalik na lang din ako sa loob at nadatnan ko ang bakla na may kausap na estranghero.
"Hey, gurl! Meet my new boyfriend! Justin McDougal." May bago na naman?
"Hey! Nice to meet you!" Mukhang adik.
"Me too." So far.
"Gurl, have some attitude, nasa harap ka ng boyfriend ko!" Ang sarap nilang isako.
Maya-maya lang, natahimik na din ito. Akala ko, okay na, ngunit natigilan ako nang makitang umiyak na naman ito.
"Akala ko ba move on ka na, kasi may bago ka na nga?" Ano na naman 'to?
"Look over there!" Tiningnan ko naman ang tinuro nito, at doon nakita ko ang sinasabi niyang boyfriend na may kahalikan.
"Kadiri ka, gurl, pumapatol ka sa womanizer na 'yan!" Yuck!
"Alam ko naman na wala akong laban sa kiffy, kasalanan ko ba kung may talong ako?!" Ewan ko na lang dito.
"Ewan ko sa 'yo, bilisan mo na lang diyan," para makapagpahinga na din ako.
"Why did my previous boyfriend treat me like that?" Simple as that, dahil bakla ka!
"They are so useless!" Like fck!*
"They only want my money. I can also make them happy, make them feel heaven, and pleasure them! How come they still want kiffy?!" Tang-inang bakla 'to, nakaka-stress sobra.
"I may not be that good at bed, gurl!" At talagang tinanong pa ako.
"Ewan ko!" Kibit-balikat kong tugon.
"Gurl! They hurt me so much, lalo na noong nakita ko ang boyfriend ko sa isang hotel, kalaplapan ang isang babae." Ano ba naman 'to?
"See? All of my boyfriend had an affair with so many girls." Kailan pa kaya 'to matatapos 'tong baklang 'to?
'Di nagtagal, tumigil na din ito. Buti na lang at medyo hindi siya natamaan nang ganoon kalala sa alak. Ako na lang din ang nag-drive pauwi sa amin. Ang kaso lang, hindi ko alam ang bahay nito, kaya pinahiga ko na lang siya ni Mark sa guest room.
"Tapos na, Ate. Ambigat naman niyan, parang higante!" Nanglait pa talaga.
"Kasing laki lang naman ng katawan mo ang katawan niya." Tsk!
Pumasok na lang din ako sa silid ko at nagpahinga. I hope na sana mahimasmasan na ang baklang 'yun bukas.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa lakas ng katok ng kung sino sa labas. Kala mo naman, may sunog kung makakatok, kulang na lang tanggalin ang pinto.
"Ate! Bangon na!" 'Di man lang kumatok nang mahinahon.
"Tadyakan mo na lang kaya 'yung pinto, Mark, para okay na," ano ba kasing nangyari.
"Kanina pa kita ginigising kasi nagwawala 'yung bakla mong kaibigan!" What the?
Paglabas ko, nadatnan ko si Mark na naglalaro ng ML. Loko talaga.
"Asan siya?" Ano naman kaya nangyari doon?
"Nasa guest room pa rin, pero ni-lock ko para hindi makatakas!" Langya.
"Bakit mo ginawa 'yun?" Ang malas naman.
"Nagwawala, eh! Halos ma-rape na nga ako kakasabing 'My honey, huwag mo akong iwan!'" At ang loko, ginaya pa talaga ang bakla.
"Hindi naman ata ganoon 'yun!" Sabi ko at dali-daling pumunta sa guest room.
"My honey, why can't you love me?" Bumungad sa akin ang kadramahan nito, at ang malala pa, nakaluhod pa talaga siya!
"Ano bang ginagawa mong babae ka?!" Letche, ang kalat! Patay ako nito.
"Gurl, iniwan niya ako!" Tang-inang kiffy 'yan, ano ba kasi 'yan?
"Huminahon ka na, akala ko pa naman nahimasmasan ka na!" Kaloka.
"Gurl! 'Di na niya ako mahal!" Ewan ko na talaga.
"Ate, wala tayong pasok ngayon. Free nang mag-drama 'yang kaibigan mo!" At ganoon lang, lumabas na ang loko.
"Huminahon ka kung ayaw mong umuwing lumipad na walang pakpak!" Kainis!
"Sorry na, gurl!" Iniwan ko na lang 'yun at bumalik sa silid ko.
Bababa na sana ako nang marinig ko ang iyak ni Zack. Halos nanlumo ang lahat sa akin dahil problema na naman. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang iyak ng chanak na ito.
Kinuha ko na lang ito at dinala sa baba, pero bago 'yun, ay nakasayaw pa ako ng budots para lang matuwa ang chanak. Sarap itapon!
Nang makababa ako, nakita ko si Bakla na nagkakape.
"Ang cute nang baby, anak mo, te?" Tang-inang bakla 'to.
"Kailan mo pa alam na may anak ako?" Takte!
"Ngayon lang naman!" At talagang sumagot pa.
"Anak ito ni Tiya." Jusko.
"Gaga ka, 'di mo man lang sinabi!"
"Ewan ko na nga sa inyo!"
"Ma'am, Sir! Kakain na po!"
Dali-dali namang naunang tumakbo si Bakla, patay-gutom nga naman. Naalala ko tuloy si Ellyse. Bwisit, ba't ba na-miss ko ang taong 'yun?
Pinainom ko ng gatas si baby chanak, este si Zack, at pagkatapos ay inilagay sa kandungan ko habang kumakain kami.
Natapos din naman ang lahat, at bumalik na din ako sa silid ni Zack, habang si Bakla ay nagpaalam na umuwi na, at si Mark naman ay bumalik sa silid niya.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
