Alliesha (POV)
It's been a month since I arrived here in America, at medyo nahihirapan pa rin ako. Dito kasi, English speaking ka talaga. Parang kailangan mong mag-download ng translation app sa utak mo bago ka lumabas ng bahay.
Sinulit ko naman muna ang mga huling araw ko sa Pinas na kasama sila Mama at Papa. Panay iyak si Mark dahil mami-miss niya raw ako. Ang OA talaga! Parang mawawala ako sa mapa forever. Sabagay, sino ba naman ang hindi maiiyak kung mahihiwalay sa chika-buddy niya?
"Alliesha! Where are you?" Ayan na naman si Buntis, si Tiya.
Ilang araw na akong walang tulog dahil sa kaka-lihi nito. Daig mo pa ang patay-gutom kung kumain. Kung makahingi ng pagkain, parang siya ang nagpapakain sa buong neighborhood.
"Alliesha! 'Yung mangga, asan na?" Ayan na naman 'yung sigaw niyang lagpas langit.
Tang-inang mangga kasi 'yan, eh! Pahamak! Kanina pa ako dito sa puno, hindi na nga ako makababa dahil sa sobrang taas. Ewan ko ba kung paano ako nakaakyat dito.
"Alliesha, please, ang mangga!" Letcheng mangga 'to, pag ako nabalian dahil dito, swerte na lang kung 'di mamatay, maghirap naman. Puputulin ko na lang kaya 'to? Baka sakaling tumigil na siya.
"Where na you?" Ayan, sumiklab na naman din ang pagka-isip-bata niya.
"I'm here, Tiya!" Sabay kaway-kaway nung maliit na puno.
"What? Where?" Ano ba 'to, bulag?
"Sa itaas nang mangga!" Mas iginaway-gaway ko pa lalo ang munting sanga. 'Yan tuloy, nabali. Oops!
"Oh no! How come naging puno ka na!" Letche! Paano ako naging puno?
"Tiya! Hindi ako naging puno! Umakyat ako! Dito, oh!" Mas nilakasan ko na ang boses ko.
"I only want mangoes, but why then you suddenly become a tree mango?" Ang drama! May pa-iyak-iyak pa.
Sa sobrang inis ko, inihagis ko ang isang bungkos ng mangga sa harap niya. Buti na lang at hindi natamaan. Ang kaso, pinulot lang niya ito at mabilis na pumasok sa loob.
Naiwan ako ditong tulala habang iniisip kung paano bababa sa puno. Paano ko ba kasi 'to naakyat? Naghanap pa ako ng ibang paraan, pero no choice pa rin. Kaya tinalon ko na lang mula rito papuntang baba.
Ang resulta, sumakit ang kaliwang paa ko. Buti na lang talaga at hindi ako nabalian. Mapuputol talaga itong punong 'to pagbalik ko!
Nagmamadali naman akong umalis doon baka maabutan pa ako nang may-ari dahil sa kagagawan ng magaling kong Tiya. Hindi naman naging mahirap. Pag may pasok ako, hindi siya nanghihimasok. Pero pag wala, para akong nag-alaga nang sampung bata.
Pumasok na ako sa loob at nakita siyang kumakain. Tingnan niyo pa siya, hindi na maitsura 'yung mukha. Mahirap pa naman itong patahimikin kung sakaling pigilan mo ito. Naalala ko lang tuloy 'yung pinakamagaling niyang mag-drama.
Flashback
"Oo, Uncle! Babantayan ko nang maayos at aalalahanin ko ang mga sinabi niyo, lalo na sa mga bawal niyang kainin." Dahil bored na din ako at pagod dahil galing pa akong school.
[Thank You, By the way, don't let her eat shrimps, she's allergic to it, probably it's also bad for her health.] Ayan na naman! Sabi niya, 'yun lang, tapos may dagdag na namang bawal.
"Okay! Noted, Uncle, you can surely rely on me." Dahil gusto ko nang matapos ang pag-uusap na 'to.
[Bye! Take care of her, Alliesha.] Oh, 'di ba? Pinatay agad.
Nasa bandang kusina na ako nang masilayan ko itong masayang kumakain. Hahayaan ko na sana ito nang unti-unti kong nakita kung anong klaseng pagkain ang pinagkakaabalahan nito. For the wonder woman information, 'yung alamang!
"Tiya! Bakit ka kumain niyan?!" Sabay alis ko sa alamang na nasa harap nito.
"That's what my baby wants, Alliesha, please give it back!" Mangiyak-ngiyak na sambit nito.
"Saan mo ba ito nakuha? You know it's bad for your health!" Dalawa na kami ngayong paiyak.
"No, no, no!" Ayun, umiyak na talaga.
Wala na akong ibang magawa kaya pinatahan ko ito. Pero mas lumakas lang 'yung iyak niya.
"Tiya naman!" Kababago ko lang dito, ngunit parang gusto ko nang umuwi.
"Please, Alliesha! Give it back, just that one only, promise I will not eat that again, just only this time!" Kawawa naman din, eh, pero hindi puwede! Kaya binigay ko na lang. Bahala na si Uncle diyan! Ayoko nang umiyak pa 'yan lalo, baka mapaano pa 'yan, tapos ako ang masisi. Parang sumusuko na ako sa laban.
Halos maiyak na ako noon kakapigil at kakahanap ng paraan para lang hindi niya kainin, pero ayun, binigay ko pa rin. Wala akong magawa, eh!
Halos wala akong tulog noon kakahanap ng maaaring ipanggamot sa kaniya para lang maibsan ang sakit ng tiyan niya. Ang tigas kasi nang ulo. Tumawag pa ako kay Uncle para lang sabihin 'yung sitwasyon niya. Buti na lang at may gatas, pinainom ko sa kanya, dahilan para makatulog siya.
Sumasakit ang ulo ko palagi, pero mas nadagdagan pa nang tuluyan akong nakapasok ako sa unibersidad na pinapasukan ko. Minalas pa ako dahil hindi ko nagawa ang project ko.
"Hm, ang sarap ng mangga!" Nakakapag-Tagalog pala nang wagas kapag nakakain ng mangga ang isang buntis.
"Ako na bahala sa mga ito, Tiya, magpahinga ka na!" Tumango naman ito at nagmamadaling pumunta sa silid niya. Medyo may kalakihan pa itong bahay nila, pero hindi naman masyadong mahirap.
Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan niya, nagluto na rin ako.
"Tiya, what do you want to eat for dinner?" Dahil panigurado na magrereklamo na naman ito kung hindi niya magugustuhan.
"I want to eat piniritong okra!" Seriously, Tiya?
"Saan ako kukuha ang ideyang yan? Piniritong Okra!" Walang utak kung sino mang naka isip niyang klaseng ulam.
"Just cook it, Alliesha." Yun lang at sinirado na niya ang pinto.
Manghihingi na lang ako sa kapitbahay namin. Actually, hindi naman ako mahihirapan dahil Filipino din naman 'yung mga 'yun, at isa pa, may garden din sila.
"Hello!" Pakapalan na lang 'to ng mukha.
"Alliesha! What can I do for you?" Ikaw, joke! Nasaan kaya ang nanay nito, yun ang mas nakakaintindi ng tagalog kaysa sa isang to.
"Ahm, puwedeng manghingi ng okra?" Okra lang naman.
"What is okra?" Abay, ewan ko! Letche, pati okra, 'di alam? Sila itong may garden.
"Okra, 'di mo alam?" Kaloka!
"I don't know that okra thing, but you can find it at my garden." Sige, babush! Ano nga pala ang english nang okra nakalimotan ko.
"Okay, thank you!" Pinapasok niya ako sa bakuran nila, at dali-dali naman din akong pumitas ng okra.
"Is that all?" Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang sumulpot ito sa likuran ko. Buti na lang at hindi ako inatake.
"Yeah! Thanks to this."
Bumalik na ako at niluto 'yon. At pagkatapos ay tinawag si Tiya nang maluto ito. 'Di ko alam ano lasa, pero sarap na sarap siya.
Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na ang mga pinggan, at pagkatapos ay nagpahinga na din ako.
BINABASA MO ANG
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy
RomanceAlliesha Lae Mendoza who has a childish behavior unexpectedly encounter Ashton Luke Saavedra the cold-hearted guy. She was suddenly attracted to him and do the most insane thing in her life. The most, annoying him, stalking him and most of all, even...
