Chapter 13

442 13 1
                                        

Chapter 13

Alliesha (POV)

Nagising ako sa pagkakatulog na parang bagong pitik na bulaklak, at bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni Ashton myloves. Para siyang sleeping prince na hinihintay ang halik ng kanyang prinsesa at ako 'yun!

Ang ganda sana kung ganito palagi ang gising ko, paniguradong ganado akong palagi, parang may unlimited supply ng kape.

'Yung tipong pagod kang matutulog na parang binugbog, tapos paggising mo, bubungad agad ang taong inaasahan mong—

"Are you done dreaming? Para kang natulog ng isang siglo," biglang boses ni Ashton na nagpabalik sa akin sa realidad. Grabe naman! Ang sarap na ng panaginip ko, eh!

"Grabe ka naman sa akin! Kita mo na ngang gising na, nanaginip pa! Aba'y wala kang awa! Ang brutal mo!" reklamo ko habang kinukusot ang mata ko.

"Tsk! Stupid," bulong niya. Ehhh? Ano daw? Stupid ako?

"Hoy! Kung stupid ako, mas stupid ka! At least ako, maganda pa rin kahit stupid!" depensa ko. Akala ko magagalit siya, pero tumawa lang ito na parang nanonood ng nakakatawang video.

"I don't know what I'm going to do with you anymore!" Wow! Naman! Parang ang laki kong problema sa buhay niya.

"Wews! Ano ako, bagay para sabihan mong 'I don't know what I'm going to do with you anymore!'? Para mo akong sirang laruan!" panggagaya ko sa kanya.

"What's happening to you? Para kang baliw," nagtatakang tanong niya.

"At nagtatanong ka pa, eh ikaw nga 'tong nagsasabing nananaginip ako!" and again, tinawanan lang ako. Kahinaan ko pa naman ang malamusika niyang pagtawa. Para akong kinikiliti sa puso.

Please help me to overcome this kind of temptation. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa. Bali na lang! Basta 'wag lang akong mahulog nang tuluyan.

"I like you seeing pissed off. Ang cute mo kapag galit," anak ng tipaklong! Talagang natutuwa pa siya!

"At nagagalak ka pa talaga! Sipain kita diyan, eh!" Langya 'to! Ang sarap niyang batukan gamit ang keyboard.

"Hmmn!" Niyakap naman niya ako bigla kaya minabuti ko na lang na manahimik. Hehe, heaven! Kung panaginip lang 'to, please, 'wag niyo na akong gisingin. Mananatili ako dito hanggang mamatay ako... joke lang! Baka magalit si Mama.

"Ashton? Ano ba 'tong ginagawa mo? Para kang nakainom ng magic potion," naguguluhan ako sa nangyayari sa kanya. Bigla ba naman bumait? Baka may sakit pa 'to.

"Nothing! I just want to hugged You. Is that wrong?" kanina pa 'to yakap nang yakap. Baka nananadya 'to, eh.

Kaya hinayaan ko na lang. Syempre, blessing na 'to, eh! Aatrasan ko pa ba? Parang libreng yakap mula sa isang artista.

"Ahmm, Ashton, pwede bitawan mo na ako? Kasi pupunta pa ako sa school at uuwi na rin ako. Baka mapagalitan ako ni Mama. Alam mo namang parang dragon 'yun 'pag nagalit," sabi ko.

"Okay, but take note of this, I will be there in your house by tomorrow," ano naman ang gagawin niya sa bahay namin? Baka maniningil ng utang? Eh wala naman akong utang sa kanya.

"At bakit?" curious kong tanong.

"It's my business to know. Basta pupunta ako," misteryoso niyang sagot.

"Wag na! Baka umuwi kang umiiyak," pagbabala ko.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"Baka habulin ka ni Papa ng itak! 'Yun ang welcome gift niya sa mga 'di niya gusto," sagot ko.

"Okay lang! Mahal pa rin naman kita kahit habulin pa ako ng itak ni Papa. Worth it!" Aba't! Ang lakas naman ng loob mong tawaging Papa ang Papa ko! Feeling close much?

"Ang lakas naman ng loob mong tawaging Papa ang Papa ko!" inis kong sabi.

"Why? 'Di ba pwede? Soon-to-be father-in-law naman," confident niyang sagot.

"Hindi! At saka, tama ba ang narinig kong mahal mo 'ko?" gulat kong tanong.

"Yes! Why? May problema ba doon?"

"Why ka nga nang why diyan! Sipain kaya kita!" banta ko.

"If you're curious why I act like these, it's because wala lang. Trip ko lang," Ay letche! Binibitin niya ako sa ere!

"Bitiw na!" Utos ko sa kanya sa pagkakayakap sa akin, at binitawan naman niya ako na parang batang inagawan ng laruan.

"Segi, alis na ako!" saad ko at akmang tatalikod na nang biglang magsalita siya.

"Wait!" pigil niya. Ano na naman kaya 'to? Baka gusto niya na akong pakasalan agad? Joke lang! Ang layo pa.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon