Chapter 23

249 9 2
                                        

Alliesha (POV)

Kanina pa ako daldal ng daldal dito sa katabi ko dahil hindi niya sasabihin kung nasaan na ang myloves ko eh halos mag-iisang buwan nang hindi pumasok si Ashton.

Kataka-taka ding hindi pinansin ng bruha kong kaibigan iyon. Ewan ko na lang dito.

"Besh! Asan na nga yung myloves ko?" Pang-isang libo na ata kong tanong ito.

"Will you shut up can you?" Tahimik self bad mood ang bruha.

Nang mag-lunch ay pumunta ako sa canteen at doon kumain. Di ko na inaya ang bruha dahil feeling ko wala sa sarili yun.

Nang tuluyan na akong matapos ay bumalik din ako at nag-review dahil may exam na kami ngayon. Nagtataka nga lang ako minsan dahil hindi naman hinanap ng mga guro namin si Ashton.

Natapos naman ang buong araw ko, at perfect pa ako sa exam. Sana lahat ng sagot ko ay tamang-tama!

Nandito ako ngayon naghihintay parin sa kanya, nang biglang dumating si Justin. Nagmamadali itong pumunta papunta sa akin ng biglang natalisod ito at aksidenteng nagkahalikan kami.

"At, ano 'to? Bakit biglang may kissing scene?" tanong ni Ziron na biglang sumulpot.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

Sa isang iglap, nagmamadaling humakbang palapit si Ashton sa akin at hinablot ang kamay ko.

"What are you doing as*hole?" Sa tono ng pananalita nito, alam kong galit siya.

"Tsk!" Ewan ko lang, pero bakit parang iba yata ang galaw ni Justin ngayon. Saka ito umalis na parang walang nangyari.

"Why did you do that?" Nabalik na lang ako sa realidad nang magsalita si Ashton.

"It's just an accident!" Kulba my heart!

"Then why you didn't push him?" Luh?

"Kinakabahan ako eh! Tsaka di ko rin naman alam na mangyayari yun," pero ang loko ay ngumiti na lang bigla.

"Prepare yourself later, I'm gonna make you mine," kahit kabado ay tumango na lang ako.

Honestly, wala akong naintindihan.

"Let's go!"

Hinatid niya ako sa bahay nang tahimik lang. Di ko alam kung bakit ang tahimik na nila, pati ang bruha na madaldal di nagsasalita.

Pero halos patayin na nito si Ziron ng tingin dahil ito namang si Ziron ay parang sisiw. Panay siksik kay bruha at dahil doon hindi na maipinta ang mukha nito.

Hanggang sa dumating kami sa bahay ay ganun parin ang mukha nito. Nagpaalam na din naman ang mga ito pero bago yun ay inubos muna nila ang luto ni mama.

Hindi na nga ako nakakain nun dahil umusbong na naman ang katakawan ng dalawang patay gutom na walang iba kundi si Ziron at si bruhang Ellyse.

Bagay nga talaga ang dalawa diba?

Fresh lumpia pa naman yun tas nilantakan lang nila na parang walang kain ng isang taon. Grabe nakakabilib! Pwede na sila pambato sa palakasan ng kain.

Natatawa nalang si mama at sinabing lulutuan nalang daw niya kami. Proud pa talaga ang mga lokong to na inubos iyun.

Nang makabawi ng tingin ay pumunta nalang ako sa silid ko at nagbihis. Saktong pagkababa ko nang makita ko si mama at Ashton na nag-uusap.

Napakunot tuloy ang noo ko nang makitang sobrang lapad ng ngiti ni Ashton na animo'y batang nag-aabang ng excited na tanawin.

Parang hindi liyon kanina sa galit ah!

Di nagtagal ay umuwi narin ang mga patay gutom. Naghanda na rin si mama ng hapunan namin at syempre tumulong din ako.

Nakarating na rin sina papa at mark kaya't kumain na din kami at pagkatapos ay hinugasan ang mga ginamit namin. Ngunit nang makabalik ako ay hindi ko na nadatnan sina mama at papa sa sala kaya't minabuti ko nalang na magpahinga kasi feel ko nagpapahinga narin ang mga yun.

Pero maaga pa naman. Hindi pa naman ako inaantok kaya nag-scroll-scroll muna ako sa social media.

Tiningnan ko ang account ni Ashton at laking gulat ko ng makita ito.

Nakaside view and nasa pic pero alam kong ako yun. Hindi ako assumera ha! Sadyang ako talaga yun. Wala naman itong ibang update maliban duon.

Nang feel ko inaantok na ako ay inilagay ko na sa bag ang cellphone at nagsimulang ipikit ang mga mata ngunit naalimpungatan ako ng may marinig ako.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon