Chapter 37

270 9 0
                                        

Alliesha (POV)

Nagising ako dala ng mainit na pakiramdam, halos hindi ako makatayo dahil sa sobrang panghihina ko.

Sinubukan ko naman na tumayo, pero sa kamalas-malasan, sa sahig pa rin ang bagsak ko.

Sinubukan ko uli, pero—

"Ba't parang nahihilo ako?" Naku naman.

I was about to move back to my bed when someone carried me back to my bed safely, but I got stopped upon seeing the one who helped me.

"I'm sorry! I just want to help." Asthon!

"It's okay and thank you by the way!" Baka patayin ako ni Celestia kapag nalamang nandito ito.

"I cooked a soup for you." Parang dati lang, kaso ako itong nilagnat.

"Thank You!" And with that, he took care of me.

Wala na akong palag dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko, pati lakas ko, ninakaw ng lagnat.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at tiningnan ako ng may pag-aalala sa mukha. Nababasa ko rin ang pangungulilang taglay 'nun.

As long as maging maayos lahat, gagawin ko kahit masakit sa atay ko.

Buti na lang talaga at lumabas na rin siya kasi, I can't let him see me like this.

I miss him, miss what we're moments back then, but here I am, acting strong like it didn't eat me mentally.

Though I was totally successful, pero ang makitang masaya sa piling ng iba 'yung taong naging parte ng buhay ko, it kills me.

Suddenly, my phone rang.

"Hello," trying my voice to be calm.

[Gurl! Punta ako sa bahay niyo, na-miss kita!] Loko 'to.

"Bahala ka kung anong gusto mo." Wala akong pake.

[Gurl naman.] Ewan ko na lang sa baklang 'to.

"Okay! Kailan ka pupunta?" As if naman na hindi 'to busy.

[Sa mga susunod na araw, gurl.] Okay!

"Fine." Nagugutom ang mga alaga ko sa tiyan.

[Babye na dahil may imi-meet akong fafa ngayon, bye!] Bakla talaga.

Binaba na din niya ang phone, at saktong lunch na din, kaya kahit hindi ko pa kaya, ay sinikap kong maglakad papuntang kusina.

Akala ko, umalis na siya, pero hindi pa pala. Pero halos manlumo ako nang makita ko siya. He was crying? I don't know kung dahil ba sa pagluluto o baka ibang rason.

I was about to approach him when he suddenly noticed me. Dali-dali niyang pinunasan ang luha sa kanyang mukha at saka tumalikod sa akin.

Parang sinaksak ang puso ko ng libu-libong kutsilyo nang makita ko siyang ganito. I've never seen him crying even noong naging kami.

Hindi ko alam kung anong nais iparating ng puso ko, pero isa lang ang naseseguro ko: gusto ko siyang yakapin.

Si Asthon pa lang ang nakita kong umiyak, nanghina na agad ang katawan ko. Feeling ko, pinahirapan ko siya, 'yung tipong sobrang hirap, dahilan para iiyak na lang niya lahat.

Bumalik ako sa aking silid. Hindi ko kaya na makita siyang nasa ganoong sitwasyon.

'Di nagtagal, dinalhan niya ako ng pagkain. Tahimik lang akong kumain habang siya naman ay nakatingin lang sa akin.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon