Chapter 16

392 11 0
                                        

Alliesha (POV)

Nagising ako na malakas ang ulan, kaya naman ay natulog uli ako! Buti na lang at nag-chat sa GC namin na walang pasok dahil sa sobrang lakas.

Nabulabog naman ang tulog kong muli nang may kumatok sa pinto ng silid ko na kala mo may sunog sa sobrang lakas! Baka naman si Mark 'yun, nagpapanggap na bumbero.

"Ate! Gising na!" Letcheng Mark 'to! Para siyang megaphone na sira!

"Pwede ba, 'wag kang sumigaw! Hindi ako bingi! Malakas lang talaga ang tulog ko, mana sa 'yo!" tanging sambit ko.

"Tskk! 'Di daw, pero kaninang alas-5:00 pa ako ng umaga kakatawag sa 'yo! Ngayon anong oras na ha? Mag-aalas-8 na!" Nanlaki naman ang mata ko sa narinig! Grabe naman ako matulog! Ulan nga naman. Pero mas masarap matulog 'pag may kayakap... char! Sana si Ashton 'yun sa panaginip ko.

"Ate, tama na ang pag-i-imagine mo! May bwesita ka!" sambit ni Mark! Bwesita?

"Anong bwesita ka diyan!" takang tanong ko habang nagliligpit ng hinigaan ko. Binuksan ko naman ang pinto ng silid ko at naabutan si Mark na nakalambitin sa...

"Tang ina mo, Mark!" inis na saad ko. Nakalambitin lang naman sa lubid na kala mo magpapakamatay

"Ano ka ba naman, Ate! New style ko 'to! 'Yung 'hanging out' kuno!" New style daw, pero para nang magpatiwakal.

"New style mong mukha mo! Kung gusto mong magpakamatay, Mark, 'wag dito sa bahay! Doon ka sa may malaking puno sa labas! Para dramatic!" inis na sambit ko.

"Arte mo, Ate!" kamot-ulong saad ni Mark.

'Di na lang ako kumibo pa at nagmamadaling bumaba ng hagdan! Naabutan ko sila Mama at Papa na masayang nag-uusap! Wews, ang sweet! Parang bagong honeymoon!

Ngunit hindi lamang sila ang nag-uusap, kundi pati na rin si... Ashton!

"Oh, anak! Mabuti, andito ka na! May bisita ka," sabi ni Mama.

"Bwesita kamo!" bulong naman ni Mark sa akin. Upakan ko 'to, eh!

"Ahmm, kamusta, Ashton?" sambit ko naman na parang hindi kami nagkita ng ilang taon, 'di ba!

"Tskk!" sambit niya, at ang walanghiya ay tiningnan lang naman ako ng blangkong tingin. Parang nakatingin sa pader.

Bumalik na naman sa dati ang loko. Pasalamat siya walang kaming refrigerator, kundi matagal ko na itong pinasok sa ref! Para magising!

"Ahmm, maiwan ko muna kayo, anak!" sambit ni Mama na nakangiti. Luh ano ganap?Ano 'to? Eclavo?

"Segi, Hijo! Mauna na muna kami sa taas!" nakangiting saad ni Mama.

Naiwan naman kaming dalawa na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapro-process sa utak ko kung anong ibig nilang sabihin.

"Ano'ng ganap?" wala sa sariling saad ko.

"Nothing! I just told them that starting today, I will be courting you!" saad naman niya habang hindi nakatingin sa akin. Parang nahihiya? O sadyang suplado lang talaga?

"Ah! Ganun ba....... what? Anong 'courting' pala, wait! Totoo?" gulat kong tanong.

"Nandito ako dahil humingi ako ng pahintulot sa iyong mga magulang na ligawan ka!" Inulit pa talaga. At Ano daw! Ako, liligawan niya! Nababaliw na ata 'to! O baka ako ang nababaliw?

"Weh! Sure ka? Baka jinojokiee-jokiee mo lang ako!" saad ko.

"No!" Wow!!

"Ano ba'ng nakain mo ngayon! May lagnat ka ba ulit o 'di kaya nakakain ka ng panis na pagkain. Naku, ako, 'wag mo ma-loko-loko! Kahit crush kita, hindi ako magpapaloko sa 'yo!" sambit ko naman.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon