Chapter 2

958 19 1
                                        

Alliesha (POV)

Hay salamat at natapos na rin ang buong araw! Sobrang saya ko pa dahil may bagong nagmamay-ari na naman ng puso ko. Ay, hindi pala! Crush ko pa lang pala.

Pero promise, level up na 'to! Ang gwapo kasi, sobra! Parang pinagpala ng lahat ng anghel sa langit. Daig pa ang nakalaglag panty... este, nakakabighani pala!

Pagkauwi ko sa bahay, dire-diretso na akong humiga sa kama at nagbihis. Syempre, hindi mawawala ang pag-stalk sa social media. Binuksan ko agad ang Facebook, umaasang makita ko ang account ng aking future love of my life.

At bingo! Ang bilis ko siyang nahanap. Ang problema lang, isang profile lang ang nakita ko, at naka-"only me" pa ang privacy settings. Ang daya naman ng tadhana! Parang sinasabi nitong, "Alliesha, girl, effort pa more!"

Sa sobrang pag-iisip ko kung paano ko siya mas mai-stalk, nakalimutan ko na ang oras. Buti na lang at may alarm clock akong kakaiba—ang aking nagmamahal na kapatid na may boses na parang sirang plaka.

"Ate! Baba na daw at maghapunan na tayo!" sigaw nito mula sa labas ng aking kwarto.

"Susunod na ako, sandali lang!" sagot ko, umaasang tatantanan na niya ako.

Pero siyempre, hindi niya ako pinakinggan. Narinig ko na lang ang mga yabag niya na papalayo. Dali-dali akong bumangon. Mahirap na, baka maubusan ako ng pagkain mamaya. Alam niyo na, gutom is real!

Masaya naman ang naging hapunan namin, kaso may dalawang epal na feeling bagets na panay ang sweet moments. Si Mama at Papa ko, akala mo teenagers na bagong ligawan.

Nagkasagutan pa kami ni Papa dahil sa sobrang kasweetan nila. Buti na lang at inawat kami ni Mama.

"Tama na 'yan! Para kayong mga bata!" saway ni Mama, na siyang pinaka-teenager sa aming lahat. Pa as if pa naman tong si mother earth.

Tumahimik na kami at nagsimulang kumain. Hindi ko na lang pinansin ang dalawang gurang na nagsubuan pa talaga ng kanin na may ulam. Ewww! (Pero sana ako din! Ako din, promise magpapakabait na ako in my whole life! Ayaw edi wag charot!)

Pagkatapos naming kumain, sabay-sabay na kaming nagpahinga. Ako naman, excited na para sa panibagong araw ng pang-iinis... este, pagpapapansin kay Asthon myloves.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Ang dahilan? Syempre, ang makita ang gwapong anghel na bumagsak 'o sadyang itinapon?Ah basta anyway let's proceeed' sa lupa dahil sa kakaibang taglay ng kasungitan.

Pagkarating ko sa classroom, halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko siyang naroon na. Yes! Panalo! Another day, Another Slay.

Pero siyempre, bago ako dumiretso sa aking upuan, kailangan ko munang dumaan sa make-up station ko—ang di kalayuang salamin sa hallway.

Kailangan kong siguraduhing presentable ako sa aking future boyfriend. Malay mo, ito na ang araw na mapapansin niya ang aking mala-diyosang kagandahan.

Pagkatapos kong mag-ayos konting pulbo lang naman at lip gloss, natural beauty 'to!, dumiretso na ako sa aking upuan at binati ang aking katabi ng may matamis na ngiti.

"Hi my—"

Awtss! Epic fail! Hindi ko pa natatapos ang aking napakagandang pagbati nang mabilis siyang tumayo at umalis sa kanyang upuan. Parang nakakita ng multo! O baka naman nabighani lang sa aking aura kaya nataranta? Hmm, mas gusto ko 'yung pangalawang option.

Wala na naman akong choice kundi sundan ang aking myloves. Tingnan lang natin kung hindi ka mahuhulog sa aking—saan naman kaya yun pupunta? Baka naghanap ng lugar para maka get over sa mala-diyosa kong kagandahan.

Nang sundan ko si myloves, dumiretso ito sa canteen. Kala ko maggeget over siya gutom lang pala, ang assuming ko mga mare. Kaya naman, hindi ako nagpatumpik-tumpik at sumunod din. Gutom din naman ako, eh. Gutom sa kanyang pagmamahal!

"Hey woman! What do you think you're doing?" tanong niya, na naman! Ang sungit talaga nito! Parang laging may dalaw.

"Luhhh? Bulag ka ba? Kita mo nang kumakain ako, nagtatanong ka pa!" sagot ko, defending my right to eat in peace and stalk him discreetly. Syempre hinditayo magpapahuli pero sana mahuli para ikulong niya ako sa puso niya ggrrr!

"What I wanted to say is, why are you sitting by my side when there are many vacant seats there!" iritado niyang sabi.

"Bakit ba? Eh gusto ko rito eh! At isa pa, pwede bang magtagalog ka na lang? English ka nang English, eh nasa Pilipinas naman tayo, wala sa US!" sagot ko, with a touch of nationalistic pride. Pero deep inside, kinakabahan na ako. Baka isipin niyang nevermind ako. Sh*t!

"Could you please stay away from me! I don't like girls like you!" Aruyy! Ang sakit naman ng mga salita niya! Parang sinaksak ang puso ko ng milyon-milyong libro niya.

"Ayoko nga!" pagmamatigas ko. Oh! Diba, effective? Pero sa sobrang effective, nagalit siya at itinapon ang kanyang pagkain sa trash can. Sayang naman 'yun! Baka pwede ko pa sanang hingiin.

Tinapos ko na lang ang aking pagkain at bumalik sa classroom. Naabutan ko roon ang bruha kong kaibigan na nakikipagchismisan na naman. Oh! Diba, ang galing? Ang bilis niyang mag-move on sa buhay. Samantalang ako, broken-hearted pa rin sa sinabi ni Asthon.

Sa buong maghapong klase, wala akong ibang ginawa kundi ang inisin ang dakilang katabi ko. Mabuti na lang at hindi ako napansin ng mga guro. Wagas naman ang inis ng anghel ko. Sinundot ko siya ng ballpen, kinulbit, at kinantahan pa ng "You Are My Angel" ng paulit-ulit.

Hanggang sa mag-uwian, hindi ko pa rin tinantanan si Asthon. Kahit saan siya pumunta, nakabuntot ako palagi. Para akong invisible bodyguard niya. Kaya ayun, mas lalo siyang nairita sa akin. Parang anytime, sasabog na siya.

Doon na lang ako tumigil nang maalala ko ang oras. Baka pagalitan na ako ni Mama kapag gabihin akong umuwi.

Mabilis akong umuwi sa bahay. Buti na lang at wala pa sila Mama at Papa. Siguro nagde-date pa rin ang dalawang feeling teenagers na 'yun. Hay buhay! Ang hirap maging single sa pamilyang puno ng pagmamahalan na sobra naman! 

Pero okay lang, dahil alam kong malapit na rin akong magkaroon ng sarili kong love story. At ang bida roon? Walang iba kundi ang sungit pero guwapong anghel na si Asthon.

Kapag yun ibinigay sakin magpapakabait na talaga ako as in kase ang hirap kayang single sabi pa nga nila ang crush daw ay makakabuti sa pag-aaral lalo na pagginawa mo itong inspirasyon - Char sa mo napulot yun dae?

Abangan!

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon